KABANATA 5 Maagang nagising si Shiela kahit hindi s'ya nakatulog nang maayos dahil sa mga iniisip n'ya. Ibinaba niya ang mga gamit niya dahil maaga daw sila susunduin ng driver ng mga Oliveros. Handa na rin ang kanyang mga magulang. Nasa sala ang mga ito at nag kakape. Napatayo naman sila ng may bumusina sa tapat nila. Kaya nilabas n'ya ito, sakto naman lumabas din ang driver ng sasakyan. "Dito po ba ang bahay ni Ms. Shiela Bartolome?" Tanong sa kanya ng driver. Tumango naman si Shiela at tiningnan ang sasakyan nitong dala puting van ang dala nitong sasakyan. "Opo dito nga po, kayo po ang driver ni ma'am Oliveros?" Magalang na tanong nito sa manong. "Oo ako nga hija, pinapasundo kayo sakin ni ma'am," sagot ng driver dito. "ah sige po

