Kabanata 3

1517 Words
KABANATA 3       Naglalakad na si Shiela palabas ng village nang may humintong kotse sa tapat niya.     Bumukas ang bintana ng driver seat at iniluwa noon si Kate.     "Shiela? Anong ginagawa mo dito? Bakit paalis kana? Hindi pa naman late sa munting salo-salo ni tita," nagtatakang tanong ni Kate kay Shiela.     Medyo nahiya naman si Shiela sa sasabihin dahil ano nga ba ang ikakatwiran n'ya dito. Dapat ba sabihin n'ya na naiinis s'ya sa pinsan nito dahil may kasama itong babae na maganda at makinis.     Pero mas maganda at makinis naman s'ya  doon sa babae at mas matangkad s'ya dito ng konti. Pwede nga siyang model dahil mas natural ang ganda niya kaysa do'n sa babaeng kasama ni Calvin. Halata kasi na plastic ang beauty nito.     Napailing nalang si Shiela dahil sa mga pumapasok sa  kanyang isip. Nagtangal muna siya ng bara sa lalamunan bago sumagot.     "ahmm medyo sumama kasi ang pakiramdam ko,” pangangatwiran niya.     Lumabas naman si Kate ng sasakyan at lumapit sa kanya.     "Ahmm hindi ka naman mainit, normal lang ang init ng katawan mo," sabi ni Kate matapos siyang hawakan sa noo.     Nurse kasi si Kate kaya may alam s'ya base sa init ng katawan ng tao.     Para naman napahiya si Shiela dahil sa pagsisinungaling niya kay Kate.     "ano po kasi ahmm--" Hindi madugtungan ang sasabihin ni Shiela. Hindi siya sanay na mag sinungaling.     "Ahmm let's go na Shiela baka hinihintay na tayo ni tita," sabi ni Kate kay Shiela sabay hila dito.     Wala ng nagawa si Shiela kung hindi ang sumama kay Kate.     Nakarating na sila sa tapat ng bahay ng mga Oliveros. Malakas na bumusina si Kate para pag-buksan sila ng kasambahay.     Wala pang limang minuto bumukas na ang gate.     Namangha si Shiela nang makapasok na ang sasakyan sa loob ng bahay ng mga Oliveros. Kung sa labas ay maganda na, talagang sa loob ay napakaganda at parang dumoble ang laki.     "let's go na Shiela," nakangiting baling sa kanya ni Kate habang tinatangal ang sariling seatbelt.     Tumango si Shiela at tinangal na rin ang seatbelt niya.     Sabay ang dalawang lumabas ng sasakyan. Naunang pumasok si Kate sa mansyon samantalang kasunod nito si Shiela.     "Tita we're here na!” malakas na sigaw ni Kate.     Doon naman lumabas ang Ginang sa kusina.     "Kate, Shiela salamat naman at bumalik ka hija!”masayang sabi ng Ginang.     Ngumiti naman si Shiela na nahihiya sa Ginang.     "buti nga po nakita ko ito sa daan eh,” sabi ni Kate sa Ginang.     Bigla naman lumabas si Calvin galing sa kusina kasama si Francene nanakapulupot ang kamay sa bewang ng binata.     Natuon naman ang tingin doon nina Kate at Shiela. Samantalang ang Ginang ay medyo sumimangot.     "Bakit nandito ka?" Mataray na tanong ni Francene kay Shiela na nakataas pa ang isang kilay.     Napakagat labi naman si Shiela dahil parang maiiyak na naman siya sa hindi n'ya alam na dahilan.     "Paki mo ba?” mtaray na sagot ni Kate "invited naman si Shiela ni tita, ikaw nga hindi eh pero nandito ka!” Tuloy tuloy na sabi pa nito at halatang naiinis din sa babae.     "Aba---" sasagot na sana si Francene nang mag salita si Calvin.     "Pwede ba Francene umalis kana!" matigas na sabi ni Calvin sabay alis ng kamay ni Francene sa bewang nito at pumasok sa kusina.     Sumunod na rin ang Ginang kay Calvin na may ngiti sa labi dahil sa ginawa ng anak.     Halos umusok naman ang Ilong ni Francene dahil sa ginawa ni Calvin.     "bleeeh," pang-aasar ni Kate kay Francene sabay hila kay Shiela para sumunod sa kusina.     Galit na galit naman si Francene dahil sa kahihiyang nangyari kaya nag madali na itong umalis sa bahay ng Oliveros.     Matapos ang kaunting salo-salo sa bahay ng mga Oliveros ay inimbitahan ni Kate si Shiela sa kwarto niya.     Hindi naman tinangihan ni Shiela ang imbita ng dalaga.     "Alam mo ang ganda mo talaga Shiela,” sabi ni Kate habang nakaupo sila sa kama nito.     Namula naman ang mukha ni Shiela dahil sa sinabi ng dalaga kahit madami nang nagsasabi sa kanya ay hindi pa din maiwasan mahiya ang dalaga tuwing pinupuri siya.     "Kahit wala kang make up ang ganda-ganda mo na,” sabi pa ni Kate. " what if pa kung mag make up ka?”patuloy pa ni Kate.     "Make up-an kaya kita!” nakangiting sabi ni Kate.     "naku wag na, Hindi ako sanay na mag make up,” sagot naman ni Shiela.     "Ah basta!" sabi ni Kate at hinila si Shiela sa harap ng salamin.     Pinaupo ni Kate si Shiela sa tapat ng salamin. Kumuha si Kate ng gamit na Hindi alam ni Shiela kung anong tawag sa uri ng pang-ayos na yun dahil hindi naman siya mahilig sa pang ayos sa mukha. Pero alam n'ya make up ito.     Inaplayan ng light make up ni Kate si Sheila. Matapos ang sampung minuto  na make up-an natapos na rin.      "Wow ang ganda mo talaga girl!”sabi ni Kate dito. Hindi naman umangal si Shiela dahil s'ya ay nagandahan din sa sarili.     "Tara sa garden Shiela?" aya sa kanya ni Kate.     Tumayo na s'ya nang makaramdam na naiihi siya.     "Ahmm Kate pwede ba mag cr muna," nahihiyang sabi nito.      "ah ok, mauna na ako sayo mag papahanda rin ako ng meryenda sa garden,” sabi sa kanya ni Kate.     Tumango siya bilang sang ayon dito. Pumasok na sya sa banyo habang si Kate naman ay lumabas na ng kwarto.     After five minutes sa banyo ay lumabas na rin s'ya. Pagkalabas n'ya sa kwarto ni Kate ay nanalaki ang mata n'ya nang makalimutan ang daan pababa.     Nag simula na siyang mag lakad at nadaan niya ang madaming kwarto. Hindi n'ya talaga maalala kung saan siya dumaan kanina dahil hinila lang siya ni Kate.     Napapaiyak na si Shiela dahil sa katangahan na naman dapat ay hindi nalang siya nag paiiwan kay  Kate.     Ilang liko pa si Shiela, hindi parin n'ya makita ang hagdan pababa. Babalik nalang sana s'ya sa kwarto ni Kate nang may humila sa kanya.     Nagulat si Shiela ng may kamay na humigit sa kanya sa isang sulok. Hindi pa nakakapag react si Shiela nang idinikit ang likod niya sa wall.     Bubuka na sana ang bibig niya at handa ng singhalan ang pangahas na tao na humila sa kanya. Pero nawala iyon ng mapagsino ang humila sa kanya. Walang iba kundi si Calvin Oliveros.      Nakatingin ito sa kanya ng matiim, kaya hindi n'ya maiiwasan kabahan lalo na sobrang dikit nito sa kanya.     "Hindi ko na kaya!” matiim na sabi nito kay Shiela.     Nagugulahan si Shiela sa sinasabi nito. Pero parang may sumaksak sa puso nito ng malaman ang ibig nitong ipahiwatig.      Hindi nito kayang nandito s'ya sa bahay ng mga ito kaya hindi maiwasan maluha ni Shiela.      "wag po kayong mag alala sir aalis na po ako!" pigil ang luhang sabi niya.     Akmang aalis na s'ya nang hapitin nito ang bewang niya. Para naman may kuryente na dumaloy sa kanyang katawan dahil sa ginawa ng binata.     "Titikman ko lang," nahihirapan sabi nito. Naguluhan naman si Sheila kung ano ang ibig sabihin nito.     Nanlaki ang mata ni Shiela nang hawakan nito ang pisnge niya habang ang isang kamay ay nakalagay parin sa bewang n'ya.     "mababaliw ako pag hindi ko nagawa ito,” sabi nito at unti-unting lumapit ang mukha kay Shiela.     Kinakabahan man si Shiela ay hinde n'ya maiiwasan ma excite dahil ito ang unang pag-kakataon na mahahalikan s'ya.     Pumikit s'ya ng makita n'yang malapit na ang mukha nito sa kanya. Kaunti segundo lang ay naramdaman niya ang malambot na labi nito.     No'ng una ay hindi n'ya alam ang gagawin   pero ng nag tagal ay unti-unti na rin gumalaw ang labi nito sinasabayan ang galaw ng labi ng binata.     Ilang minuto rin na mag kahinang ang labi ng dalawa. Humiwalay ang labi ni Shiela dahil hindi na s'ya makahinga pero hinabol parin ito ng binata.     "Shiela?" Sigaw ni Kate na hinahanap si Shiela, dahil kanina pa itong hindi  bumababa.     Nataranta naman si Shiela dahil narinig niya ang sigaw ni Kate. Itinulak niya si Calvin na wala man lang pakialam na ang gusto lang ay mahalikan siya.     Hindi parin pinakawalan ni Calvin ang bewang ng dalaga. Pinagdikit nito ang kanilang noo.     "Akin kana!” sabi nito at hinalikan siya sa noo.     Napakagatlabi naman ang dalaga dahil sa sinabi ng binata.     "Go hinahanap kana ni Kate," sabi sa kanya ni Calvin na nakapag gising sa kanya sa pagkatulala.     Agad siyang umalis sa lugar na iyon at pinuntahan kung saan n'ya naririnig na sumisigaw si Kate.     Hindi pa s'ya nakakalayo ay nakasalubong naman niya si Kate. Lumapit ito sa kanya.     "Saan ka ba nag-ppunta Shiela?" Tanong ni Kate dito.     Napakagat labi si Shiela bago sumagot.     "nawala kasi ako, hindi ko alam kung saan ang daan pababa,” sabi n'ya na totoo naman.     Napabuntong hininga naman si Kate. At hinawakan siya sa kamay.     "Dapat hindi nalang kita iniwan, Tara na sa garden,” pag-aya nito sa kanya at ngumiti.     Tumango naman si Shiela  bilang pag sang-ayon, hinila na s'ya ni Kate pababa. Lumingon ulit siya at napasinghap ng makita niya si Calvin na nakatayo at seryosong nakatingin sa kanila ni Kate.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD