Kabanata 2

966 Words
  KABANATA 2         Byernes na ng hapon. Nag iisip pa din si Shiela ng ere-regalo sa Ginang.     "Alam ko na!" ngingiti-ngiting sabi ni Marie habang nakataas pa ang isang hintuturo.     "Ano naman yun?" Nakatingin tanong ni Shiela sa kaibigan..     "Regaluhan mo ng condom!” masayang suggestion ni Marie kay Shiela.     Halos manlaki naman ang mata ni Shiela sa narinig. Maging si Angela naman ay namula, nasa tabi ito ng dalawa.      "ano kaba Marie! bakit ko naman reregaluhan si ma'am Oliveros ng condom!" Gigil na sabi nito sa kaibigan.     Humagalpak naman nang  pagtawa si Marie. Buti nalang at wala silang costumer dahil hapon medyo mahina sila pag hapon.     "Gagawing balloon?" natatawa pang sabi ni Marie.     Nagkatinginan naman ang dalawa ni Shiela at Angela dahil parang may saltik yata ang kaibigan nila.     "Ipagluto mo nalang kaya ate Shiela," suggestion ni Angela.     Ate ang tawag nito sa dalawa dahil mas matanda si Marie at Shiela kay Angela.     "Oo nga Shiela, pag luto mo nalang si madam total magaling ka naman dun eh," pagsolsol pa ni Marie.     Napatango naman si Shiela. Ipagluluto nalang ni Shiela si Mrs.Oliveros dahil doon naman siya magaling. Sa pag luluto.   ---   Sabado ng umaga, humingi s'ya ng day off sa boss n'ya, masaya siya dahil pinayagan siya. Kaya namelengke muna siya nang gagamitin sa lulutuin n'ya.     Naisip n'yang ipagluto ang Ginang ng adobo. Matapos niyang mamalengke ay niluto n'ya ang adobo. Pag katapos maluto inilagay n'ya ito sa Tupperware nag tira s'ya ng kunti para sa ulam ng magulang n'ya.     Nang masigurong ok  na ang kanyang dadalhin ay umakyat na siya sa kanyang kwarto para maligo at makapag bihis s'ya.     Simply lang ang isinuot n'ya white t-shirt at skinny jeans at rubber shoes na puti. Tiningnan nya ang kanyang shoulder bag kung nandun na ang kanyang mga gamit tulad ng polbo, lips loss suklay at cellphone. Bigla naman tumunog ang cellphone nya hudyat na may nag text kaya binuksan n'ya ito.     "See you later baby,” yan ang natangap n'ya text galing sa unknown no. Kaya napakunot ang noo nya.     "Sino kaya ito?" Tanong n'ya sa sarili "Ahmmp baka wrongsend lang,” sabi nalang n'ya at inilagay na ang cellphone sa dadalhin n'yang bag.     Bumaba na siya at tinungo ang kusina para kunin ang niluto niyang ulam. May dala narin siyang paper bag para dun ilagay ang Tupperware na may ulam.     "Nay!tay! alis na po ako!" paalam niya sa mga magulang.     "Sige anak mag ingat ka huh?" bilin sa kanya ng kanyang Inay.     Umalis na s'ya sa bahay nila at pumunta sa termenal ng tricycle para mag pahatid sa bahay ng mga Oliveros.      Ibinaba siya ng tricycle sa isang kilalang village. Hangang gate lang siya inihatid dahil bawal mag papasok ng ibang sasakyan kung hindi doon nakatira.     Lumapit si Shiela sa guard at nag tanong.     "Manong guard saan po dito ang bahay ng mga Oliveros?" Nahihiyang tanong niya.     "May kilala kaba sa mga Oliveros hija?” tanong ng matandang guard.     "Opo si ma'am Espee po," nakangiting tugon niya.     Tiningnan s'ya nito na parang sinusuri, nag paalam ito natatawag sa bahay ng Oliveros. Maya-maya ay bumalik ito at sinabi ang bahay ng mga Oliveros.     Yung pinakamalaking kulay puti at may gate na nakalagay na  Oliveros yun daw ang bahay ng mga ito.     Nag pasalamat si Shiela sa guard bago tumuloy sa pag pasok sa village.     Namangha si Shiela sa nakikitang malalaking bahay na talaga naman pangmayayaman. Kilala kasi ang village na ito na tirahan ng mga politiko, artista at businessman kaya hindi na nakakapagtaka na nag lalakihan bahay ang nandito.     Napahinto si Shiela sa pinaka malaking bahay na nakita n'ya sa village at may nakasulat na Oliveros sa gate.     Nakatayo s'ya sa gitna ng gate at nag aalinlangan kong mag doorbell ba s'ya. Kaya nakatayo lang s'ya at tinatangal ang kaba sa dibdib n'ya.     "Kaya mo'to!" pag chear ni Shiela sa kanyang sarili.     Akmang pipindutin n'ya na ang doorbell nang may malakas na bumusina sa likod n'ya na nag patalon sa kanya sa gulat.     "Hey get out of my way!" matigas na English ng driver ng sasakyan.     Nakilala n'ya agad kung kaninong boses iyon kahit ilang beses palang n'yang naririnig itong mag salita ay nakikilala n'ya na.     Humarap s'ya dito at nakita niyang nakisilip ang ulo nito sa bintana ng kotse habang  nakakunot ang noo.     Napakagat labi naman s'ya dahil sa hiya. Bumukas ang gate at iniluwa ang dalawang katulong na nag tutulong-tulong sa pag bukas ng mataas na gate.     "Tumabi ka nga d'yan!" sabi ng isang babaeng kababa lang galing sa kotse ni Calvin.     Maganda at maputi ito at kilala n'ya ang babae dahil ito ang mukha sa larawan na pinakita ni Marie sa kanya noong isang araw ito si Francene Pascua ang rumour girlfriend ni Calvin .     Halos manliit si Shiela sa sarili dahil sa ayos ng babaeng nakapameywang sa harapan niya.     "Ano tatanga-tanga ka lang ba dyan?" Mataray na tanong  pa nito.     Hindi na s'ya makaimik at halos maiyak na s'ya dahil sa sinabi ng babae.     "Let's go na Francene, nag hihintay na si mommy," naiinis na rin na sabi ni Calvin.     Inirapan ni Francene si Shiela bago pumasok sa kotse, tumabi si Shiela upang makadaan ang sasakyan.     Nakapasok na ang sasakyan. Pero wala parin kibo si Shiela naiinis s'ya, naiiyak siya.     "Ate ok kalang po ba?” tanong ng isang kasambahay ng Oliveros sa kanya.     Napailing s'ya at tuluyan ng umiyak. Nakatingin naman sa kanya ang kasambahay.     "Pakibigay nalang ito kay ma'am Espee sabihin mo galing kay Shiela, pasabi nalang po na  pasensya na kung hindi ako makakatuloy sumama kasi ang pakiramdam ko," sabi ni Shiela sa katulong at ibinigay ang niluto niyang ulam.     "Sige ate," sagot ng kasambahay, na aalinlangin na tinangap ang tupperware na may lamang ulam.     "Salamat," nakangiting sabi niya. Umalis na siya sa tapat ng bahay ng mga Oliveros.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD