Simula

3084 Words
SIMULA     Alas siyete ng umaga nang magising si Shiela, pagkatapos  niyang maligo at mag-ayos ng sarili ay nagtungo siya sa kusina kung na saan  ang kanyang ina  na nagluluto ng agahan para sa kanilang  pamilya.   "Magandang umaga Nay!" bati n'ya sa kanyang Ina. Nagtungo s'ya sa kanilang thermos at nag timpla ng kape.   "Magandang umaga din nak!" balik na bati ng kanyang Ina sa kanya habang abala sa pag piprito ng itlog.   Umupo naman si Shiela sa upuan at nilapag sa lamesa ang kanyang tinimplang kape.   "Anak kumain kana at baka ma late ka sa trabaho mo," sabi ng kanyang ina sabay lagay ng kanin at ulam sa hapag kainan.   "Maaga pa naman nay alas otso pa po pasok ko,"  sagot ni  Shiela sa magulang. Isang cashier si Shiela sa isang maliit na restaurant.   "O s'ya tatawagin ko lang ang iyong itay para sabay-sabay na tayo," wika pa ng kanyang ina. ---   Nag aayos si Shiela ng counter ng biglang tumunog ang pintuan ng restaurant hudyat na merong costumer. Wala pa ang kanyang kasamahan kaya s'ya muna ang mag waitress. Ang una pala n'yang costumer ay mag tita na Oliveros mabait ang mga ito, hindi din n'ya alam kung bakit  sa hindi mamahalin na restaurant  ang mga ito kumakain, kung kaya naman ng mga itong kumain sa isang mamahaling at sikat na restaurant  dahil mayaman ang mga ito at kilala si lipunan.   "Good morning po mga ma'am?" magiliw na bati ni Shiela sa mga ito.   Nginitian din ng bagong dating na costumer si Shiela.   "Good morning din Shiela, at wag mo na akong tawaging ma'am diba? Tita Espe nalang," Nakangiting pagtatama nito kay Shiela.   "Good morning Shiela, Kate nalang tawag mo sakin," sabi ni Kate na mas matanda lang kay Shiela ng isang taon.   Ngumiti nalang si Shiela dahil talagang mabait ang mag Tita na Oliveros..   "Ano po order n'yo?" Tanong ni Shiela ng nakangiti.   "Ganon parin hija hahaha ang sarap kasi ng sizzling beefsteak n'yo," tumatawang sabi ni Mrs. Oliveros.   Isinulat ito ni Shiela sa papel.   "Same din Shiela," nakangiting sabi ni Kate.   "OK sampung minuto po," sabi ni Shiela na ngumiti bago umalis para ibigay ang order nila sa chief ng restaurant.   Habang hinihintay ang order ng mag Tita na Oliveros ay tinawag ng mga ito si Shiela.   "Shiela, hija upo ka muna," paanyaya ni Mrs. Oliveros.   "Naku Hindi na po. Bakit po Titaa Espee?" Tanong ni Shiela.   "Naku wala naman natutuwa lang ako dahil napakasipag mo at ang ganda mo pa," nakangiting sagot ng Gng. kay Shiela. Manula naman ang mukha ni Shiela dahil sa papuri.   "Naku ma'am naman," nahihiya padin sabi n'ya.   Bigla naman tumunog ang pintuan hudyat na may bagong costumer, agad na bumaling si Shiela sa may pintuan na may ngiti sa labi.   Pero nawala ang ngiti ni Shiela at napalitan iyon nang pagkamangha,  napanganga si Shiela nang makita ang bagong costumer dahil sa sobrang gwapo nito.   At halos Hindi na s'ya makahinga sa lakas nang t***k ng puso n'ya lalo pa at palapit sa kanya ang bagong dating.   "Oh son nakarating ka!" masayang bati ng Gng. sa bagong dating.   "Hi cous!" bati naman ni Kate sa bagong dating.   "Ah hija pwede ba pa add pa ng isang beefsteak," sabi ng Gng. kay Shiela. Dahil sa sinabi ng Gng. kay Shiela ay nabalik siya sa reyalidad.   "ah. Ok po," nahihiyang sagot ni Shiela at nag madaling pumunta sa kusina.   "Oh Shiela bakit ganyan itsura mo," natatawang tanong ni Nelson ang taga luto nila.   "Gawin mo ng tatlo yung beefsteak," sinabi nalang nito at lumabas, pumunta si Shiela sa counter.   Nakita naman nito si Marie, kasamahan n'ya sa trabaho. Na ngayon ay dumating na.   Napansin n'ya naman ito na parang kinikilig...   "Uy Marie!" kinalabit n'ya ito sa tagiliran na ikinalundag nito.   "Ay Shiela naman eh!" napairap na ito kay Shiela dahil sa biglaang pagsulpot nito.   "Bakit kaba pangiti-ngiti d'yan?”tanong ni Shiela dito.   "Errr kita mo ba yung kasama ni Mrs. Oliveros?" Sabi nito.   "ang gwapo n'ya pala sa personal! Oh my god!" sabi pa nito at kilig na kilig pa.   "Bakit sino ba yung kasama ni Mrs. Oliveros?" Tanong nito Kay Marie.   Halos lumaki ang mata ni Marie at hindi makapaniwalang tumingin kay Shiela.   "For real! Hindi mo s'ya kilala?" Malaking matang tanong nito kay Shiela..   "Sino ba kasi yun?" Nakangusong tanong nalang nito Kay Marie.   "S'ya lang naman si Calvin Oliveros, ang isang kilalang businessman at sobrang gwapong millionaryo sa bansa natin,” Exaggerated na sabi nito.   Kaya napatingin s'ya sa sinasabing Calvin Oliveros at halos mapamura siya nang makitang nakatingin rin ito sa kanya.   At Hindi n'ya maiwasang mapalunok ng laway nang makita niya ang pag taas ng sulok ng labi nito.       Halos hindi makakilos nang maayos si Shiela ng araw na yun.   Natapos ang araw na niya na parang lutang siya dahil lang sa smirk ng binata.   Ngayon lang nakita ni Shiela ang Calvin na iyon pero halos panawan s'ya ng ulirat dahil sa bilis  nang  kabog ng dibdib niya lalo na't siya ang nag serve ng pagkain sa mga ito ngayong araw.   Napabuga nalang ng hangin si Shiela nang maalala ang nangyari ng araw na ito.   "Una na kami Shiela," sabi ni Marie kay Shiela,  kasama ni Marie si Nelson.   Iba ang daan ng bahay ng mga ito sa bahay ni Shiela kaya walang kasabay sa pag-uwi si Shiela, pero ok lang kay Shiela sanay naman itong umuwi mag-isa.   "Sige ingat kayo," sabi nalang ni Shiela, Tinanguan lang  siya ng mga ito at kumaway bago umalis.   Nag lakad si Shiela sa  direksyon patungo sa bahay nila.   Napansin n'ya ang itim na kotse na tila sumusunod sa kanya. Kaya napatigil siya at tiningnan ang kotse pero Hindi naman n'ya nakita ang nasa loob dahil tinted ang salamin.   Kaya nag madali nalang s'yang maglakad at hindi na pinansin ang kotse, dahil baka talagang doon din ang daan ng kotse. Nang bubuksan n'ya na ang gate ng bahay nila bigla nalang humarurot ang kotse palayo. Napabuga nalang ng hangin si Shiela dahil kanina pa pala siyang nag pipigil huminga dahil sa kaba, naiisip n'ya kasi na baka masamang tao ang nasa loob ng kotse at balak siyang kidnapin o kaya ay gahasain, ganun kasi ang mga napapanuod niya sa TV kaya hindi niya maiwasan na kabahan.   Agad s'yang pumasok ng bahay nila at nadatnan ang magulang niya na nanunuod ng tv.   "Oh anak nandito kana!” sabi ng kanyang Inari nang mapansin siya. Lumapit s'ya dito at nag mano pati narin sa kanyang Ama...   "Kumain kana anak, may pag kain pa sa lamesa,” sabi ng kanyang ama.   "Hindi na po, kumain na po ako sa restaurant bago umalis," sagot ni Shiela sa kanyang Ama.   "Magpapahinga nalang po ako," patuloy pa nito.   Pagpasok ni Shiela sa kanyang kwarto agad nag palit s'ya ng pantulog naka short s'ya na  manipis at sandong puti.   Nakahiga s'ya sa kanyang kama at iniisip parin ang gwapong costumer nila kanina.   Agad s'yang napabangon at kinuha ang kanya cellphone. Inopen n'ya ang data ng kanyang cellphone at nag search sa Google.   Sinerch n'ya ang pangalang Calvin Oliveros at halos maputol ang kuko n'ya sa pag kagat habang hinihintay mag loading at lumabas ang resulta.   Madaming lumabas na resulta. Calvin Oliveros thirty three years old. Businessman milyonaryo at higit sa lahat womanizer. Napailing nalang s'ya sa dami ng pictures na lumabas kasama ang ibat-ibang babae na talaga naman sobrang gaganda.   In-off n'ya nalang ang kanyang cellphone at pumikit para makatulog. Pero sa bawat pag pikit ng mata n'ya nakikita n'ya ang mukha ng binata.   "Ano ba Shiela!" galit na sabi nito sa kanyang sarili. Tumayo s'ya sa kanyang higaan at nag punta sa kanyang bintana, binuksan niya ito at bamungad sa kanya ang  madilim na  paligid, hindi s'ya natatakot kung buksan n'ya ito dahil may bakal naman.   Dinadama n'ya ang lamig ng hangin sa kanyang balat, napadako ang mata n'ya sa baba at nakita n'ya ang kotseng itim na kanina ay sumusunod sa kanya.   Sa takot n'ya na baka masamang tao ito ay agad na sinarado n'ya ang bintana ng kwarto n'ya. Pagkasara niya ng bintana ay agad tumunog ang cellphone n'ya hudyat na may nag text sa kanya. Agad na kumunot ang noo n'ya dahil wala naman s'yang inaasahang mag te-text sa kanya.   Tiningnan n'ya nalang kung sino pero unknown no. Kaya binuksan n'ya nalang baka importante.   "Next time wag kang mag susuot ng sando kung sisilip ka sa bintana n'nyo," basa ni Shiela sa text.   Napakunot nalang ang noo n'ya. Iniisip nalang niya na wrongsend ito. Binura nalang n'ya ang text at nilagay sa lamesa sa tabi ng kama n'ya ang kanyang cellphone.   Pipikit na sana s'ya ng tumunog ulit ang cellphone n'ya. Kinuha ulit n'ya ito at binasa ang text "goodnight sweetheart ," mensahe nang nag padala na ikinalaki ng mata nito.           Hindi agad nakatulog si Shiela dahil sa text na yun, hinintay niyang magreply ang nagpadala ng mensahe pero walang nag reply sa kanya. Kaya alas tres na  ng madaling araw nakatulog si Shiela ng gabing ito, muntik na siyang malate sa trabaho kaya nag mamadali siyang umalis ng bahay nila.     Naabutan naman ni Shiela sina Marie at Nelson na nag aabang sa kanya dahil nasa kanya ang susi ng restaurant.     Agad na lumapit s'ya sa dalawang na naiinip na sa kahihintay sa kanya. Dahil ito ang unang beses na nalate siya.     "Sorry nalate ako,” paumanhin nito sa dalawa at ibinigay Kay Nelson ang susi.     "Oo nga eh firstime!" tatawa-tawang sabi ni Marie.     "Hindi kasi agad ako nakatulog ng maaga," sabi nalang nito.     Agad silang pumasok nang nabuksan na ang restaurant.     "Diba ngayon ang dating ng bago natin makakasama sa trabaho?" Tanong ni Nelson kay Shiela.     "Oo sabi ni ma'am,”sagot ni Shiela habang nag aayos ng upaan katulong si Marie.     "Mabuti naman, nakapagod kaya kahit dalawa na tayo dito sa labas," nakangusong sabi ni Marie.     "eh lalo naman ako, ako lang mag isa sa kusina," sabad naman ni Nelson.     Napatango naman si Shiela dahil totoo naman na nakakapagod kahit dalawa sila sa labas madami kasi silang costumer. Yung iba demanding pa gusto sila lang ang pag sisilbihan.     Pumunta naman si Shiela sa counter para bilangin ang pera. Nang mabilang n'ya ang pera na umabot ng twenty thousand  na binta kagabi, ay tinali n'ya ito at ibinigay kay Nelson para e-deposit sa bangko.     "Sige Shiela deposit ko muna ito, ikaw na muna bahala sa order huh?" Paalam ni Nelson kay Shiela. Tumango naman si Shiela  bilang sagot.     Marunong naman mag luto si Shiela dahil graduate s'ya ng HRS yung two years course.     Narinig n'ya na tumunog ang pintuan ng restaurant kaya alam n'ya na may costumer na. Kaya sinilip n'ya ito mula sa kusina ng restaurant  at nakita n'ya si Mrs. Oliveros pala ang bagong dating. Kaya napangiti s'ya, pero agad din lumakas ang kabog ng dibdib n'ya nang makita ang kasunod nitong pumasok.     "Calvin Oliveros," bulong ni Shiela sa sarili.     Nakita ni Shiela si Marie na kinukuha ang order ng mga ito. Si Calvin Oliveros ay busy sa pagtingin sa menu nila samantalang si Mrs. Oliveros naman ay parang may tinatanong Kay Marie.     Napakunot naman ang noo n'ya nang makitang itinuro ni Marie ang direksyon n'ya kaya napatingin doon si  Mrs.Oliveros.     Kinawayan s'ya ni Mrs. Oliveros senyales na  pinapalapit sa kanila. Kaya naman lumapit si Shiela sa mga ito at ngumiti.     "Bakit po ma'am?" tanong ni Shiela sa Ginang.     "Diba sabi ko Tita Espee nalang," nakangiting sabi ng Gng. kay Shiela.     Napakagatlabi naman si Shiela dahil sa hiya sa Gng.       "Damn!" bulong ni  Calvin. Pero narinig naman nina Shiela kaya napatingin sila sa binata.     Lumakas naman ang kabog ng dibdib ni Shiela nang mahuli nitong nakatingin sa kanya si Calvin.     "May problema ba anak?" tanong ng Gng. kay Calvin.     "Wala mom marami lang akong gagawin sa office," seryosong sabi nito.     "Oh sorry son at pinilit pa kitang samahan ako," malambing na sabi ng Gng.     "Its OK mom,kaylangan ko lang talagang mag madali!" matigas na sabi nito.     Tahimik lang nakatingin si Shiela at Marie sa mag-ina.     "Hija bulalo at two rice nalang order namin at two glass of ice tea," sabi ng Gng.     "Sige po ma'am," magalang na sagot  ni Shiela.     "Siguradong masarap yun kasi ikaw ang mag luluto hija, at sure ako na magugustuhan mo yun Calvin!" sabi ng Ginang na nakangiti habang pumapalakpak na parang bata.     "Let's see mom,” matigas na english ni Calvin na nakatingin kay Shiela.     Napalunok naman si Shiela dahil sa malalim na tingin nito.     "Sige po lulutuin ko na po ang order n'yo.. Ma'am. . Sir,” pagpapaalam n'ya sa mag ina. Ngumuti lang ang Ginang habang madiin ang tingin sa kanya ni Calvin.     Nag madaling pumasok si Shiela sa kusina at niluto ang order ng mag ina. Nang matapos ang niluluto n'ya sakto naman dumating si Nelson galing bangko.     "oh Shiela ito ang resibo," sabi ni Nelson sabay abot ng resibo kay Shiela.     Inilagay ni Shiela sa bulsa ang resebo at inayos ang order na dadalhin n'ya sa mag- inang Oliveros.     Inilapag n'ya ang order ng mag ina sa lamesa ng mga ito.     "Yan na uhnmmm,” masayang sabi ng Ginang habang inaamoy ang bulalo.     Kumuha naman si Calvin ng mangkok at sinalinan ng bulalo. Kumuha ng kutsara at tinikman ang niluto niya.     Napalunok naman ng laway si Shiela dahil hindi niya maiwasan pag pawisan habang nakatingin kay Calvin habang tinitikman ang niluto n'ya.     "Oh ano son diba masarap?" Masayang tanong ng Ginang sa anak.     "Masarap nga mom," sagot  ng binata at dinilaan ang gilid ng labi niya habang tumingin nakatingin kay Shiela.     Hindi maiwasan ni Shiela ang pamulahan lalo na ng tumaas ang gilid ng labi ng binata. Pakiramdam niya ay mag kakasakit siya sa bilis nang t***k ng puso niya.           Hapon na't  konti nalang ang costumer kaya medyo nakapahinga si Shiela.     Tumabi si Marie kay Shiela sa inuupuan nito sa counter.     "Ang gwapo talaga ni Calvin Oliveros ano?" Tanong ni Marie kay Shiela habang kinikilig.     "Huh?" Sabi ni Shiela na parang wala parin sa sarili.     "Ang sabi ko ang gwapo ni Calvin Oliveros,” nangingiti-ngiting ulit ni Marie.     Tumango nalang si Shiela bilang sang-ayon, hindi parin mawala sa isip niya ang nangyari kanina.     "kaya lang may girlfriend na ata yun,” doon naman napabaling ang tingin ni Shiela dahil sa sinabi nito.     "Pano mo naman na sabi?" tanong ni Shiela dito.     Doon naman nilabas ni Marie ang kanyang cellphone.     "Ayan oh!” sabay abot ni Marie kay Shiela ng cellphone nito.     Binasa naman ni Shiela ang news sa isang website "kilalang businessman at millyonaryong si Calvin Oliveros spotted na may kahalikan sa kanyang kotse at ang babaeng ito ay si Francess Pascua kilalang sexystar" basa ni Shiela sa nakasulat para naman naninikip ang dibdib ni Shiela sa nabasa at may larawan pa nakita nga ang dalawang nag hahalikan.     "Pero hindi naman maganda yan eh, retokada pa at may scandal!" iritang sabi ni Marie.     Ibinalik naman ni Shiela ang cellphone nito. Sobrang sakit ng puso ni Shiela at hindi n'ya maintidihan kung bakit.     "Wag mo ng intidihan yan Marie," sabi nalang ni Shiela sa kaibigan.     Tumunog naman ang pintuan at akala nila ay may costumer yun pala ang maganda pala  nilang boss si Ann Capili Santillan, ang may-ari ng restaurant. May kasama itong dalawa, isang babae at isang lalaki. Hula nila ay ito ang bago nilang makakasama.     "Hi ma'am Ann,” bati ng dalawa sa boss nila.     Ngumiti naman ang bagong dating  sa dalawa.     "Hello Shiela and Marie, tawagin mo Marie si Nelson ipapakilala ko kayo sa bago n'nyong makakasama,” sabi nito sa dalawa. Pinuntahan ni Marie si Nelson.     pinakilala ni Ann sa  tatlong tauhan ang bagong dating. Si Angela Chavez labing walong taong gulang galing probinsya ito maganda at may maamong mukha. Ang isa naman ay si Jimboy, makakatulong ni Nelson sa kusina.     Pinagtraining na ni Ann kay Marie at Shiela si Angela,habang si Nelson naman ay kay Jimboy.     Umalis din si Ann dahil mamimili pa daw ito ng mga ubos ng products  sa restaurant.   ----   Alas diyes na ng gabi nang magsara sila. Nag paalam na siya sa mga katrabaho na mauuna na siya.     Nag lalakad si Shiela papunta sa bahay nila nang may huminto  na grey na kotse sa tapat niya, hindi n'ya alam kung sino ang may-ari ng sasakyan.     Bumukas ang pinto ng kotse at lumabas si Mrs. Oliveros sa passenger set.     "Hija Shiela, ikaw nga," magiliw na bati ng Ginang kay Shiela.     "Ma'am kayo pala,” nahihiyang sabi  ni Shiela sa Ginang.     Ngumiti ang Ginang, gustong gusto talaga nito si Shiela.     "Sumakay kana hija ihahatid ka na namin," paanyaya ng Ginang dito.     "Naku wag na po nakakahiya naman po at saka malapit na naman po yung bahay namin,”sabi ni Shiela sa Ginang.     Bigla naman lumabas si Calvin Oliveros sa driver seat.     "Mom let's go!" iritang sabi nito at tumingin sa kanya.     "Wait son!” sabi ng Ginang na hindi manlang tumingin sa anak. Hinawakan ng Ginang ang kamay ng dalaga.     "Sure kaba hija?" Mabait na tanong ng ginang.     Tumango nalang ang dalaga dahil nahihiya s'ya sa Ginang at lalo na sa matiim na tingin ni Calvin sa kanya.     Napakagat labi s'ya. Bigla naman silang nagulat ng Ginang nang malakas na sumarado ang pintuan ng kotse.     "Wag mo na pansinin ang anak ko hija," sabi rito ng Ginang.     Hindi nalang umimik si Shiela dahil parang maiiyak s'ya sa kaba, parang may galit sa kanya si Calvin.     "Hija iimbitahan sana kita ngayon sabado sa bahay namin birthday ko at may konting salo-salo," sabi ng Ginang dito.     "Parang nakakahiya naman po," nahihiyang sagot nito.    Umiling-iling ang Ginang.     "please hija pa birthday mo na sakin," nag papaawang sabi ng Ginang.     "Sige po," sabi nalang ni Shiela.     Sobrang saya ng Ginang at niyakap siya nang mahigpit.     "Salamat talaga hija aasahan ko yan huh?" masayang sabi ng Ginang.     "Opo," nakangiti n'ya namang sagot sa Ginang.     Halos mapatalon sa gulat ang dalawa dahil sa biglang pagbusina nang malakas ng kotse.     "Sige hija una na kami," paalam ng Ginang sa kanya, pinilit pa siya ng Ginang na sumakay pero tinanggihan n'ya parin ito.     Pumasok ang Ginang sa kotse at bigla nalang humarurot ang kotse nang mabilis.     Kanina pa nakaalis ang mag inang Oliveros pero nakatayo parin si Shiela sa pinag iwanan sa kanya.     Pumatak ang luha na kanina pa pala niyang pinipigilan dahil sa sikip ng dibdib n'ya.     Naiisip n'ya kasi na parang ayaw sa kanya ng binata at sa isipin na ayaw sa kanya ng binata ay parang may maliliit na karayom na tumutusok sa puso niya.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD