pagkatapos namin mag-usap kanina ay bumaba na ako dahil meron pa akong trabaho na hindi ko pa nagawa kanina, nakakailang din kapag kaharap si sir Jake. 'tsaka dapat akong mag trabaho nang maayos lalo na ngayon nandito na ang amo ko kaya kailangan kong doblehin ang galing sa pagtatrabaho sayang din 'yong scholarship na in- offer niya sa 'kin kapag napaalis ako dito.
kahit na may mga kondisyones pa 'yon. *tsk* napapaisip ako kaya siguro nilagay niya don 'yong. " bawal ma in love " sa kanya ay pwedeng may tatlong dahilan.
1- baka my girlfriend na siya.
2- baka may fiancé na siya at malapit na silang ikasal.
3- baka naman lalake marahil ang tipo niya!
iiihhh...sayang na man kung gano'n. pero hindi na man siguro, dahil mukhang straight na man si sir Jake. baka siguro ayaw lang niya talaga maka girlfriend ng isang maid na gaya ko. siguro gano'n nga.
hayy..bakit ba ang bigat sa loob kong isipin na gano'n nga. teka nga bakit ba ito ang iniisip ko?
pero kasi ang hirap na man hindi ma-inlove sa kagaya niya. madali lang sabihin na, hinding-hindi ka ma iinlove pero mahirap gawin lalo na kapag ang puso mo na ang tumibok para sa kan'ya.
lalo na sa tulad niya na ang gwapo, macho, matangkad, mabango parang naamoy ko pa nga 'yong pabango niya hanggang dito sa baba pero alam kong may pagka masungit siya.
hmmp...naiwan talaga ang amoy ng perfume sa ilong ko.
" ang sarap siguro mag payakap 'don? "
" hoy! kanino masarap mag payakap ha?! bata Ka! "
" aahh..!! " diyos ko nangungulat na man itong si manang gosh..humiwalay ang kaluluwa ko ng isang minuto sa katawan at worst narinig pa talaga niya ang sinabi ko.
" ah, eh, hehehe...manang naman nangungulat. "
" Ashley ano 'yong narinig kong sinabi mo na masarap mag payakap ha? " pag susungit na tanong ni manang, napayuko na lang ako, nahihiya kasi ako kay manang. maya-maya napaangat ako ng ulo para sana sagutin ang tanong ni manang sa 'kin ngunit napatigil ako dahil andito pala si sir Jake.
nasa likod siya ni manang.
" what's going on here? " seryosong tanong nito sa amin ni manang kaya pati si manang ay nagulat sa pag sulpot ni Jake. pero hmp... boses pa lang ulam na! ay! landi mo Ashley tumigil ka kukurutin ko yang singit mo! saway sa akin ng sariling utak ko. kaya pakiradam ko na namumula na ngayon ang pisngi ko.
" my tinatanong lang ako kay Ashley ihjo." sagot na man ni manang at lumipat na man ang tingin ng gwapo kong amo sa akin, hehehe..hihimatayin na ba ako? sayang hindi ko nasabi ang katagang, kapag tumingin ka akin ka! hahaha...baliw na siguro ako dahil mapapagalitan na ako 'yon parin iniisip ko.
" what is it Ashley? " nako na man siya na ang nagtatanong 'no choice kon 'di sagutin ang bebe ko iihh...
" ah, e, 'don po sa artista po, nanood po kasi ako ng kdrama sa y*******e kagabi hehehe.." awkward kong sagot pero hindi ko sinabi sa kanila ang totoo na si sir jake 'yong tinutukoy ko kanina na masarap yakapin.
nakita kong kumunot na man ang noo ni Jake sa sinabi ko habang nakatingin sa 'kin.
" oh, siya sige, tapos kana ba dito? " tanong ni manang.
" patapos na po manang."
" gano'n ba sige, pagkatapos mo dito, dun ka na man maglilinis sa kuwarto ni Jake 'yong katapat na kuwarto mo. "
" opo manang. " sagot ko at ngumiti.
" okay. " umalis na si manang at sumunod na man sa kanya si sir Jake pero bago siya naglakad ay tinignan niya muna ako, 'yong tingin na may pinapahiwatig.
humigop na man ako ng malalim na hininga dahil parang hirap akong himinga kanina dahil nasa harapan ko lang kanina ang taong iniisip ko.
bilisan ko na lang ang paglilinis ko dito, dahil lilinisin ko pa ang kuwarto ng macho guwapito kong boss.
natapos na ako doon sa nililinisan ko kanina at ngayon nandito na ako sa harap ng pinto ng kuwarto ni sir Jake.
kakatok muna tayo kasi syempre, hindi naman ako pwedeng basta-basta na lang pumasok kasi hindi ko naman Ito kuwarto, isa pa hindi magandang ugali 'yong gano'n at 'tsaka baka kapag bigla na lang akong papasok baka makita ko pa accidentally ang kan'yang mga pan de sal *iihh gosh* kahit masarap 'yon hindi parin pwede.
" ahemp.." kakatok muna tayo para malaman natin kung pwede na ba tayo pumasok sa puso niya..ay este! sa kuwarto pala para maglinis hihi enebe Ashley.
bakit walang nag bubukas ng pinto? kumatok ka na nga lang landi mo eh! heto na naman si utak ko pinapagalitan na naman ako. *tok-tok* wala parin! katok ulit tayo. 100 hours had pass wala parin nagbubukas hehehe joke lang 3 minutes pa lang ako dito nakatayo pero matagal na 'yon, sisilip nga muna.
" sisilip lang po " baka kasi natutulog.
" sir Jake are you there? " tawag ko dito dahil wala kasi akong nakitang Jake sa loob, ay! baka nasa cr baka naliligo pa ang bebe ko.
" what are you doing? "
" ay! kabayo! " gulat kong sigaw bubulyawan ko sana kung sino man 'yong nangulat sa 'kin kaso paglingon ko si sir Jake pala, kaya pala English kasi siya pala 'yon.
" I'm not a horse! and I'm too handsome to become a horse women! " cold niyang sabi. sorry naman nagulat lang ako kaya ko 'yon nasabi sungit talaga.
" sorry sir, nagulat p- po kasi ako. " hingi kong paumanhin ang talim kasi ng tingin niya sa 'kin. siguro kung nakakamatay lang ang tingin siguro kanina pa ako nakabulagta dito.
" are you done cleaning my room? "
" p- po sir? "
" tinatanong kita kung tapos mo na ba linisin ang kuwarto ko. "
gosh...ang ganda ng boses niya ang manly talaga. kahit nakasalubong ang kilay niya lagi, ang guwapo parin talaga niya. " hey !! "
juice me! natural na naman pala ako.
" h- hindi pa po sir eh, kanina pa po kasi ako kumatok dito pero walang nagbubukas kaya hindi pa po ako nakakapaglinis ayoko naman po papasok agad sa kuwarto lalo na't hindi naman akin. " paliwanag ko. pero itong isa nakataas lang ang kilay tapos makikita mo sa expression ng kan'yang mukha na may sumisilay na isang ngiti sa kan'yang labi.
" really huh?! "
" o- opo sir. " sagot ko kasi parang may meaning kasi 'yong sinabi niya.
" eh, bakit mo binuksan 'yong pinto kung hindi ka naman pala sanay na pumasok sa hindi mo kuwarto? "
" sumilip lang po ako, ka- kasi walang nagbubukas ng pinto. ka- kaya ayon sumilip ako." sagot ko ano naman kasi ang iniisip niya.
" you don't need to knock on my door and waited it to open 'coz I already gave you permission nang sabihin kong linisin ang kuwarto ko understand? " okay na sana kaso nag English na naman siya tumango-tango naman ako bilang sagot.
" now get in and start cleaning. " maotoridad nitong utos at nauna nang pumasok sa loob.
" hayysst... hindi ko naman talaga ugali ang pumasok sa hindi ko kuwarto 'no! at 'tsaka malay ko ba na nagbigay na pala siya ng pahintulod na pwede na pala akong pumasok sa kuwarto niya. kung alam ko lang e 'di sana hindi na ako nagpakapagod kanina sa pagkatok." bulong- bulong ko habang sumusunod sa likod niya, pero nagulat ako dahil nagsalita siya ng pasigaw.
" are you saying something! "
" huh! wa- wala p- po sir tinitignan ko lang po kung may nakalimutan ba ako na kailangan ko sa paglilinis. oo 'yon nga sir. " pagsisinungaling ko kasi and'yan na naman 'yong matalim niyang tingin, para siyang isang toro na kalabaw hehehe pasensya na sa words hindi ko kasi alam kung paano e-express e, maglilinis na nga lang ako baka kasi ako ang ilampaso niya'n sa sahig sayang beauty ko.