Ashley Pov.
Kahapon tumawag kay manang ang boss ko na uuwi na daw siya galing U.S kaya kinabahan talaga ako. at ngayon eto maaga kaming gumising ni manang para mag linis ng konti dito sa bahay para sa pagdating ng boss namin malinis ang buong paligid.
narinig na namin ni manang na my sasakyan na dumating at pag tingin ni manang sa labas, Sabi niya yun na daw ang sasakyan ng amo namin at pumunta na kami sa my pintuan para salubungin ang taong iyon.
nakayuko lang ako dahil hindi ako mapakali kinakabahan ako. ngunit ng marinig ko na tumunog ang pinto ng sasakyan. hudyat na lalabas na ang kung sinong nakasakay doon ay napaangat ako ng ulo at pagtigin ko dito, parang nag slow motion yung pag labas niya ng sasakyan niya.
napalunok nalang ako ng wala sa oras lalo na nung tumingin siya sa gawi namin ni manang cellia, hindi ko alam kung si manang cellia ba ang tinitignan niya o ako.
para siyang isang Greek god na bumaba sa lupa ang gwapo niya. mapupula ang labi at ang tagos ng ilong gosh.. para akong hihimatayin dito ngayon.
habang naglalakad siya patungo sa gawi namin ni manang cellia nakikita ko na parang my mga alitap- tap na naka paligid sa kanya. tulala lang akong naka tingin sa kanya hanggang sa makalapit siya sa amin.
tumikhim siya bago nag salita.
"good day yaya cellia ito na ba ang bago nating kasama dito sa bahay.? sabay yakap kay manang." tanong nito. na nakaturo pa sa akin, tumango-tango naman si manang ng nakangiti, pero ako naka tulala lang na nakatingin sa kanya.
"miss..". tawag nito sa medyo malakas na boses kaya napa balik ako sa katinuan ko at napa ayos ng tayo. kanina pa pala ako tinatawag nito, at wala na pala si manang sa tabi ko.
"s**t!! nakakahiya ka ashley!" bulong-bulong ko sa sarili. dahil sa inasta ko bakit ba ako naka tulala nakatingin sa kanya. nakakahiya baka tumulo pa ang laway ko kanina!
"miss..". tawag muli nito.
"p-po?". sagot ko na nauutal nakita ko naman na kunot na kunot ang noo niya at salubong ang kilay. kaya parang nanghina ang mga tuhod ko bakit ganyan siya makatingin sa akin galit ba siya.
"dalhin mo ito.!". utos nito sabay abot sa akin ng paper bag at tinangap ko naman ito baka kasi mas lalo syang magalit sa akin. narinig ko pa siyang nag salita.
"sa kitchen mo yan dalhin."
"o-opo sir." sagot ko at dinala na ang mga paper bag sa kusina, nandoon narin pala si manang hindi ko man lang napansin na nauna na pala siyang pumunta dito at iniwan ako kasama yung masungit.
"ok kalang ba iha.?" tanong ni manang.
"opo manang ok lang po ako."
"e, bakit pawis na pawis ka.?" nakakunot noong tanong ni manang na parang Hindi siya kumbinsido sa sagot ko.
Tama naman siya pawis na pawis ako dahil sa kaba kanina feeling ko kasi galit si sir sa akin dahil nakatulala lang ako kanina.
ewan ko din ba kasi kung bakit ako napatulala sa presensya niya kanina. at bakit ganon nalang yung tingin ko sa kaniya kanina parang siyang kumikintap na parang ang daming naka paligid na alitap-tap sa kanya... hayyyysst....baliw kana ashley. umayos ka! sita ko sa aking sarili.
"Yaya cellia, nag take-out akong food kanina paki handa nalang po salamat." rinig kong boses na nag salita sa likuran namin at walang iba kundi ang boss ko.
hinanda na namin ni manang. yung mga laman pala ng paper bag na inabot niya sa akin ay puro pagkain pala yun. hindi ko naman napigilan na magtanong kay manang kung bakit nag ta-take out pa si boss e, nagluto naman na si manang, pero ang sagot ni manang ay ganyan daw talaga si boss. at galing naman daw iyon sa sariling restaurant nito. wow! madami pala talaga syang negosyo. "edi..siya na mayaman at gwapo.." bulong ko pa.
Pagkatapos naming ihain lahat ng pagkain sa lamesa pati narin yung mga niluto ni manang cellia.
maya-maya'y nakita kong umupo na ang amo namin.
"yaya cellia, umupo kana din dito at sabayan mo akong kumain." tawag niya kay manang, ako ba hindi niya yayayain kumain.? tanong ng isip ko. tanghali na din kasi kaya ramdam ko na din ang gutom. bakit ka naman niya yayain close ba kayo? sagot naman ng isip ko.
"hey! what's your name by the way.?"
tanong niya sa akin, english spoken pala to tiyak ako araw-araw dudugo ilong ko dito. hindi pa naman ako masyadong marunong mag english. seryoso lang ito nakatingin sa akin.
"Ashley Gomez po sir.." sagot ko naman habang nilalaro ang aking mga daliri. ganito kasi ako kapag kinakabahan.
"ok nice meeting you.." Sabi pa nito at ipinag patuloy na ang pagkain niya. ni hindi man lang ngumiti.
"iha, kumain kana din. halikana at umupo para makakain narin tayo." hmmp.. buti pa si manang niyaya ako siya ni walang pake alam kainis. teka bakit ba ako naiinis? siguro dahil lang sa gutom. makakain na nga hayy..gusto ko sanang kumain ng marami ang kaso baka isipin naman nitong gwapong nilalang na nasa harapan ko na patay gutom ako, kaya konti lang ang kinuha kong pagkain na nilagay sa plato ko.
habang kumakain kame pasimple akong sumusulyap-sulyap sa kanya. sana lang hindi niya iyon napapansin. nag uusap sila ni manang ng kung anu-ano habang ako'y tahimik lang nakikinig at kumakain.
"ashley pumunta ka sa office ko mamaya my pag-usapan tayo, siguro alam mo naman na kung saan ang office ko hindi ba.?"
"0-opo sir." kinakabahan kong sagot, teka bakit ba ako nauutal.
naramdaman ko naman na tumayo na siya kaya napatingin naman ako sa kanya at nakatigin din pala ito sa akin..at bumaba ang tingin niya sa plato, napatingin naman ako sa plato niya at nakitang..Kaya pala tumayo na siya kasi tapos na siyang kumain.
pagkatayo niya nakita kong iinom siya ng tubig. at gosh...bakit ba ang sexy iinom lang ng tubig kailan sexy talaga at napapa kagat labi na nakatingin ako sa kanya habang umiinom siya ng tubig ang hot niya kasi lalo na kapag tumitingin ako sa Adams apple niyang gumagalaw-galaw kapag lumulunok.
pero bago niya pa mapansin na pinag mamasdan ko siya habang umiinom siya ng tubig ay umiwas na agad ako ng tingin.
teka ano ba tong nangyayari sa akin.? hindi naman ako dating ganito. marami naman din ako nakikitang gwapo pero bakit sa kanya lang ako natutulala. bakit ngayon ako umaakto ng ganito at kumakabog din ng mabilis ang dibdib ko.
Ipinag patuloy ko na ang aking pagkain dahil patapos narin si manang cellia kumain.
"yaya, akyat na po ako sa taas at magpapahinga muna ako saglit...at ashley don't forget." Sabi pa nito bago tumingin sa akin. napaangat naman ako ng tingin at wrong move dahil nag tama ang paningin namin, at sa di malamang dahilan ay mas lalong bumilis ang tibog ng puso ko. kaya agad akong nag iwas ng tingin, dahil para din ako napapaso sa klase ng tingin niya.
"sige anak pahinga kana muna doon." sagot ni manang, nakita ko naman sa peripheral vision ko na tumingin muli ito sa akin bago umalis. kaya pasimple akong humawag sa dibdib ko at nakahinga na nang maluwak dahil wala na siya sa harapan namin.
buti nalang hindi napapansin ni manang na para akong Ewan dito sa tabi niya. na natutulala nakatingin minsan sa alaga niyang damulak. dahil tiyak ko na imbes na sermon ni boss ang marinig ko ngayon ay sermon ni manang ang matatangap ko malamang.
Iniisip ko lang siguro mas lalo siyang ga-gwapo kung laging nakangiti ang kaso sa tingin ko sa kanya yung para bang ang mahal mahal ng isang ngiti.
gusto ko sana makita kung paano siya ngumiti. pucha..ka ashley nag lalandi kana ba.?! sabi ng isip ko. hindi ah!, sagot naman ng kabilang isip ko. Kaya napabuntong hininga nalang ako.
ay...bago ko nga pala makalimutan pinapapunta nga pla ako ni sir sa office niya may pag uusapan daw kame. sasahin siguro niya sa akin na gusto niya akong pakasalan, hahahaha joke lang.!
pero sabi niya magpapahinga pa naman siya kaya mamaya nalang ako pupunta doon. naisipan kong tawagan sina Levi at anna., para sabihin na nakita at nakilala ko na Ang boss ko.
"talaga ash,..gwapo sobra.?!" tanong ni Levi.
"oo, sobra! nakakahiya nga kanina napatulala ako sa kanya." sagot ko.
"eeehh...ikaw natulala e, wala ka nga paki alam kahit na gwapo.". Sabi naman ni Anna sa kabilang linya.
"totoo kaya hindi ko nga alam kung ano bang nangyayari sa akin e,." Sabi ko ng naka guso kahit hindi nila nakikita.
"wow! first time yan a,! hahaha..". narinig Kong sabi ni Anna.
"nagiging maharot na ang prinsesa ng mga gulay natin..!" sabi nilang pareho at sabay tumawa parang hindi ko sila kaibigan.
"grabe kayo maharot agad! hindi ba pwedeng na love at first sight lang.?" Sabi ko naman at narinig ko na naman uli na tumatawa sila. teka hindi ba ako pwedeng ma inlove? sila lang ba ang pwede!
pagkatapos noon ay pinatay ko na ang tawag. at umupo muna saglit dito sa mini garden dito sa labas sa likod ng bahay.
nakakainis yung dalawa kung makatawa sa sinabi ko wagas. pero grabe totoo ang gwapo niya. siya yung tipo ng lalake na titigan ka palang ay huhulog na ang panty mo at babaha na agad dahil sa laway na tumutulo.
siguro kung nandito lang yung dalawang pasaway kong kaibigan malamang sa malamang mas grabe pa ang reaction ng dalawang iyon kaysa sa akin baka nga nangingisay na yun sa sobrang kilig.
"hala..dalawang oras na pala akong nakatambay dito, baka kanina pa ako hinihintay ni sir lagot paktay.! ako nito pag ganun! " Sabi ko sa sarili ko at nagmadaling punta sa office ni sir.
pagdating ko sa taas hingal na hingal ako kasi naman ang taas tapos sa hagdan pa ako dumaan, hanggang ngayon kasi takot parin akong sumakay sa elevator nakakainis na self ito masyadong matatakutin.
Inayos ko muna ang sarili ko bago kumatok sa pinto na office ni sir. pagkuway sumagot naman ito ng "come in." na mahihimigan mo talaga ang kaseryosohan ng boses niya. pumasok na ako sa loob.
nakayuko lang ako dahil hindi ako makatigin ng diretso sa kanya dahil may konting takot akong nadarama at the same time kinakabahan din.
kasi hindi ko alam kung ano bang gusto niyang sabihin sa akin. kung ano ba yung pag uusapan namin natatakot kasi ako dahil baka may nagawa akong mali at kinakabahan din dahil baka sabihin niyang huling araw ko na ito dito magkatrabaho at kailangan ko nang umalis.
tumikhim muna siya bago nagsalita.
"ms. ashley gomez, nung in-interview ka hiniling mo daw na sana pag bigyan ka na mag-aral kahit na nagtatrabaho ka dito!..Tama?" narinig kong tanong niya.
"o-opo sir." sagot ko na hindi parin siya tinitignan.
"Jake...my name is Jake Carson." Sabi pa nito. teka.! tinanong ko ba siya kung ano pangalan niya. hindi naman diba hehehe.
"ok if that's what you want I will be the one who support you...you will be my scholar if that's ok to you." offer nito kaya napa angat agad ako ng ulo at awang ang bibig na tumingin sa kanya. talaga seryoso ba siya? kung ganon hindi ko na kailangan pang mag apply sa school for a scholarship.
"talaga po sir Jake.?!" hindi makapa niwalang tanong sa kanya.
"yes..ms. gomez, yun ay kung papayag ka? but in one condition," Sabi pa nito, at ano daw condition? ano namang condition kaya iyon.
"what condition po sir."
"1 -don't fall in love with me."
"2 -'wag mo akong titigan lagi."
" 3- ayoko ng maigay dito sa bahay."
"4- kapag tapos kana sa school umuwi kana dito sa bahay ng maaga."
"5- 'wag mong pakialaman ang mga gamit dito sa bahay."
"ok po sir Jake..." Sabi ko naman yun lang naman pala walang problema ang mahirap lang naman sa kondisyon niya ay yun number 1. pero Keri ko lang naman yon tutal marami pa namang ibang gwapo dyan hindi lang naman siya nag-iisa. don't fall in love lang pala.