I’m going back to Manila. But I promise to see you there -Josh Matagal niyang tinitigan ang maliit na papel na kinasusulatan ng munting mensahe ng lalaki na inilagay nito sa paperbag na si Maricris naman ang nag-abot sa kanya. Isang buntong-hininga ang kumawala sa kanya. Gusto niyang umasa sa mga sinabi nito at maging sa mensaheng iyon ngunit hindi niya mapigilang malungkot. Umalis ito nang hindi nakakapagpaalam sa kanya ng personal, at ng dahil sa isang babae. Ngunit malay ba niya kung kamag-anak nito ang Sasha na iyon. O baka matalik na kaibigan. Hindi dapat siya nag-iisip ng kung anu-ano ngunit hindi naman niya mapigilan. Sa saglit na byaheng papunta sa Kiltepan Peak kahit nang makarating na sila doon mismo. Hindi gaya ng mga turistang

