HINDI pa inaantok si Josh kaya naman nanatili muna siya sa nagsisilbing sala ng inn. Naupo siya sa sofa na naroon at hindi napigilang mapangiti. Bumabalik sa alaala ang mga nakaraang eksena nila ni Fabielle. That moment when she claimed she was his girlfriend, ang pagyakap niya rito at ang halik na iyon. Weird. Hindi naman si Fabielle ang unang babaeng nahalikan niya ngunit tila siya baguhan sa larangang iyon dahil hinahanap niya ang pakiramdam ng mga labi nito. She makes her crave for her kisses. She’s different that way. Napalis lamang ang ngiti sa mga labi niya nang tumunog ang kanyang cellphone at mabasa ang caller id iyon. Agad na kumunot ang noo niya. Nagdadalawang isip kung iignorahin na lamang ang tawag o sasagutin iyon.

