“SO, Girlfriend….” “Don’t!” agad na awat niya rito. Naitaas naman nito ang mga kamay na punong puno ng pinamili na tila ba sumusuko sa kanya. “Okay, chill. I was just joking.” Natatawang sabi nito. Inirapan niya ito na lalong ikinatawa nito. “G-ginawa ‘ko lang naman iyon dahil mukhang kailangan mo na ng saklolo. Mukhang balak ka na kasing iuwi ng mga ‘yon.” Palusot niya bagaman alam niya sa sarili niyang ginawa niya iyon para sa sarili niya. Dahil naiirita siyang makitang napapalibutan ito ng kung sinu-sinong babae. “Okay, thank you.” Sabi nito bagaman dinig pa rin niya sa boses nito ang bahagyang pagtawa. Nang lingunin niya ito ay hindi nga siya nagkamali. He was still smiling.

