TILA naman walang nangyari nang maghapunan si Fabielle at si Josh. Oo nga at naroon pa rin ang pamilyar na bilis ng t***k ng puso niya sa tuwing kasama niya ito ngunit kung umakto ito ay parang hindi big deal ang mga sinabi at ginawa nito ilang oras pa lamang ang nakakalipas kaya napagpasyahan niyang maging kalmado na rin gaya nito at enjoy-in ang panahong kasama niya ito. Pagkatapos ng masarap na hapunan sa isang restaurant sa lugar ay ito pa mismo ang humila sa kanya sa mga tabi-tabing souvenir shops. “Kailangan mong bilhan ng pasalubong ang pamilya mo hindi ba? We’re leaving Sagada tomorrow. Ngayon na tayo bumili. Kailangan ko ring bumili ng pasalubong para sa mga kaibigan ko kung hindi malamang ibigti ako ng mga ‘yon.” Iyon ang sabi nito nang hilahin siya nito at nagpatianod naman

