“For real?” nanlalaki ang mga matang sabi ni Fabielle habang nakatitig sa banging nasa harapan niya at sa mga nauna nang bumaba roon. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ng tour guide nila. It looked like a 30ft high cliff and the edge of it was really steep. Pagkatapos ay sasabihin nitong kailangan nilang babain un ng paupo at nang walang tali o kahit anong kakapitan? “Eh opo. Iyan lang ho ang daan pababa eh.” Kakamut-kamot sa ulong sabi nito. “Eh bakit sila, sa kabila dumaan?” tanong niya rito nang mapansing sa ibang parte ng bangin dumaan ang ilang kasama nila sa tour. Mabato ang bahaging iyon ng bangin taliwas sa pinapadaanan ng tour guide na pakiramdam niya ay dudulas siyang diretsong paibaba anumang oras.

