“KAILAN kaya ako matatanggap ng Mama mo?” bigla ay tanong ni Josh habang naglalakad sila nitong papunta sa Kiltepan peak nang medaling araw na iyon. Sa wakas ay nakabalik na sila sa Sagada pagkatapos ng halos apat na buwan. At hindi gaya noong pumunta siya noon doon nang dahil sa Sagada tour, ang tanging sasakyan lamang na nakaparada ay ang ginamit nila nito. Maging sa paglalakad nila nito sa natitira pang distansya ay nag-iisa sila. Nakakapagtaka ngunit hindi siya nagrereklamo. Mas maaappreciate niya kasi ang ganda ng lugar kung kakaunti lamang sila roon. Kung maaari nga lang ay solo nila ni Josh ang lugar. Pero mukhang malabo iyon. It was a tourist spot after all. “Kung hindi ka pa tanggap n’on, hinding hindi ‘yon papayag na sumama ako sa’yo dito sa Sagada.” Nakangiting
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


