“BITAWAN mo nga ako!” inis na sabi ni Fabielle saka gamit ang lahat ng lakas ay binawi ang kamay mula kay Josh na kanina pa siyang kinakaladkad. Basta na lamang kasi nitong kinuha ang braso niya mula sa nakatangang si Jason at hinila siyang palabas ng coffee shop. At malayo-layo na rin ang nalalakad nila sa loob ng mall bago bumalik ang huwisyo niyang saglit yatang naglaho sa huling sinabi nito sa ex-boyfriend niya. “We have to talk.” Sabi nito nang lingunin siya. “We don’t.” she stubbornly said. Tumalikod na siya at akmang lalayasan na ito nang pigilan nito ang braso niya. “Ano ba’ng problema mo?” “Honestly, after I heard you say you love me in front of that ex-boyfriend of yours, I don’t think I still have a problem. B

