ISANG malalim na buntong-hininga ang muling pinakawalan ni Fabielle saka nangalumbaba sa lamesang inookupa sa loob ng coffee shop na iyon sa loob ng isang mall. Ngayon pinagsisisihan na niya kung bakit pumayag-payag pa siyang pumunta roon ng tawagan siya ng kanyang ina. Pumunta daw kasi ito sa grocery store sa mall na iyon at tinawagan siya nito kanina upang sunduin umano ito dahil naparami daw ang bili nito at kinailangan ng makakatulong magdala. At dahil sa totoo lamang ay nagsasawa na siyang magmukmok sa kuwarto niya ay napagpasyahan na rin niyang lumabas kahit man lang sa excuse na tutulungan ang ina. Binigyan niya ang sarili ng pagkakataong ayusin kahit papaano ang sarili. This was a way to cope up with the pain. Oo tama. Kahit man lang paasahin niy

