Chapter 39 Habang nakatingin lamang ako sa tv sa loob mg dressing room ko ay hindi na ako mapakali sa kinauupuan ko. Ilang kilalang artist na ang nasa entablado at halos rinig na rinig ko dito ang fanchant ng mga tao. Napahawak ako sa dibdib ko at doon ko napansin na naroon pa pala ang necklace na binigay ni Nate sa akin. Buti hindi itinanggal ng mga staff, bagay raw kasi ito sa suot kong dress. Nagbibigay emphasis sa suot ko, may butterfly mesh kasi ang suot lalo na sa ibaba. I'm wearing an off shoulder at hapit ka hapit naman sa katawan ko ang damit. Nagbibigay ng may halong sexy at formal. Ganun ang tingin oo sa damit ko. Maya-maya ay nag vibrate ang cellphone ko sa harapan. Kaya agad ko itong tinignan at hindi mapigilang ngumiti. Group chat naming apat, ni ate Gabriela, Kyla a

