Chapter 38 Pagkarating namin sa building ay agad nila akong pinapasok sa isang dressing room. Doon muna ako bibihis at iiwan ang mga damit na dala ko. Pinakilala pa ako ni sir Harold sa magiging make up team at fashion team na naka assign sa akin. Aalis muna ito sandali para samahan ang Dynamite. Kasama ko ngayon ang Dynamite mag peperform sa isang show ngayon. Sa kanila, irerelease na nila ang kanilang album habang ako ay ang bagong debut sa kanilang kompanya kaya sobrang busy ngayon ng mga tao. Imagine, two artists ay mag peperform sa showcase. Habang iniinagine ko ay hindi ako mapakali sa kaba. Kaya ko ba ito? Paano kapag pumiyok ako sa labas? Paano kapag matisod ako? Hindi naman ako sasayaw. Actually parang nakatayo lang ako pero kailangan ko rin ng interaction ng mga tao at lalo

