Chapter 23 "Ano ang ibig sabihin ni Nate?" Takang tanong ni Lance sa tabi ko at tinignan na ako ng mabuti. Napa-awang ang bibig ko at napatingin sa kanilang lahat na naghihintay sa anong sasabihin ko. Napatingin ako kay Nate na kumakain lang sa mga hinihiwa kong beef sa harapan. Napabuga ako ng hangin at ngumiti sa kanila. "It's just tulad rin ako sa inyo, I'm on a strict diet." Nanlaki ang mata ni Kevin na tinignan ako. His lips formed and 'O' at tinignan ako ng mabuti. "Why? Ang payat payat mo kaya, Diana." Lance and Josh agreed. While Mark is staring at me at umiwas ng tingin kapag tinapunan ko siya ng tingin. Bakla ba to si Mark? Pero hindi eh, nakita ko na siyang lumalapit sa mga babaeng fans at hinahawakan pa nito ang mga kamay nila. But.. maybe it was all an

