Chapter 24 "Miss?" Takang tanong ko nang may inabot itong isang malaking kahon na hindi ko alam ano ang laman nito. Medyo may kabigatan ito nang iniabot. Tinignan niya ako at ang hawak ko ay bigla siyang natawa. "Sorry, iba ang naibigay ko." Iniabot nito sa akin ang isang make-up kit. Nakita kong binuksan nito ang box na binigay ko at napansin ko ang laman nito ay puno ng junk foods. Napanguso ako, ang sarap naman nun. Pagkapasok ko sa dressing room ng Dynamite ay magkagulo ang mga tao. Buti nalang ay malamig sa loob dahil sa tatlong naglalakihang air-condition. Kung wala lang ito ay paniguradong ang init-init at namamawis na ang mga tao sa loob. Nang nakita ako nung isang babae ay pinalapit niya ako nito at nabuhayan ako ng loob papalapit. Akala ko si Nate na ang

