Chapter 25 "Are you alright?" Tanong ni sir Harold sa tabi ko. Napakurap ako sa kawalan at tumingin sa kaniya. Nakita ko si sir Harold na nakatingin sa Dynamite na nasa loob ng recording studio na masayang nagkukulitan dahil ilang beses na itong umuulit at pakiramdam ko naiinis na ang music director nila. Rinig na rinig namin sila pero sila hindi nila kami maririnig dahil sa sound proof. May pagitan kasi itong salamin. Nakita kong napahilot ng sintido ang music director at umiling dahil may namamali itong tono sa kanila. Gusto ko mang tumawa kaso may bumabagabag sa akin. Ngumiti ako kay sir Harold. "I'm alright, sir." Tumango ito. "Hindi ako sanay na hindi maingay ang isang Diana." He patted my back at may ibinigay na folder. Nagtataka ko itong tinanggap. "Ano

