Chapter 26 Habang naglilibot kami ni Charlotte sa isang mall ay todo hila naman ito sa akin kahit saan sa mga mamahaling fashion store. Minsan nahihiya aking katabi siya dahil madaming napapansin sa kaniya at nagagandahan. Nahihiya ako dahil mukha lang akong alalay nito. I'm too far from her beauty, ni wala lang ako sa isang kalingkingan niya. Napanguso nalang ako sa pag-iisip. "Doon tayo!" Tinuro nito ang isang store na hindi pa namin napapasukan. Nanlaki ang mata ko dahil sa tinuro niya. "Ha? Ang dami mo nang binili, magagamit mo ba to lahat?" Takang tanong ko at ipinakita sa kaniya ang dala kong mga paper bags na binili niya sa ibang store. Kada pasok namin ay may bibilhin ito. Hindi na nga niya sinusukat agad niya itong binili ng hindi man lang naiisip. Ganito

