Chapter 32 "Can I call dad?" Nakalipat na kami ng bagong bahay. Bumili si mom ng bagong bahay kalapit lang ng isang grocery store. Mas malaki ang bahay na binili ni mom ngayon compare sa dating bahay namin. Hindi ko mapigilang matuwa noong may sariling kwarto na ako at hindi na ako makikitulog kina mom at dad. Maliit lang kasi bahay namin noon, nakikirenta lamang dahil isang subdivision iyon kaya limitado lang mga rooms at maliit lamang. I like my room, pink and purple combined. Si mom na mismo nagpagagawa sa kwarto ko. Madami na yatang pera pinapadala si dad ngayon. "Your dad can't call right now. He's busy," ani mom habang nagluluto ng hotdog sa kitchen. Napanguso ako at bumlik sa lamesa at umupo para matapos sa pagluluto si mom. Busy.. busy.. always busy. Iyan laging sina

