Chapter 31 "Diana, anak umuwi kana ng bahay!" Narinig kong sigaw ni mom sa loob ng gate. "Opo, mom!" Nasa labas kasi ako ngayon habang naglalaro kasama ang iilang mga bata sa kalapit bahay lang. Nag bibike kaming lahat habang tinuturuan ko naman si Markies ng pagbibike, hindi kasi ito marunong kaya tinuruan ko. "Dapat kasi may training wheels ka pa." Nakasimangot kong sabi kay Markies na panay padyak ng bike pero lagi naman ito tumatabingi at muntikan pang mahulog at matumba. "Sabi kasi ni dad na mas maganda kapag agaran para madali ka lang masanay." Sabi ni Markies habang pumapadyak. Nasa likod ako ngayon at tinutulak si Markies para maging balanse ang pag bibike niya. Kahit puno ng pawis si Markies ay kita ko ang pag pursigido nito makatuto. "Diana, diba daddy mo yan?" Takang

