Chapter 2

1271 Words
ERIN 'S POV "Erin, pwede bang kumalma ka? Kanina pa ako nahihilo sa iyo!" sambit ni Sabbey habang prenteng nakaupo sa couch. Hindi kasi ako mapakali hangga't hindi ko nalalaman kung nandito pa ba si Nadia. "Hindi ako mapapakali hangga't hindi ko siya nakikitang nandito," sagot ko sa kaniya at muling sumilip sa isang pinto kung saan pumasok ang psychiatrist. "Sinasabi ko na sa iyo ngayon pa lang, kahit gaano pa kabaliw si Nadia, hinding-hindi niya mauutakan ang mga tao dito. Kaya kumalma ka," sabi pa niya. Hindi na ako nagsalita at nagpatuloy na lang sa pag-abang kay Nadia. After nang pangyayari sa Spain, Agad kaming umuwi dito para i-check nga kung nandito pa si Nadia. Ang hirap maging paranoid. Ilang araw akong nag-iisip kung nandito pa ba siya o nakatakas nga. Ilang saglit pa, agad namang lumabas muli ang psychiatrist na nag-aasist kay Nadia. "Mrs. Fournier, pasensya na at kung hindi ko madadala si Miss Steyn dahil ayaw niyang magpakita sa inyo," sabi naman niya kaya naman medyo nagtaka ako. "But if you really want to check on her. You can get inside and see her in room," sabi pa niya. Kaya naman nagkatinginan kami ni Sabbey bago kami pumasok sa loob. Hindi ako matatahimik hanggang hindi ko nakikitang nakakulong si Nadia. Nang makapasok kami ni Sab, bumungad sa amin ang isang babaeng nakaputing damit habang nakahiga sa kama. Nasa loob siya ng kwarto at nakaharap sa pader. "Ilang taon na po siyang ganiyan. Ayaw niyang makakita ng tao. Palagi siyang nakahiga o nakaupo sa isang sulok ng kwarto," paliwanag naman niya. Nakahinga ako ng maluwag nang makita ko siya dito. At least panatag na ang loob kong hindi siya makakatakas pa. "Salamat, Doc. Panatag na ako sa nakita ko," sambit ko bago kami nagpaalam ni Sab. Hindi na kami nag-abalang istorbohin pa si Nadia. Seeing her is enough. Nang makapasok kami sa kotse agad namang nagsalita si Sab. "Alam mo, nakakaawa rin pala ang punyetang iyon? Sa dami ng kasalanan niya sa iyo, hindi rin maiwasan na maawa sa kaniya," panimula niya. She's right. Sobrang daming kasalanan sa akin ni Nadia pero hindi ko pa rin maiwasang hindi maawa sa kaniya lalo na nang makita ko siya kanina. Hindi na ako nag-abalang magsalita pa. Nag-drive na lang ako pauwi dahil kanina pa ako hinahanap ng mga anak ko. *** Mabilis kaming nakauwi ni Sab at bumungad nga sa amin ang twins. Napangiti na lang akong sumalubong at niyakap sila. "Mommy!" masayang bati nila sa akin. Habang busy kami agad namang lumapit sa akin ang isnag maid. Kita ko sa mata niya ang hindi magandang balita habang hawak ang telepono. "Manang, may problema ho ba?" tanong ko sa kaniya. Napatigil naman si Sabbey na nilalaro ang mga bata. "Ma'am, si Jariah po kasi. Tumawag po yung teacher niya at kailangan niyo raw pong pumunta ng school," paliwanag niya. Mabilis naman akong napatayo sa sinabi niya. "Anong nangyari sa kaniya?" kinakabahang tanong ko. "Hindi po sinabi ng teacher niya, Ma'am. Ang sabi lang po ay kailangan niya raw po kayong makausap," sagot niyang muli. Nagkatinginan na naman kami ni Sabbey. "Im on my way," sambit ko bago ako humarap sa kambal. "Baby, aalis muna si Mommy, ha? Hintayin niyo ko, okay?" malambing na sambit ko. Agad naman nila akong hinalikan sa pisngi bago kami lumabas ni Sab. "What happened to her?" tanong ni Sab sa akin. "I don't know," kinakabahang sambit ko bago kami pumasok ng kotse. Nasa office si Syd. Kaya naman ako na lang ang pupunta doon para hindi na suya maistorbo pa. Mabilis kaming nakarating ni Sab sa school ni Jariah. And agad naman kami tumungo sa principal office dahil doon raw kami kakausapin ng teacher niya. Nang makapasok, bumungad sa amin si Jariah na nakaupo sa isang upuan kaharap ang tatlong students na may mga magulang rin na kasama. "Good morning, Ma'am," bati ko agad naman silang napalingon sa gawi ko. Kita ko rin na para bang natakot si Jariah nang makita ako. Mabilis akong lumapit sa kaniya. "Honey, what's wrong?" tanong ko at niyakap siya. "Mama, wala akong kasalanan. Sila ang naunang manakit sa akin. Gumanti lang po ako," sabi ni Jariah kaya naman napalingon ako sa mga students at pati na rin sa mga magulang nilang nakataas ang kilay. "Misis, pinatawag ko ho kayo dahil nandito ang mga magulang ng schoolmate ni Jariah. Nagrereklamo po kasi sila na sinaktan raw po ni Jariah ang mga anak nila," mahabang paliwanag ng principal. Nagulat naman ako sa sinabi niya bago tumingin sa mga students. "Jariah, totoo ba yon?" tanong ko sa kaniya. Agad siyang umiling at nagpaliwanag. "Mama, maniwala po kayo. Sila ang nauna, pinagtanggol ko lang po ang sarili ko—" "Alam mo bang masama ang nagsinungaling, ha?" sabat naman ng isang nanay dahilan para mapataas ang kilay ko. "Wait, hindi sinungaling ang anak ko," pagsagot ko sa kaniya. "Sinungaling ang anak mo! Anong klaseng pagpapalaki ba ang ginawa mo at ganiyan siya?" Tila nagpanting ang tainga ko sa sinabi niya. Kaya naman napatayo ako at lumapit sa kanya. "FYI, Hindi sinungaling ang anak ko. Mas hamak namang mas maganda ang pagpapalaki ko sa kaniya kaysa sa iyo. Ikaw, anong klase ka ba pinalaki ng magulang mo at pati bata ay pinapatulan mo? " mataray na tanong ko sa kaniya. "May pinagmanahan naman pala! Kaya lumalaki ang ulo ng anak mo, dahil kahit mali kinakampihan mo—" "You don't know me, whatever your name is. And stop questioning me on how I raised my children. Wait, tatanungin nga kita, Gaano ka kasigurado na sinaktan nga ng anak ko ang anak mo?" mataray na tanong kong muli. "Because she is my daughter, duh! Alangan namang anak mo ang paniwalaan ko?" proud pa niyang sambit. "See? Have you ask your daughter kung ano nga ba ang totoong nangyari? Why don't you tell her that lying is a root of evil?" "Mga misis, huminahon po tayong lahat. Nandito tayo para magkaayos—" "No! I will sue you! Dahil sinaktan niya ang anak ko!" sigaw ng babae. Kaya naman napatingin ako kay Sab na kanina pa gustong sumabat. "Mag-sorry ka na lang, Pati na ang anak mo para matapos na," sabat naman ng isa. "Mama, enough na po. Baka lalo pa pong lumaki ang gulo. Jasmin, Sorry—" Mabilis ko namang pinigilan si Jariah. Hindi ko siya pinalaki para lang mag-sorry kahit wala siyang kasalanan. Dapat matuto rin siyang tumingin sa tama at mali. I know her, Ayaw ng ng gulo, kaya hangga't kaya niyang mag-sorry kahit wala siyang kasalanan gagawin niya matapos lang ang gulo. "No, hindi ka magso-sorry. Wala kang kasalanan," sabi ko sa kaniya. "At talagang tino-tolerate mo pa ang pagiging salbahe ng anak mo?!" sabat na naman ng babae. This time, lumapit na ako sa kaniya. Tiningnan ko siya ng seryoso sa mata at nagsalita. "If you will sue us, then go ahead. But, I will not letting you to insulting my daughter. And kapag nalaman kong nagsasabi ng totoo ang anak ko, Ako mismo ang maghahatid sa inyo sa kulungan," seryosong banta ko sa kanila bago kami nagpaalam sa principal at lumabas na. "Mama, sorry po," sabi ni Jariah nang makapasok kami sa kotse. Nagkatinginan kami ni Sab kaya naman mabilis ko siyang niyakap. "No, don't say that, Honey. I believe in you. So, promise me that whatever will happen, you will always telling the truth, okay?" sabi ko pa sa kaniya. "Thank you, Mama. I love you." Napangiti na lang ako at hinalikan siya sa noo. "I love you. Let's go home, okay?" Tumango naman siya bago ako nag-drive pauwi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD