Chapter 3

1053 Words
ERIN'S POV Papunta na ako nang parking lot nnag may mabangga ako. Mabilis naman akong nag-sorry at dinampot ang nahulog kong gamit pero mabilis naman niya iyong kinuha. "Sorry, Miss," sambit niya kaya naman napatingin ako sa kaniya ng wala sa oras. Nagtama ang mga mata namin kaya naman mabilis ko iyong iniwas sa akniya at tumayo. "Thank you," naiilang na sagot ko sa kaniya. "Are you okay?" tanong niya pa kaya naman mas lalo akong nagtaka at tumingin sa kaniya ng diretso. Nakangiti siya sa akin habang nakatingin sa mata ko. "Ah, yes. Thanks," sambit ko bago ako akmang aalis nang pigilan niya ko. "Miss sandali!" sabi niya pa pero dahil nagmamadali talaga ako ay mabilis akong pumasok ng kotse at nag-drive papuntang El Huerto. Nakahinga ako ng maluwag nang hindi na niya ako hinabol pa. Hindi ko alam. Bigla akong nailang sa ngiti niya sa akin. May meeting ako ngayon at kakausapin ko ang bagong investor na nag-invest sa business ko. I don't know him yet that's why mas maganda na ang maaga akong nakarating doon kaysa siya ang maghintay. Nagtayo ako ng panibagong business, Isang Spanish Restaurant ang El Huerto. At dahil suportado naman ni Syd ang lahat ng plano ko, kaya walang naging problema sa kaniya ang pagtayo ng panibagong business since tumingil na ako sa showbiz. I want to be an incredible Mom for my twins at kay Jariah. Nang makarating ako, agad akong sinalubong ng staff at binati. Ngumiti naman ako at dumiretso sa office ko. Nag-asikaso muna ako habnag hinihintay ang investor. Maya-maya pa ay may kumatok mula sa pinto ng office ko. Bumungad naman sa akin si Ken na staff sa Stary noon. "Ma'am, Nandito na po si Mr. Moretti," sambit niya pa kaya naman nag-ayos na ako bago pa siya pumasok. "Good day, Miss Fournier?" Agad akong lumingon at laking gulat ko nang makita ang lalaking nasa harap ko. Siya ang lalaki kanina sa parking lot ng Coffee shop. Gaya kanina, nakangiti siya nang makita ako. Kaya naman mas lalo akong nailang dahil hindi ako sanay na may ganitong klaseng lalaki ang ngingiti sa akin. Lalo na at hindi ako nakikipag-close sa lalaki. "Take a sit, Mr. Moretti," nahihiyang sambit ko sa kaniya. "Thank you, Miss," sagot naman niya kaya mabilis akong nagsalita. "By the way, I'm Misis..Just call me Erin," naiilang na dagdag ko pa. "My bad, Sorry, Erin. I thought you are a Miss." Ngumiti lang ako bilang tugon kahit na nag awkward talaga ng sitwasyon namin. "So, let's start, Mr. Moretti—" "Since I will call you in your first name, then call me in mine too. Enzo that's my name, " pormal na sambit niya at nakipagkamay. Inabot ko ang kamay niya at tumango lang bilang pagsang-ayon. Nag-discuss kami about sa business at mabilis naman kaming natapos. Actually masarap siya kausap dahil akala ko ay may pagka-pervert siya kanina pero sadyang friendly lang siya. Kaya naman mas mabilis kaming naging close. "So, see you, Erin," nakangiting sambit niya pa at tumayo na. Tumayo na rin ako at ngumiti. "Thank you, Enzo." "Nice to meet you," tugon naman niya. "My pleasure." Matapos ang pag-uusap namin ay nagpaalam na siya na aalis na dahil may meeting pa siya sa company jiya. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak niya at nag-invest siya sa business ko. Isa siya sa pinakamayamang businessman na nakilala ko. Kaya sobrang nakakapagtaka dahil hindi ko lubos akalain na siya ang magiging investor ko. Nasa ganoong sitwasyon ako nang tumunog ang cellphone ko. Mabilis ko iyong kinuha at ngayon ko lang naalala na nangako pala ako sa twins na susunduin ko sila at dadaan kami ng La Fournier. "Baby, Im on my way. Okay? Wait for me," sabi ko bago ko tinahak ang parking lot. Napasarap ang pagkwe-kwentuhan namin ni Enzo kanina kaya nawala sa isip ko ang twins. *** "Mommy!" Sa gate pa lang ay rinig ko na ang sigaw ni Sydney habang papalapit sa akin. "Baby, sorry Im late," sambit ko at hinalikan siya sa noo. "Let's go to my Dad, Mom!" sambit naman ni Shawn na halatang kanina pa naiirita. "Baby, sorry again. Promise hindi na mauulit." Sa kanilang dalawa si Shawn ang mahirap suyuin. Manang-mana talaga siya kay Syd na hindi agad-agad naalis ang tampo. "It's okay, Mom. Just let's go," sambit pa niya at pumasok ng kotse ko. Nag-drive naman ako papuntang La Fournier. Gusto kasi nilang makita ang company ni Syd. Isa pa, masyadong busy si Syd kaya hindi na siya nakakasama sa bonding naming mag-iina. Nakarating naman kami agad sa La Fournier. Ako muna ang bumaba at nagtanong sa guard. Pero nakasalubong ko ang secretary niya agad naman niya akong binati. "Good afternoon, Ma'am Erin," sambit niya sa akin. Ngumiti naman ako sa kaniya at nagsalita. "Nakita mo na bang bumaba si Syd?" tanong ko sa kaniya. "Kanina pa po siya umalis, Ma'am. Isang oras lang po siya dito sa office at nagmamadaling umalis rin. Pina-cancel niya po yung mga meetings niya for today," sabi niya na ikinagulat ko. "So, hindi pa siya bumabalik? Alam mo ba kung saan siya nagpunta?" nagtatakang tanong ko muli. "Hindi po, Ma'am. Matapos niya pong sagutin ang tawag kanina sa cellphone niya nagmamadali na po siyang umalis," paliwanag niya naman. "Sige, Salamat," sambit ko at bumalik sa kotse. "Mom, where's Daddy?" tanong ni Shawn nang pumasok ako. "Wala si Daddy niyo sa loob, I think may meeting siya," pagsisinungaling ko kahit na malakas ang loob kong hindi iyon tungkol sa trabaho. Ganitong-ganito siya noon. Kaya naman hindi ko maiwasang hindi mag-isip ng kung anu-ano. At dahil wala si Syd. Kami na naman ulit ang kumain sa labas. Nasa school si Jariah kaya hindi na namin siya naisama. Mula kanina, Hindi na naalis sa isip ko ang dahilan ng pag-alis ni Syd. Bakit ganito ang pakiramdam ko? Bakit parang feeling ko may tinatago na naman siya? Bigla kong naalala si Nadia. "That's imposible," bulalas ko. Ayokong pag-isipan siya ng masama pero hindi ko rin maiwasang hindi gawin iyon lalo na at may history ang pangloloko niya sa akin. Muling nagbalik ang kaba sa dibdib ko. Hindi niya kami ipapahamak ng mga bata. I trust him. Alam kong may ibang dahilan ng pag-alis niya at alam ko ring hindi iyon tungkol kay Nadia. SANA NGA.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD