ERIN'S POV
Naka-cross arm akong nakadungaw sa bintana ng kwarto namin ni Syd. Hanggang ngayon ay wala pa rin siya. Hindi na ako nag-abalang tumawag sa kaniya dahil mas gusto ko siyang makausap ng personal.
Ilang saglit pa ay nakita ko na ang itim na kotse sa labas ng bahay. Agad naman bumukas ang pinto. Ilang minuto akong naghintay bago bumukas ang pinto at bumungad si Syd.
"Where have you been?" diretsong tanong ko bagay na ikinagulat niya.
"May inasikaso lang ako, Hon–" Hindi ko na siya pinatapos at nagtanong na ulit ako
"Care to explain?" seryosong tanong ko.
"Hon, Are you okay?" tanong niya pabalik at lumapit sa akin.
"Of course, Don't I look fine?" mataray pa na tanong ko. Malakas ang kutob kong may tinatago siya.
Huminga naman siya ng malalim. Tinalikuran ko siya. Ayokong makita siya dahil ayokong maging mahina.
Niyakap naman niya ako kaya mas lalo akong nainis.
"Bakit ang sungit mo ngayon? What happened?" tanong niya at hinalikan pa ang balikat ko. Mabilis naman akong umalis sa pagkakayakap niya.
"Nothing, Im just asking you where had you been? So, answer it directly, Syd,"
"May meeting ako kanina," sagot naman niya. Mas lalong napataas ang kilay ko.
"Pumunta kami ng mga bata sa office mo, Kinancel mo raw ang lagat ng meeting mo. Yung totoo? May tinatago ka ba sa akin, Syd?" Nakita kong medyo namutla pa siya kaya mas lalong lumakas ang kutob ko. Unti-unti na rin akong kinakabahan.
"Hon, wala. Wala akong tinatago sa iyo. Kinancel ko ang lahat ng meetings ko dahil may isang meeting akong pinuntahan kanina. What's wrong?" mahabang paliwanag niya.
Hindi ako sumagot at tiningnan lang siya. Bakit iba ang pakiramdam ko? Bakit feel ko may tinatago siya sa akin?
"Hon, promise. I will never ever hurt you again. Just trust me," seryosong sambit niya at niyakap ako. Huminga na lang ako ng malalim dahil wala naman akong nakitang kakaiba sa damit niya.
Pero hindi pa rin naalis ang pagdududa ko sa kaniya.
***
"Ugh s**t, Honey! Ugh s**t!" ungol ni Nadia habang bumabayo si Syd sa likod niya.
"Ugh f**k you, Nadia! f**k! Ugh!"
"Enough, please!" sigaw ko.
Habol-habol ko ang hininga ko nang magising ako. Napahawak ako sa dibdib ko at agad na napatingin sa tabi ko. Tila naalimpugatan si Syd at mabilis na bumangon nang makita ako
"Hon, are you okay?" nag-aalalang tanong niya. Muli ko siyang tiningnan ng seryoso.
Bigla kong naalala ang panaginip ko. Nakita ko sila ni Nadia na nagtatalik sa harap ko. At sobrang bigat noon sa dibdib ko.
"Hon? Gusto mong uminom ng tubig–"
"No." Matigas na sambit ko at tumalikod sa kaniya. Ipinikit ko ang ang mata ko at sinubukang huwag alalahanin ang panaginip ko.
Naramdaman ko na naman ang kamay ni Syd na dumampi sa katawan ko at para bang may kuryente iyon. Kaya mabilis ko iyong tinanggal sa katawan ko.
"Hey, hon. Are you still mad at me? Look, Im so sorry—"
"Syd, enough. I want to go back to sleep," seryosong sambit ko pa at hindi siya nilingon.
Natakot ako bigla nang maalala ko iyon. Paano kung mangyari ang dati? Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko kung sakali mang mangyari iyon.
Lumipas ang ilang oras pero hindi ko na nagawang bumalik sa pagtulog. Hindi na rin naalis ang panaginip kong iyon. Mas lalong nadagdagan ang inis ko kay syd sa tuwing naalala ko ang panaginip ko.
Nasa kusina ako ngayon habang tinulungan ako nila manang na magluto. May pasok ang mga bata. Kaya kailangan kong mag-asikaso ng maaga. Nang matapos kami.
Agad naman akong umakyat sa second floor para gisingin sila. Una akong pumunta sa twins.
Napangiti ako nang makitang sobrang himbing ng tulog nila.
"Baby, wake up, " bulong ko habang hinahalikan ang pisngi ni Sydney. Umunat naman siya ng kamay at paa bago bumangon.
"Good morning, Mommy!" masayang bungad niya at hinalikan ako. Ngumiti na lang ako at hinalikan siya sa pisngi. Kasunod na ginising ko si Shawn na ang sarap pa rin ng tulog.
"Baby, wake up," bulong ko at gaya nang kay Sydney, hinalikan ko rin siya upang magising siya. Mabilis naman siyang nagising at nag-asikaso na sila.
Nang matapos ay lumabas na ako at si Jariah naman ang pinuntahan ko pero pagpasok ko ng kwarto niya ay gising na siya. Nililigpit niya ang hinigaan niya kaya naman napangiti ako. Napaka-responsable niya mula pa noong bata siya. Kaya naman sobra akong natutuwa dahil mabilis siyang matuto.
"Good morning, Honey," bati ko. Nagulat naman siya nang makita ako.
"Good morning, Ma," bati niya pabalik bago ngumiti.
"Nakahain na sa baba. Tara na?" sabi ko pa pero mabilis siyang nagsalita.
"Ma, susunod po ako. Mag-aasikaso lang po ako," sagot naman niya. Ngumiti lang ako at nagpaalam na bago ako lumabas ng kwarto niya.
Bumalik ako sa kwarto namin at gaya ng inaasahan, nakita kong bakante na ang kama. Alam kong nasa banyo na si Syd. Nagligpit na lang ako bago ako akmang lalabas nang lumabas si Syd sa banyo.
"Hon, wait. Please let's talk," sambit niya pa kaya naman tiningnan ko lang siya habang naghihintay ng sasabihin niya.
"Look, I told you. Wala akong tinatago sa iyo. Please, believe me. Hindi ko na magagawang lokohin ka pa. I can't afford to lose you again," seryosong sambit niya pa.
"Umamin ka nga sa akin, Syd. May koneksyon pa ba kayo ng ex-wife mo?" tanong ko sa kaniya. Nakita kong nagtaka siya bago nagsalita.
"Ex-wife? Si Nadia?" nagtatakang tanong niga pabalik.
"Bakit? May iba ka pa bang ex-wife na hindi ko alam?" mataray na tanong ko. Huminga naman siya ng malalim.
"Hon, nasa mental na si Nadia. How can we communicate to each other?"
"I don't know. Maraming paraan para magkaroon kayo ng kumunikasyon. Walang impossible sa baliw na babaeng iyon," naiinis na turan ko
"Hon, lower down your voice baka marinig ka ni Jariah—"
"Are you depending her on me?" mataray na tanong ko ulit.
Napakamot naman siya sa ulo at huminga nang malalim.
"Wala kaming komunikasyon ni Nadia. Hindi ko siya pinagtanggol. What's wrong with you? Why are you being so paranoid?" tanong niya na ikinainit ng ulo ko. Ang aga-aga ito ang almusal naming dalawa.
Mabuti na lang at nakain na ang tatlo sa baba kaya hindi na kami maririnig dahil na rin sa soundproof ang kwarto namin.
"Why Am I being paranoid, Syd? Of course! Baka nakakalimutan mong may history ang pagiging paranoid ko. Ayoko lang na maulit yung dati. So kung may balak kang ipagpalit ako sa baliw na babaeng iyon, sabihin mo na ngayon pa lang, Syd." Hindi na ako natutuwa sa nangyayari. Hindi ko kasalanan ang pagiging paranoid ko dahil sila ang may kasalanan kung bakit ako ganito ngayon.
"Okay, sorry. Im so sorry. But please, trust and believe in me. Im saying the truth. Wala na akong pakialam kay Nadia Ikaw, ikaw ang mahal ko, Erin. At hindi na ako papayag na magkasira pa tayo nang dahil lang sa kaniya," sinseridad na sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko Huminga naman ako ng malalim.
"Wife, sorry, please forgive me," dagdag niya at niyakap pa ako. Ipinikit ko ang mata ko bago nagsalita.
"Fine, sorry din. Let's go, hinihintay na nila tayo sa baba," sambit ko at nauna na akong lumabas ng kwarto.