"Girl, are you okay? Kagagaling lang natin dito hindi ba?" ani Sab habang hinihintay namin ang paglabas ni Nadia.
Hindi ako sumagot. Hindi ko alam pero gusto ko siyang makita. Hindi pa rin naalis ang mga napanaginipan ko.
Seryoso akong naghihintay dito sa labas nang may isang nurse naman ang lumabas kasunod ang dalawa dalawang nurse na hawak si Nadia.
"Ano ba! Let me go! Ang chachaka niyo!" sigaw niya at pilit na kumakawala sa kamay nila.
"Ma'am, kanina pa po siya nagwawala," sabi naman ng isang nurse.
Tila hindi natinag si Nadia sa mga nurse kaya nagpatuloy siya sa pagpupumiglas.
Naalala ko yung napanaginipan ko. Kung paano niya sirain ang buhay ko. Kaya naman mabilis akong lumapit sa kaniya at sampalin siya dahilan nang pagkagulat ng lahat.
Maski ako, nagulat ako sa ginawa ko. Unti-unting humarap si Nadia sa akin at nagtaas ng kilay.
"Ikaw na naman? Malandi ka! Ikaw nag may kasalanan ng lahat ng ito!" sigaw niya at akmang lalapit sa akin kaya naman napaatras ako. Mabuti na lang at nahawakan siya agad ng mga nurse.
"Inagaw mo sa akin si Syd! Inagaw mo ang lahat sa akin, Erin! Papatayin kita!" sigaw niya kaya imbes na maawa ako ay lalong uminit ang dugo ko. Para kasing nasa katinuan siya ngayon kumpara sa mga nakaraang araw.
Yung way ng pananalita niya para bang bumalik yung dating Nadia.
"At ang kapal pa rin ng pagmumukha mo para isisi sa akin ang lahat. Ikaw ang nag-umpisa ng kagagahan sa akin, Nadia. Tinapos ko lang!" sigaw ko pa.
Pero nagulat ako nang ngumiti siya.
"Are you still threaten, Erin? Kahit na anong gawin mo, pag-aari ko si Syd. At hinding-hindi ako titigil hangga't hindi ko siya nakukuha sayo," sabi niya pa habang nakangiti.
"Huwag ka masyadong umasa, Nadia. Na makakalabas ka pa rito. Kasi sisiguraduhin kong dito ka rin mamamatay," seryosong sabi ko sa kaniya.
"Then let's see. For sure ako at ako pa rin ang pipiliin ni Syd sa huli. Just wait, Erin," sabi ni Nadia habang hindi pa rin naalis nag ngiti sa labi niya.
Sa sobrang inis ko sa ngiti niya ay muli ko siyang nasampal. Inawat naman ako ng nurse. Kita ko naman sa mukha ni Nadia na para na siyang papatayal sa tingin niya.
"I will kill you, Erin. I will kill you and your children!" seryosong banta niya. Seryoso ang bawat tingin niya sa akin.
"Don't ever you dare to hurt my twins, Nadia. I will never stop cursing you until your last breath, dont try my patience," sabi ko sa kaniya. Ibang usapan na kaapg ang twins ko na ang topic. Handa akong makipagpatayan para sa kanila.
"Bago mo magawa iyon, malamig na bangkay nang babalik ang mga anak mo," nakangiting sabi niya pa kaya naman muli ko siyang sinampal ng malakas.
Inawat akong muli ng nurse bago siya ipinasok sa isang kwarto. Agad akong hinila ni Sab.
"Girl, what's wrong with you? Bakit mo siya pinatulan? She's insane!" bulong ni Sab.
"I dont care kung anong utak pa meron siya! As long as I can protect my children, I will defend them," seryosong sambit ko.
"Pero sinaktan mo siya. Hindi ka ba natatakot? She looks serious sa sinabi niya," sabi pa ni Sab. I know na napansin rin niya iyon.
"May sira man ang utak niya o wala, nakakatakot na siya. So, bakit pa ako matatakot? Wala nang bago doon," sagot ko sa kaniya.
Yes, Im scared. Sobra akong natatakot sa kaniya pero mas pinili kong maging kalmado para hindi mahalata ni Sab. When I look at her eyes, seryosong-seryoso iyon. Kaya sobrang akong kinakabahan para sa mga anak ko.
Naghiwalay kami ni Sab dahil may pupuntahan pa raw siya. Ako kasi may asikasuhin lang ako sa El Huerto dahil may mga papers pang kailangan ng pirma ko.
"Madame, may naghihintay po sa inyo," sabi naman ni Janine. Nagtaka naman akong tumingin sa kaniya.
"Madame, nasa office niyo po si Mr. Moretti–"
"Okay, thanks," sambit ko pa at nagmamadaling pumasok sa loob ng office ko. Pagbukas ko ay nakita kong nakaupo doon si Enzo habang hawak ang isang folder.
Nakahinga ako ng maluwag. Baka kasi makialam siya sa mga gamit ko. Alam ko namang hindi siya ganon pero ayoko lang na may ibang tao sa office ko kapag wala ako.
"Mr. Moretti– Enzo I mean," Nailang ako bigla sa tingin niya.
"Are you okay, Erin? You look so tired," sabi pa niya bago ako inaya umupo.
"Yeah, Im fine. What's bring you here?" nakangiting tanong ko.
"Ah, this. I want to get it back to you. I already review all the plans here and I wanna say, it's great! Good job!" nakangiting sagot niya.
"Oh, thank you!" Mabilis ko namang kinuha ang folder at inilagay iyon sa organizer.
"Since you already here, I wanna ask if you are busy right now?" tanong niya kaya naman inalala ko ang sched ko.,
"I have a meeting in two hours, why?" tanong ko naman sa kaniya.
"Good! I want to ask you for coffee?" nakangiting sagot niya habang hinihintay ang sasabihin ko.
"Oh, C'mon. Let's have a chat. I just want to know my business partner," sagot pa niya. Nakakahiya naman kung tatanggi pa ako dahil nakatayo na siya at inaaya ako. Kaya naman wala na akong nagawa kung hindi ang pumayag.
Nakarating kami sa isang coffee shop.
"So, what's up?" panimula niya. Ngumiti naman ako at huminga nang malalim.
"You look so bothered," dagdag niya naman.
"Actually, someone's bothering my mind. I dont want to get overthink but I can't control to think about it," wala sa wisyo na sagot ko sa kaniya.
"What is it? What's bother you? Im friend and willing to listen," nakangiting sambit pa niya.
"Okay, my husband is so suspicious. I dont want to doubt on him but he gives me a reason to do it. I trust him. Pero hindi mawawala yung takot sa isip at puso ko," malungkot na sabi ko pa.
"Are you thinking that your husband has another woman?" tanong pa niya.
Tumingin naman ako sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit ang gaan ng loob ko dahil siguro first time ko lang talaga magkwento sa lalaki about sa life ko.
"I already knew that. I was the legal wife before, and then I became a mistress and now, Im a legal again. I know it's sound insane but I really love him." Napayuko naman ako. Hindi ko namalayan na nagkwento na pala ako sa kaniya.
"You know what? You are the strongest woman that I ever know. He's so lucky to have a wife like you. It's so rare to found someone like you," nakangiting turan niya sa akin. Hindi ko maiwasang hindi mamula sa sinabi niya.
"Thank you, but everyone think that Im an idiot to give him a chance even though we all knew that he was a cheater. He cheated on me many times," sagot kong muli.
"You have a good heart, Erin. You are not idiot because being a kind person like you is so rare," seryosong sagot naman niya. Hindi na ako nakapagsalita pa. Dahil sa totoo lang ay gumaan kahit papaano ang hinanakit ko.
At least nailabas ko sa taong hindi ako hinusgahan. Nagdadalawang isip kasi akong magkwento kay Sab kanina dahil alam kong annulment agad ang i-advise niya kapag dating sa ganoong usapan.
"Thank you for listening to me," nakangiting ani ko.
"You are welcome. What friends are for?" Nagkangitian lang kami bago naisipang inumin ang kape namin.