K A B A N A T A 3

1303 Words
NAGISING ako dahil hindi ako makahinga ng maayos at parang may nakadagan sa tiyan ko. Tinignan ko kung ano ito at nagulat ako ng makita si Grae na sobrang lapit sakin at nakayakap pa! Ang kamay niya ay nasa tiyan ko pala at ang isang paa nito ay nakadantay sa hita ko,kaya pala ako nahirapan huminga..ang laking tao pa naman nito ni Grae. Sinubukan kong tanggalin ang kamay niya ng maingat para hindi ito magising ngunit nung itinaas ko ang kamay niya ay mas lalo pa itong humigpit kaya sa huli ay hinayaan ko nalang. Tinignan ko ang mukha niya at ang peaceful ng itsura niya, mukhang maamo ito at tila isang anghel. Mula sa strong jaw lines niya,makakapal na kilay,mahabang pilik mata,matangos na ilong at mapupulang labi..parang isa na siyang grrek God sa paningin ko. Yun nga lang ay pagkamuhi ang tanging nararamdaman niya sa akin. Mahal na mahal ko siya pero hindi niya kayang suklian ang nararamdaman ko para sa kanya. Pinunasan ko ang luhang tumulo sa aking mga mata, lagi nalang ako umiiyak pag tungkol sa kanya na ang usapan. "I love you." naiiyak na sabi ko dito na alam ko namang hindi niya maririnig. Hinalikan ko rin siya sa noo na unang beses ko lang nagawa dahil ayaw niyang mapalapit ako sakanya. Inipon ko ang lakas ko at pilit tinanggal ang kamay at paa niya sa akin at buti naman nagtagumpay ako,nilagyan ko nalang ng unan ang tabi niya para iyon ang yakapin niya. Bumaba naman ako papuntang kusina para sana ipagluto ang mga magulang ko pero wala na ang mga ito at may iniwan nalang na sulat sa may ref at sabi ay nauna na sila dahil may meeting pa si Daddy. Magluluto na sana ako ng biglang dumating si Grae. "G-goodmorning anong gusto mong kainin?" tanong ko sakanya Tinignan niya lang ako at walang emosyong makikita sa mukha niya, napangiti ako ng mapakla sa isip ko dahil bumalik nanaman ang dating Grae. "Alam mo namang hindi ko kinakain lahat ng luto mo diba, so don't bother to cook baka kung ano nanaman ang ilagay mo dyan sa kinakain ko like before." makahulugan niyang sabi sa akin. Hindi ako nakaimik at hindi nakatingin sa kanya, dahil sa ginawa ko dati ay hindi na niya ako kaya pang pagkatiwalaan. "We're back to normal kasi wala na naman ang parents mo dito, kaya kunin mo na lahat ng gamit mo at pumunta ka sa maid's quarter room; dun sa dati mong kwarto..ayokong maaabutan kita sa kwarto ko pagdating ko kundi lagot ka sakin." banta niya at umalis na. Naramdaman kong may nagbabadya nanamang luha sa mga mata ko kaya tumingala ako para hindi ito tumulo, ngunit tila wala ring epekto dahil sunod sunod ang luhang lumalabas. Nasasaktan nanaman ako dahil sa kanya pero alam kong ako naman ang naglagay sa sarili ko sa ganitong sitwasyon kaya wala akong karapatan umangal. Pinunasan ko ang mga luha ko at umakyat papunta sa kwarto ni Grae para kunin yung mga gamit ko. Pagpasok ko ay naabutan ko si Grae na nagsusuot ng polo niya at ang buhok ay basa pa, napatingin siya sa gawi ko kaya naman ay tumingin ako sa ibaba. "A-ano kukunin ko lang yung mga g-gamit ko." kinakabahang sabi ko pero wala akong narinig na sagot sa kanya kaya kinuha ko ng mabilisan ang bag ko na nasa tabi ng kama at tsaka umalis na. Pumasok ako sa maid's room kung saan ang kwarto ko at inayos ang mga gamit ko. Narinig kong tumunig ang cellphone ko at nakita kong tumatawag si Kean, kaibigan ko na dating nanliligaw sa akin pero ngayon ay hindi na kasi alam niya kung sino ang mahal ko. "Hello Kean?" sabi ko sa kabilang linya. "Hi Shan! Magkita naman tayo oh! miss na kita eh" parang batang sabi niya kaya naman napangiti ako. "Sus parang bata eh, hindi ko lang sure Kean kasi alam mo naman si Grae." malungkot na saad ko kasi hindi ako pinapayagan ni Grae na lumabas ng bahay kailangan ko pa humingi ng permiso niya dahil kung hindi ay baka mapagbuhatan niya nanaman ako ng kamay. Alam din ni Kean ang sinasapit ko sa kamay ng asawa ko pero pinilit ko siyang wag sabihin sa magulang ko dahil sigurado akong paghihiwalayin niya kami ni Grae, buti nalang at pumayag siya. "Shania please kung kailangan kong kausapin yang asawa mo gagawin ko para makita naman kita, hindi na tama yang ginagawa niya sayo para ka nang preso dahil sa ginagawa niya." sabi niya at nasisigurado kong seryoso siya sa sinasabi niya. "Kean naman, sige magkita tayo ngayon." sagot ko naman at narinig ko siyang nagbuntong hininga. "Dun sa favorite coffee shop natin." sagot niya "Sige magkita nalang tayo don." sabi ko bago magpaalam. Kinakabahan man pero kailangan kong magpa-alam kay Grae. Pupunta na sana ako sa kwarto niya pero nakita ko siyang pababa na ng hagdan kaya sinalubong ko na siya. "Uhm Grae kung p-pwede bang umalis ako ngayon kasi may importante akong pupuntahan." sabi ko pero nanatiling nakatingin lang ako sa sahig. "Bahala ka sa buhay mo." tanging sagot lang niya at nilagpasan na ako. Napabuntong hininga ako dahil sa ginawang pagtrato niya sa akin, dapat masanay ka na sa pagiging cold niya sayo Shania, sabi ko sa isip ko at pilit na ngumiti. Atleast hindi niya sinabing hindi ako pwedeng lumabas. Pumunta na ako sa kwarto ko at nagsimula ng maligo at mag-ayos para makaalis na. PUMASOK ako sa loob ng Marydale's Coffee Shop at doon ko nga nakita si Kean na nakaupo at kumakaway sa akin. Nginitian ko naman ito at nagsimula ng maglakad sa table niya. "Ang ganda mo naman Miss." pabirong sabi ni Kean ng makalapit ako sa table niya. "Sus mambobola Hahaha." sagot ko naman May lumapit na waiter sa amin at binigyan kami ng menu book. "Uhm Chocolatè and Strawberry Shortcake sakin." sabi ko at sinabi rin ni Kean ang kanya at umalis na ang waiter. "So kamusta naman Kean? may nililigawan kana ba?" tanong ko at ngumiti He chuckled bago sumagot. "Okay lang naman pero ngayon wala pa naman akong pinopormahan, how about you are you okay?" tanong niya bigla "O-okay naman ako" sagot ko ng alanganin pero pilit hindi ipinapahalata. "I know that you're not Shania don't lie to me, bat ba kasi ayaw mo pang hiwalayan yang asawa mong walang ibang ginawa kundi saktan ka" naiinis na sabi niya "Kean naman, mahal na mahal ko si Grae at naniniwala ako na kaya niya pa akong patawarin at buksan ang puso niya para sakin." sabi ko at nararamdaman ko nanaman ang luha kong nagbabadyang tumulo. Tsk. sino bang niloloko ko? alam kong imposible nang mapatawad at mahalin ako ni Grae. Pero kahit ganon ay hindi parin ako mawawalan ng pag-asa na 'sana' magbago siya. "That's bullshit Shania! minsan hindi sapat ang pagmamahal para magstay ang dalawang tao...look Shan..ikaw lang mag-isa ang lumalaban sa relasyon niyo, hindi mo ba nakikita na kahit kelan ay wala na diyang pag-asang mabago kasi poot ang laman ng puso't isip niya...Shania masyado ka nang nasasaktan, tama na." makahulugang sabi ni Kean at hindi ko na nga napigilan ang luha ko at tuloy tuloy nang lumabas sa mata ko. Lumipat ng upuan si Kean sa tabi ko at niyakap ako, buti na lamang ay nasa tagong side kami ng shop at hindi nakikita ang pag-iyak ko. "Everything will be okay Shan." paulit-ulit na bulong sa akin ni Kean habang yakap yakap ako at hinahagod ang likod ko. NANG mahimasmasan ay kumain na kami at masaya ulit nagkwentuhan. "Shan punta tayo ng park, namiss ko na yun eh." biglang sabi ni Kean Tumingin ako sa orasan at nakita ko namang maaga pa kaya pumayag ako. *PARK "Ang peaceful dito no" sabi ko dahil nakaupo kami sa bench dito at sariwa ang hangin. "Yah..dapat nandito tayo lagi para makahinga sa mga problema." sagot naman niya at napangiti ako. Humikab naman ako at nakaramdam ako ng antok. Nagulat ako ng inilagay ni Kean ang ulo ko sa balikat niya. "Sleep." sabi niya kaya wala na akong nagawa at hinayaang tangayin na ng antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD