K A B A N A T A 2

1773 Words
ANDITO ako ngayon sa sala kasi hinihintay ko si Grae na umuwi, alas dose na kasi ng gabi at wala parin siya dito sa bahay kaya sobrang nag-aalala na ako. Humikab naman ako dahil ramdam ko na ang antok ngunit pilit ko itong nilalabanan dahil gusto ko pa siyang hintayin. Naisipan ko siyang tawagan pero nung kinapa ko ang bulsa ko ay hindi ko pala dala ang cellphone ko, baka naiwan sa kama. Pumunta ako sa kwarto para kunin ang cellphone ko at agad ko naman itong nakita ngunit nang papalapit na ako sa sala ay may narinig ako na parang umuungol. "Ohh G-grae" ungol ng isang babae. Alam ko na ang nangyayari ngunit pilit kong sinasabi sa utak ko na wala lang ito. Ramdam ko ang kirot sa puso ko lalo na ng makita mismo ng mga mata ko kung anong nangyayari. Ang sakit. Bat siya nagdala ng ibang babae sa bahay NAMIN? Nakatago ako sa pader at kitang-kita ko ang kahalayang ginagawa ng asawa ko at ng babae niya. Wala ng saplot ni isa ang babae habang si grae ay nakaboxer nalang. Naghahalikan sila na parang walang bukas habang ang mga kamay ni Grae ay kung saan-saan na nakahawak sa babae. Naramdaman ko ang mga luha ko na tumulo na at may mununting hikbi narin kaya mabilis kong tinakpan ang bibig ko at tumakbo papasok sa kwarto. Pagpasok na pagpasok ko ay doon nagsilabasan ang maraming luha na pinipigilan ko at ang mga hikbi na kanina ko pa pinipigil din. Hindi ko namalayan na nakatulog na ako habang umiiyak ng sobra. KINABUKASAN ay maaga akong nagising para maglinis at magluto. Kahit alam ko namang hindi kakain si Grae ay nagluluto padin ako kasi baka magbago ang isip niya at kumain. Inayos ko ang mga plato at kutsara sa lamesa at nang makita kong ayos na ay napangiti ako. Naramdaman ko namang may yabag ng paa ang patungo dito at baka si Grae nayan kaya ang saya ko. Ngunit nawala ang ngiti sa labi ko nang makita ang babae na inuwi ni Grae dito kagabi. Napasimangot naman ako at tatalikuran na sana siya ng bigla ako nitong tawagin. "Uhm yaya can you please get me some juice?" maarteng sabi ng babae. Parang napantig naman ang tenga ko dahil sa sinabi niya. Yaya? kelan pa ako naging yaya dito? "Ikaw kumuha, ikaw ang iinom diba." mataray na sabi ko naman at nakita kong tumaas ang kilay nito. "You're the maid here so you need to serve your guest!" inis na sabi naman niya "Excuse me! hindi nga ako maid dito kasi ako lang naman ang as-" hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil biglang dumating si Grae at nakatopless lang tanging shorts lang ang suot nito. "Anong nangyayari dito?" nakakunot noong tanong niya Bigla naman pumulupot ang haliparot sa Asawa Ko at nagpa-awang tumingin dito. napa eye roll ako sa isipan ko. "Honey ayaw niya akong abutan ng juice and she even said na hindi naman siya maid dito...masyadong ilusyunada ang babae na-" hindi na naituloy ng babae ang kanyang sasabihin ng pinutol ito ni Grae. "Wala ka bang kamay para kumuha? you better leave my house I don't want to see you." masungit na sabi naman dito ni Grae at nagulat naman ang haliparot dahil sa sinabi niya. Napangiti ako sa isip dahil hindi ko inaasahang ipagtatanggol ako ni Grae. "But we had a thing last night! hindi mo ako pwedeng itapon basta-basta!" sigaw ng babae at tila nagdilim ang mukha ni Grae dahil sa sinabi niya. "Once I f****d you wala nang communication...you're like a trash to me..you know my rules before we had a thing...I f**k you and then you go." walang filter na sabi ni Grae kaya naman walang nasabi ang babae at nag-walk out na paalis. "Don't smile..I don't do it for you." seryosong sabi ni Grae sa akin bago ako tinalikuran at umalis. Hindi ko namalayang nakangiti na pala ako, kahit na sinabi ni Grae na hindi niya ginawa yun para sa akin ay hindi ko parin maiwasan ang mapangiti. Atleast hindi niya ako sinigawan ngayon at mukhang bumabait na siya sa akin. ::::::: Nagising ako dahil sa malalakas na katok na nanggagaling sa pintuan. Pasuray-suray pa akong naglalakad papuntang pintuan para buksan ito. Binuksan ko ang pintuan at laking gulat ko nang makita ko si Grae na nakatayo sa harapan ko at magkasalubong ang kilay. "Fix yourself pupunta ang mga magulang mo dito para bumisita mamayang gabi." sabi niya at tila binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya. "Ha? bat naman biglaan?!" nagpapanic na tanong ko dahil kung makikita nila Mom and Dad ang set-up namin ni Grae ngayon ay baka parusahan niya ito at worse ay baka paghiwalayin niya kami. No,I won't let that happen. "I don't know they just told me that they will go here para icheck ang buhay natin mag-asawa, don't do anything stupid kundi malalagot ka sakin." seryoso at nakakatakot na sabi niya sa akin,kaya naman ay parang tinakasan ako ng kulay dahil sa sinabi niya dahil alam ko kung anong gagawin niya kung sakali mang magkamali ako at magsumbong. Sasaktan nanaman niya ako. Kung sobra na siyang galit baka magawa niya akong pagbuhatan ng kamay. Or worse titirahin niya ako emotionally,sasaktan niya ako ganit ang mga salita at ipapamukha sa akin ang mga babae na dadalhin niya dito sa bahay para may mangyari sa kanila. Meron siyang Anger Management Issue kaya mahirap na galitin siya. Naramdaman ko na ang mga kamay ko ay nagsisimula ng manginig kaya itinago ko ito sa likuran ko para hindi niya makita. "Sige mag-aayos na ako" paalam ko at akmang isasara na ang pintuan ng hawakan niya ito para hindi sumara. "Next time wear a bra bago ka magbukas ng pinto." sabi naman niya at umalis na. Tinignan ko ang dibdib ko at halatang-halata ang n*****s ko! Ramdam ko ang pag-init ng mukha ko kaya mabilis ko isinara ang pinto. ANDITO kami ngayon ni Grae sa sala at hinihintay ang mga magulang ko na dumating. Nakasuot ako ng isang off-shoulder dress na kulay light blue at pinaresan ko ng doll shoes na kulay dark blue din. Naglagay din ako ng kaunting make up para hindi ako mukhang namumutla. Nakaupo lang kaming dalawa ni Grae at walang nagtatangkang magsalita sa aming dalawa. Ilang minuto kami nasa ganoong posisyon ng marinig namin ang ugong ng isang sasakyan,baka sila mommy nayan. Tumayo kami para salubungin sila at nakita nga namin ang masasayang ngiti ng magulang ko para samin. Niyakap ko muna ang Mommy ko sunod ang Daddy ko. Nakipagbeso naman si Mommy kay Grae at nag man hug naman sila ni Daddy. "How are you Dad?" tanong ni Grae "I'm fine Hijo, Kamusta naman ang buhay mag-asawa niyo nitong anak ko?" tanong naman pabalik ni Dad "Masaya naman po, She's the most precious thing that happen to me." sabi niya at ngumiti Hindi ko alam pero tumibok ng husto anh puso ko dahil sa sinabi niya at piling ko ay sobrang pula na ng mukha ko dahil sa sinabi niya. "We should eat, sigurado akong nagutom po kayo sa byahe." sabi naman ni Grae at iginaya papuntang dining room ang magulang ko,ngunit nagpahuli siya para masabayan ako at lumapit siya sa tenga ko upang bumulong. "Wag kang masyadong matuwa sa sinabi ko kanina because it's a lie..you are the worst thing that ever happen to me so don't assume things." pabulong ngunit masasakit na salitang sinabi sa akin ni Grae kaya naman ay para akong natuod sa kinatatayuan ko at naramdaman kong nauna nang umalis papalayo sa akin si Grae. Pinunasan ko naman ang luhang tumulo na pala sa mga mata ko at pinilit pakalmahin ang sarili kahit na sobrang sakit ng mga sinabi niya sa akin. Okay lang yan Shania,dapat masanay kana sa mga masasakit na salitang binibitawan niya. Sabi ko sa aking isipan bago lumakad papuntang dining area. Nakita kong nakaupo na sila doon at uupo na sana ako sa tabi nila Mommy ngunit pingilan ako ni Grae at pinaupo sa tabi niya kaya wala na akong nagawa kundi ang umupo. Tahimik lang akong kumakain habang silang tatlo ay nag-uusap ng kung ano-ano na sa pagkaka-alam ko ay tungkol sa bussiness. Pag bussiness talaga ang usapan ay tila may sariling mundo ang mga ito,wala akong interes sa pagpapatakbo ng negosyo kaya naman ay tahimik lang ako. "Iho kelan niyo balak mag-kaanak? gustong-gusto ko na ng apo eh." biglang sabi ni Mommy kaya naman napaubo ako at medyo hinaplos ang dibdib ko dahil sa pagkagulat. Naramdaman ko namang may mga kamay na humahaplos sa likod ko at binigyan ako ng tubig ni Grae. Nag-aalangang inabot ko ito at ininom. "Well let's see" si Grae na ang sumagot sa tanong nila at tinignan ko ang reaksyon ng mukha niya at nakangiti ito. Ang galing magpanggap ng lalaking ito. Sabi ko sa isip ko. Nang matapos kumain ay nagpahinga muna kami sa living room at nanood ng kung ano. Hindi kasi ako makapagconcentrate dahil ang lapit ni Grae sa akin. Naamoy ko pa ang pabango nitong panglalaki at talagang nakaka adik ang amoy niya. Sa hindi inaasahang pangyayari ay biglang umulan ng malakas dito sa amin. May kidlat at kulog pang kasabay kaya naman nakakatakot. Sa tuwing kukulog ay hindi sinasadyang napapakapit ako kay Grae at nagpapasalamat ako dahil wala akong narinig ni isang angal. "Dad you should stay here for tonight,masyadong delikado pag bumyahe pa kayo na ganto ang panahon..sa guest room nalang kayo matulog tutal maayos naman yon." sabi ni Grae  "Sige iho mukang matagal pa bago tumila ang ulan." sagot naman ni Dad Inutusan ni Grae ang maid niya na ngayon niya lang ponapasok dahil andito sila Mom. Dahil lingid sa kaalaman nila Daddy ay ako pala ang ginagawang katulong nitong si Grae. Muling kumirot ang puso ko dahil sa naisip. "Tara na sa kwarto." tanging sabi niya at nauna nang unakyat pataas. Sinundan ko naman siya at pagdating ko doon ay kumuha ako ng damit ko sa closet at nagpunta sa CR para magpalit ng pajama. Nakita ko naman siyang nakaupo sa kama niya at may kinakalikot sa laptop niya. Kumuha ako ng unan sa kama at naglakad papuntang sofa nalapit sa kama,akmang hihiga na ako ng magsalita siya. "What are you doing there?" tanong niya at nakakunot pa ang noo. "Matutulog?" sabi ko na nasa pa-obvious ba? na tanong. "Sleep beside me,baka biglang pumunta ang magulang mo dito at makita kang natutulog diyan sa sofa." sabi niya at iniharap ulit ang atensyon sa laptop niya. Wala na akong nagawa kundi ang sumunod kaya naman ay humiga na ako at ipipikit na sana ang mata ng biglang kumulog na malakas. "Ahhh!" tili ko at napakapit ako kay Grae. "Tsk,parang kulog lang eh" sabi niya ngunit hindi naman niya tinanggal ang mga kamay ko na naka kapit sakanya. Isinara niya ang laptop niya at humiga na,bumitiw narin ako sa pagkakahawak niya umisod ng kaunti papalayo sakanya,hindi naman ako nahulog dahil malaki itong kama niya. Tumalikod ako sakanya hindi ko namalayan na tumulo ang luha ko kaya mabilis ko itong pinunasan. Dahil sa sobrang antok ay unti-unti akong hinila ng antok ko at tuluyan ng nakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD