After 6 years... "Nathan! aalis na si Mama." sigaw ko sa anak dahil papasok na ako sa trabaho. Nasa Amkerika kami at dito ko narin pinanganak si Nathan,nagta-trabaho ako bilang isang secretary sa isang office dito at binubuhay ang anak ko ng mag-isa dahil ayokong umasa kila Mommy at Daddy. Sa Pilipinas na sila nanirahan at hindi na natuloy dito sa Amerika dahil tumatanda na daw sila at mas gusto nilang sa Pilipinas nalang. Wala na akong masyadong nabalitaan kay Grae matapos ang araw nayon sa presinto, na-aprubahan naman ang aming annulment kaya ngayon ay hindi ko na siya asawa. Ang huling balita ko nalang ay nagpapa gamot daw ito sa psychiatrist para sa kanyang Anger management issue bukod don ay hindi ko na alam kung ano ng ganap sa kanya,siguro ay nakalaya na ito ngayon pero hindi k

