MAAGA akong umalis sa bahay ngayon dahil may hahabulin pa akong mga paperworks na kailangang ipasa dahil ang sabi ay ngayon daw dadating ang bago naming boss. Kailangan kong itransfer sakanya ang mga files para mareview nya iyon at dahil sobrang daming files yun ay nagkakaundaga na ako sa mga dapat gagawin. Tulog pa si Nathan nung umalis ako at pinabantayan ko nalang sa yaya nya muna. Tutok na tutok ako sa pagtipa sa mga keyboard at hindi ko na napansin ang mga nasa paligid ko,nawala ang konsentrasyon ko ng may tumapik sakin. "Gurl lahat daw ng empleyado kailangan pumunta na sa may meeting room,nandoon na daw yung bagong boss natin at bali-bakita na yummy daw ito!" kinikilig na sabi ni Carrie. "Mauna kana muna Carrie malapit na ako matapos unti nalang 'to." sabi ko at nagtipa ulit sa

