bc

Hindi ako Uto-uto

book_age12+
2
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
fated
second chance
friends to lovers
pregnant
cheating
first love
secrets
faceslapping
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

Elaine, isang babaeng nagkagusto sa boyfriend ng stepsister nyang si Valerie. Nang umamin si Jericho at Elaine ng tunay na nararamdaman nila sa isa't isa ay nagkaroon sa pagitan nila ng tagong relasyon na lingid sa kaalaman ni Valerie.

Ngunit paano kung ang itinatagong relasyon nila Jericho at Elaine ay hindi pala talaga totoo? Magpapauto nalang ba sya o tatanggapin ang katotohanan na UTO-UTO sya?

chap-preview
Free preview
P A R T O N E
______________ •Elaine's POV• Abala ako ngayon sa pag aasikaso sa kwarto ko. Nang bigla akong tawagin ni mama para bumaba. “Elaine, anak. Bumaba ka dito at may ipapakilala tong kapatid mo sa atin!” Sabi ni mama sa akin. Kaya sumunod ako. Inayos ko muna ang mga gamit ko at saka bumaba na rin. Pagkababa ko, sinalubong ako ni Valerie ng yakap kaya napayakap ako sa kanya pabalik. Nagtaka pa ako kung sino yung kasama nya. May kasama kasi syang isang lalaki, aaminin ko. Ang pogi nya. “Sino sya?” tanong ko. “Ate, boyfriend ko nga pala. Si Jericho. Jericho si ate Elaine ko!” Pagpapakilala ni Valerie sa amin. Napatingin ako sa Jericho at ngumiti. Ngumiti naman ito sa akin pabalik at inalok akong makipagshake hands. “Nice meeting you, ate Elaine.” Nakangiting bati nito sa akin. Ayoko sanang abutin kaso pinilit na ako ni Valerie kaya nakipagshake hands na rin ako. “Na-nice meeting you too.” Nakangiting bati ko sa kanya pabalik. Agad kong kinuha ang kamay ko sa kanya. At nauna ng umupo sa upuan. Katabi ni Valerie ang boyfriend nya habang ako nakaharap kay Jericho. Iniiwas ko ang tingin nya sa akin. Nakakailang pero ayos lang. Kapag nagkakataong nagtatama ang mga mata namin, ngumingiti kami pareho. Vibes vibes lang as magbayaw in the future. Pagkatapos naming maghapunan, lumapit ako kay Valerie. “Val, bat di mo sinabing may boyfriend ka na. Nagulat tuloy ako.” Tanong ko sa kanya. “Nahihiya kasi akong ipakilala sa inyo especially sayo ate Elaine. Nahihiya akong magpakilala ng boyfriend sayo kasi diba nung last time ano, yung sa inyo ni ano...” Pinutol ko na yung sasabihin nya kasi alam ko naman kung sino yung tinutukoy nya. “Shhh! Alam ko na hahaha. Past is past nalang. Sige na, asikasuhin mo na yung boyfriend mo. Ako na jan!” Ang sabi ko kaya sumunod nalang sya at pumunta kay Jericho. Uhmmm... oo nga noh? Siguro nahihiya talaga si Valerie na ipakilala si Jericho sa akin dahil sa past namin ng ex bf ko noon. Kung iisipin ng maigi, ayoko talagang nakakakita ng mga mag bf kaya ayaw ipakilala ni Valerie sa akin dahil ayaw nya sigurong masaktan ako at maalala ang past ko. Hahaha matagal nakong nakamove on dun sa b*liw na yun kaya ayus nang magpakilala si Valerie kasi hindi na ako affected. Palaging nasa bahay si Jericho kaya palagi rin akong ilag sa kanya. Palagi nyang hinahatid sundo si Valerie at palagi rin syang nagpapadala ng mga kung ano ano sa kapatid ko. Akala tuloy ng mga kapitbahay namin, magkalive in na sila Valerie at Jericho. Pero ang totoo, maglilive palang. Almost 3 months nang ganun yung sitwasyon nilang dalawa. At aaminin ko mismo na, naiinggit ako kay Valerie to the point na, sana magkaroon rin ako ng ganyang boyfriend. Yung sweet sa public at private. Yung maalaga, maasikaso. Oo na lahat lahat na, na kay Jericho. Kaya nga naiinggit ako e. Naiinggit ako kay Valerie. Mabilis na lumipas ang ilang buwan at naging isang taon na silang dalawa. Wala paring pinagbago, katulad pa rin sila ng dati. At habang tumatagal, hindi ko man maamin sa sarili ko pero pakiramdam ko. Nahuhulog na ang loob ko kay Jericho, alam kong mali pero nararamdaman ko na e. Hindi ko na napigilan. Sa araw-araw na nakikita't nakakausap ko siya. Dun ko lang narerealize na ang swerte ni Valerie. Dun ko lang narerealize na, nahuhulog na ako kay Jericho. Sa mga ngiti nya, sa tawa't kilos. Lumalambot ang pakiramdam ko at napapaisip na, ‘Sana, ako nalang si Valerie’. Kesa sa sabihin ko, mas pinili ko nalang na itago at kimkimin ang nararamdaman ko kasi alam ko namang mali to. Maling nagkagusto ako sa boyfriend ng kapatid ko. Pero mahirap diktahan ang puso, kaya hindi mo mapipigilan sa pagtibok. Nandito ako ngayon sa parke. Maghahating gabi na rin. Wala na akong nakikitang ibang tao bukod sa mga bituin. Ang ganda nilang pagmasdan. Pansamantalang nawala ang itinatago ko dahil sa ganda ng mga nasasaksihan ko. Biglang nag sink in sa utak ko, ganto nga pala kami nagsimula ng ex kong si Max. Ganto kami nagkakilala, at ganto rin kami naghiwalay. Ang saklap lang kasi, niloko nya ako. Bigla nalang syang nawala tapos nalaman kong kasal na sya. Ang saklap lang kasi, akala ko sya na yung the one para sa akin. Kaso hindi pala, hindi sya ang the one for me. Nakatingala lang ako sa langit at pinagmamasdan ang mga naggagandahang mga bituin ng maramdaman kong may tumabi sa akin. At nang lingunin ko, si Jericho. Typical na Jericho na bf ng kapatid ko. Ang lalaking minahal ko na. Nandito na sya sa tabi ko. Nakangiti ito sa akin. Ibinalik ko ang tingin ko sa taas. Tumingala rin sya sa langit. “Ang ganda nila diba?” tanong ko habang hindi ko inaalis ang tingin ko sa langit. “Oo nga e, para silang ikaw!” Sagot ni Jericho kaya napalingon ako sa kanya ng wala sa oras. “Ha-huh?” nagtatakang tanong ko. “Ha? Hahahaha sabi ko oo ang gaganda nila!” Sagot nya. Kaya napahinga ako ng malalim, akala ko kung ano na. “Nasan si Valerie? Bat mag-isa kalang dito?” tanong ko. “Nasa bahay nyo si Valerie. E ikaw ba, bakit nandito ka mag-isa? Gabi na ah! May hinihintay ka ba?” sunod sunod na tanong nya. Napailing iling ako. “Wala, wala akong hinihintay. Gusto ko lang munang lumagay sa tahimik. Gusto kong mapag-isa, at magpahangin na rin.” Sagot ko sabay ngiti sa kanya. “Ahh,” Ilang minuto rin ang lumipas at walang gumawa sa amin ng ingay. Tahimik lang kaming pareho at walang kibuan sa isa't isa. Ayoko ng ganto, ayoko ng tahimik. “May itatanong sana ako sayo Jericho since open ka na tungkol sa gantong usapin.” Ang sabi ko. “Sige lang, ano ba yun?” tanong nya. “Hmmm.. paano mo sasabihin sa taong mahal mo na mahal mo sya ng hindi mo sinasabi sa kanya na mahal mo sya?” tanong ko sa kanya. “Simple lang, ipakita mo. Wag mo lang bastang ipakita, iparamdam mong mahal mo sya at mararamdaman nya yun.” Sagot nito sa akin. Sana nga ganun kadaling ipakita at iparamdam sayo na mahal kita. “Hmmmm.... paano mo naman ipaparamdam sa taong mahal mo na mahal mo sya ng hindi mo to pinapakita sa kanya?” tanong ko ulit sa kanya. Gusto kong sa kanya manggaling ang lahat ng mga katanungan ko. “Mukang mahirap pero sa efforts at pakiramdaman. Jan mo sa kanya maipaparamdam na mahal mo sya,” sagot ulit nito sa akin. Napa nod nalang ako at ngumiti. “....bakit mo pala natanong?” tanong nya na ikinakaba ko. “Ah, wala lang. Gusto ko lang itanong kasi gusto(kita) ko lang.” Sagot ko. Namayani na naman ang katahimikan. Ilang minutong ganoon. Medyo nakakaramdam na ako ng kakaiba. Actually, kanina ko pa to nararamdaman, simula nung dumating si Jericho. Ayoko lang ipahalata at ayokong lang pansinin. Pero kakaiba ngayon, mas lalo kong naramdaman. At lalong nakumpirma ang nararamdaman ko ng hawakan ni Jericho ang mga kamay ko. Nagulat ako sa ginawa nya, inaasahan ko ng gagawin nya yun pero hindi ko naman alam na gagawin nya talaga. Nag assume lang ako, malay ko bang magkakatotoo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.6K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.5K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook