______________
•Jericho's POV•
Isang taon nalang at makakasama ko na si Elaine. Sana lang talaga at napatawad na nya ako. Pinapangako kong hindi ko na sya muli pang sasaktan.
Nandito ako ngayon sa bahay nya. Tinawagan kasi ako ni Sunday na kakausapin daw sya ni Elaine.
“Nakausap mo na ba si Elaine? Ano kamusta raw ba sya?” tanong ko.
“Easy.... hindi ko pa nakakausap si Elaine. Mamaya pa yun tatawag at busy sa trabaho.” Sagot ni Sunday.
Narelieve ako, akala ko tumawag na.
“So, kumusta si Valerie? Kinukulit ka pa ba nya?” tanong ni Sunday.
Umiling ako. “Hindi na nya ko kinulit. Two years ago na nung huling pagkikita namin. Ang huling balita ko sa kanya, umalis na daw ng bansa at pumunta sa Ukraine. Sabi ni tita Gema.” Sagot ko.
Si tita Gema, yung mama ni Valerie at step mom ni Elaine.
Habang naghihintay kami ng tawag galing kay Elaine. Nagpahinga muna kami.
Makalipas ang ilang oras na paghihintay namin. Sa wakas, tumawag na si Elaine.
“Jericho, on calling na si Elaine!” Sabi ni Sunday.
Kaya tumabi ako sa kanya. Inoff na muna nya yung camera at voice.
“Hello Sunday?” rinig kong sabi ni Elaine.
Namiss ko yung boses nya.
“Wag kang maingay kapag i-on ko na to ahh. Kapag nag-ingay ka, sasapakin kita.” Taas kilay na sabi ni Sunday.
Tumango lang ako kaya i-on na nya yung camera at voice.
“Hello Elaine. Ano, kamusta ka na jan? Oyy yung palagi kong sinasabi sayo. Yung pasalubong ko ahh!” Sabi ni Sunday.
“Hahaha malilimutan ko ba yung para sayo.” Sabi ni Elaine.
“Ano, kamusta ka na ba jan? Wag kang papagutom jan at masasampal kita kapag nagpagutom ka jan!” Pagbabanta ni Sunday.
Tumawa si Elaine. Na-miss ko yung mga tawa nya. Pinagmamasdan ko lang sya dito sa video call pero, hindi pa rin kumukupas yung kagandahan nya. Mas lalo pa syang nag glow.
“Opo madam. Ayos lang ako dito hahaha.” Sabi ni Elaine.
“Ano, isang taon nalang. Babalik ka na dito. Handa ka na bang harapin ang dadatnan mo dito? Handa ka na bang magpatawad?” seryosong tanong ni Sunday.
“Ano bang dadatnan ko jan? E ikaw lang naman hahaha. Saka magpatawad? Siguro oo at hindi.” Sagot ni Elaine.
“Anong oo at hindi?” tanong ni Sunday.
Kahit ako, gusto kong itanong. Bakit oo at hindi?
“Oo, siguro napatawad ko na sila. Hindi dahil hindi pa rin nawawala yung sakit ng nakaraan hahaha.” Natatawang sagot ni Elaine.
Napaisip ako. Siguro, hindi pa rin nya makalimutan ang ginawa ko sa kanya. Pero, ayos na rin atleast alam kong nasa maayos lang sya.
“Elai-” naputol ang sasabihin ko ng kurutin ako ni Sunday.
Nakalimutan ko, hindi nga pala alam ni Elaine na nandito ako.
“Sino yang nagsalita?” tanong ni Elaine.
Kinabahan ako, maging si Sunday. Masama ang tingin sa akin.
“Ahh wala, baka guni-guni mo lang yun.” Sagot ni Sunday.
Nag peace sign ako at nagsorry kay Sunday. Tumango naman sya at tinuloy ang pakikipag-usap kay Elaine.
______________
•??????'? ???•
Sino kaya yung kasama ni Sunday? Parang hindi ko lang guni-guni yung narinig ko. Pakiramdam ko may kasama sya.
“Eh si Jericho, kaya mo pa ba syang tanggapin sa buhay mo?” biglang tanong ni Sunday.
Bigla akong nakaramdam ng kaba. Nakakaasar, pinaalala na naman ni Sunday yung bwiset na yun.
Hindi ako makasagot, dahil ano bang isasagot ko? E hindi pa ko sigurado sa isasagot ko. Hindi ko alam kung napatawad ko na ba talaga sya o hindi pa. Ewan, hindi ko talaga alam.
“Oyy, ano. Napatawad mo na ba?” tanong ulit ni Sunday.
“What? Okey okey i'm there. Wait a minute. Bye na Sunday. Bukas nalang ulit tinatawag na ko.” Pekeng sabi ko kasabay ng pag off ko ng call.
Napaayos ako ng upo. “Napatawad ko na nga ba sya? Arghhh, hindi ko alam.”
Bumalik ako sa ginagawa ko. Pansamantala akong nagsusulat, nililibang ko ang sarili ko habang day-off ko pa. Kapag day-off ko kasi, nagsusulat lang ako. Imbes na isipin ko ang mga problemang iniwan ko sa pinas, ginugugol ko nalang sa pagsusulat.
“You're my destiny. Yan, ang gandang title.” Ang sabi ko.
Hawak-hawak ko ang isang notebook kung saan ako nagsusulat. Kung saan ko sinusulat ang kwento ng isang babaeng nasaktan at niloko. Isang babaeng bumangon at pinakitang sya yung babaeng sinayang ng isang napakawalang kwentang lalaki. Tungkol ito sa isang relasyong hindi na masaya. Pero nahanap muli ang pagmamahal nila sa isa't isa.
Pinapakita ditong minamahal ang mga babae at hindi sinasaktan. Na dapat inangatan ang babae at wag sayangin ang pagmamahal na ibinibigay ng mga ito. Malapit ko na tong matapos. Last chapter nalang at maku-kumpleto ko na ang buong kwento.
“She loves and she'll be loved.”
Pero, mangyayari kaya sa akin to sa totoong buhay? SHE LOVES AND SHE'LL BE LOVED.
Tumulo na naman ang luha ko. Hindi ko alam kung bakit. Parati nalang to nangyayari sa akin sa tuwing iniisip ko yung ginawa ni Jericho sa akin. Five years ago na, pero sariwa pa rin ang lahat. Parang kahapon lang nangyari. Mali, parang ngayon lang. Tama, parang ngayon lang nangyari. Kasi sariwa pa rin ang sakit. Parang hindi ko malilimutan yung salitang GINAMIT.
“Isang taon nalang, at makikilala nyo na ang bagong ako.” Bulong ko sa sarili ko.
______________
•???????'? ???•
“Ahhhhhhhhhhhhyieeeeeeee!” Napatalon ako ng tumili si Sunday.
Dali-dali akong pumasok sa bahay at kinamusta si Sunday
“Sunday, ano bang nangyari?” tanong ko.
Bigla syang ngumiti at nagtatatalon sa tuwa. Naguguluhan man, tinanong ko sya.
“Bakit?”
Lumapit sya sa akin at yumakap. “Darating na yung araw na pinakahihintay mo. Ahhhyyieeee!”
Bigla akong nakaramdam ng saya. “Bakit nga ba?”
“Si Elaine, uuwi naaaa!” Malakas na tili ni Sunday.
Nagtatatalon sya kaya nakitalon na rin ako. Sa wakas, makikita ko na sya at maipapaliwanag ang lahat.
“Teka, kelan ba?” tanong ko.
“Sa susunod na buwan pa naman, pero ahhhhh... darating na sya eksayted na ako!” Sagot ni Sunday.
Napangiti nalang ako. Ayos lang kahit sa susunod na buwan pa ang uwi nya. Atleast uuwi na sya. After five years, sana maging worth it ang paghihintay ko. Masaya akong makita syang muli.
*******
Papunta ako ngayon sa bahay ni Elaine. Binalita na kasi sa kin ni Sunday na nakauwi na raw si Elaine. Nung isang araw pa. Kaya balak kong pumunta para makikamusta.
“Long time no see.” Bungad na sabi ni Elaine nang sya yung magbukas ng pinto.
“He-hello. Lo-long time no see rin.” Sabi ko.
“So, bakit ka nandito?” tanong nya.
Magsasalita na sana ako ng biglang sumingit si Sunday.
“Hihihi, pinapunta ko sya dito para makita ka nya.” Sabi ni Sunday.
Tumingin ng masama si Elaine kay Sunday. Nag peace sign ito at bumalik sa loob.
“Okay pasok na. Total nandito ka na lang rin naman.” Bored na sabi ni Elaine.
Kahit naiilang ako, pumasok ako. Pinaupo nya ako sa sofa at inabutan ng juice.
“Salamat.” Ang sabi ko.
Ngumiti lang si Elaine.
?????? ????????? ????, ??????. ??????? ?? ?? ???. ??-???? ????.
“Oyyy Elaine. Baka sabihin mong lumalandi lang ako dito sa bahay mo habang wala ka. Big no ahhh. Nagbabantay lang ako dito.” Ang sabi ni Sunday ng tingnan kami ni Elaine.
“Alam ko yun. Mapagkakatiwalaan naman kita eh.” Sabi ni Elaine.
“Labas lang ako ahh, dyan muna kayong dalawa.” Pagpapaalam ni Sunday.
Lumabas muna sya. Ngumiti sa kin si Elaine. Gumanti ako ng ngiti.
“Kamusta ang trabaho sa New York?” tanong ko.
“Heto, after five years. Nakalimot na rin. Ikaw? Kamusta ka naman at kayo ni Valerie?” tanong nya sa kin pabalik. Nakangiti pa rin sya.
Umiwas ako ng tingin sa kanya. “Ayos lang naman ako pero, wala na kami ni Valerie. Matagal nang wala.” Sagot ko.
“Awww, bakit kayo naghiwalay? Nagsawa ka ba sa kanya?” tanong ni Elaine.
“Hindi. Naghiwalay kami kasi nalaman kong ginamit nya lang ako para makuha ang bahay sayo.” Sagot ko.
Nagbigay ng oa na reaksiyon si Elaine. “Aray, ang sakit non. From the word GINAMIT. Parang deserve mo naman hahahahaha.”
??, ??????? ??.
Naiilang pa rin ako kay Elaine. Siguro dahil five years na ang nakalipas mula ng magkita kami.
“Mahal mo pa ba ko?” diretsong tanong ko sa kanya.
Ayoko nang magpatumpik tumpik pa.
“Sorry, what did you say?” tanong nya.
“I said, mahal mo pa ba ko?” tanong ko ulit.
Hindi sya nakasagot. Iniiwas nya ang tingin sa akin at nagkunwaring walang narinig. Inilagay nya ang earphone sa tenga nya.
Inalis ko yun at hinala sa kanya.
“Ano bang problema mo?” tanong nya.
“Hindi mo sinasagot yung tanong ko. Mahal mo pa ba ko?”
“Hindi ko alam!”
“Panong hindi mo alam? Oo o hindi lang!”
“Hindi ko nga alam!”
“Ano, mag iiwasan nalang tayo neto ha? Ano wala ka nang nararamdaman sa akin?”
“SIGE, GUSTO MONG MALAMAN? HINDI NA KITA MAHAL!” Sagot ni Elaine.
Nabitawan ko sya at napatulala sa narinig kong sagot nya.
“Matagal ko nang itinigil ang pagmamahal ko sayo. Shempre sino ka ba para i-keep? E simpleng lalaki kalang naman na sinaktan ang babaeng katulad ko!” Dagdag pa nya.
“Elaine, i'm sorry. I'm really really really sorry. Hindi naman talaga totoo yung mga sinabi ko sayo noon. Hindi naman talaga kita inuto at ginamit. Siguro nung una, oo pero nung tumagal. Minahal na kita!”
“Wow, nung una. So inaamin mong inuto at ginamit mo lang ako? Oh anong nangyari sa pag uuto at paggamit mo sa akin? Anong napala mo?”
“Wala. I'm sorry Elaine. Ipapaliwanag ko ang lahat lahat. Si Valerie ang may plano ng lahat. Balak nyang kunin sayo ang pamana ng papa mo. Yung bahay. Gusto ka nyang mamatay para makuha ang bahay sayo. Ginamit nya ako para magawa mong magpakamatay.” Paliwanag ko.
“Nagpakamatay ba ko? Ano ako tanga tanga lang na magagawang magpakamatay dahil sa isang lalaki? Pwes, nagkakamali ka!”
“Si Max......” Putol ko.
“Anong kinalaman ni Max dito?” tanong nya.
“.... si Max. Ginamit lang rin ni Valerie. Binayaran si Max para magpakasal sa babaeng hindi nya mahal. Ginawa nya yun para magawa mong magkamatay. Ako at si Max ay pareho nyang ginamit. Nang hindi mo nagawang magpakamatay sa ginawa ni Max. Ako yung sunod nyang ginamit!” Paliwanag ko pa.
“Planado. Ang galing nyo!”
“Please Elaine. Makinig ka sa akin. Minahal talaga kita. Mahal na mahal kita!” Ang sabi ko, kasabay ng pagsunggab ko sa kanya ng halik.
Isang matamis na halik ang ibinigay ko sa kanya. Halik ng isang nangungulilang labi. Halik na muli ko na namang naramdaman ang pagdampi ng labi nya.
Itinulak ako ni Elaine palabas ng bahay.
“Wag ka ng magpapakita sa akin!” Sigaw nya kasabay ng pagsara ng pinto.
“Elaine please, pakinggan mo naman ako.” Pagsusumamo ko.
Biglang dumating si Sunday na gulong g**o sa nangyayari.
“Anong nangyari?” tanong nya.
Hindi na ko sumagot at umalis na.
Babalik ako, hindi masasayang ang limang taong paghihintay ko sayo Elaine.