______________
• Elaine's POV•
HAHAHA ang saya ng Anniversarry namin ni Jericho. Ang ganda ng best gift ni Valerie sa akin. Sobrang saya ko talagang uto uto ako. Sobrang saya kong naloko ako. Sobrang saya kong hindi ako mahal ni Jericho. Sobrang saya ko promise, mamatay man silang dalawa.
Masama ang loob ko sa kanilang dalawa. Especially for Jericho. Hindi ko inexpect na gagamitin nya lang ako. For what? I mean, bakit? para saan? May ginawa ba kong mali o masama o sadyang uto uto lang talaga ako? Kasi hindi ko talaga alam kung anong pagkakamali ko. Yes i know na manloloko kami ni Jericho pero hindi ko naman alam na yung niloloko namin ay may alam. Unless, binuko ni Jericho.
Yeah, i have a trust issues'ess na nadagdagan pa nang malaman kong ginago at GINAMIT lang pala ako ni Jericho. Yung katiting na tiwalang kaya kong ibigay sa isang tao, ngayon nawala na. Now, i realized. Trust may been broke once na masira mo 'to. At pinatunayan yun ni Jericho.
Pabagsak kong sinara ang pinto ng bahay ko. Dito muna ako pansamantalang titira habang nagpapalamig pa ko ng ulo at kakalimutan ang mga nangyari ngayong araw na to.
“Oh God! This day is so bad day for me!”
Ibinagsak ko ang katawan ko sa napakalambot kong kama. Bahay na to, pagmamay ari ni papa. Ipinamana nya nalang sa kin since ako yung panganay. Ang akala kong sagabal sa aking bahay ay sya palang magliligtas sa akin ngayong ayokong umuwi sa bahay namin. Sa totoo lang, ayoko na talagang umuwi sa bahay ni mama.
Muli ko na namang naalala yung nangyari kani-kanina lang. Yung ginawang panloloko nila Jericho at hipokritang step sister kong si Valerie. Akala ko talaga hindi sya katulad ng mga chismis na kumakalat tungkol sa kanya. Na isa syang spoiled brat na walang ginawa kung di gumawa ng g**o. Akala ko mabait sya at hindi katulad ng iba. Mali pala ako, maling nagpapasok ako sa buhay ko ng isang step sister.
Nangilid ang mga luha ko sa gilid ng mata ko. Nagsisimula na namang bumuhos ang mga grupo ng mga luha ko.
Actually, ako naman talaga yung dapat sisihin dito. Kasi nga uto uto ako tapos nagkagusto ako sa boyfriend ng step sister ko na hindi naman talaga dapat. Alam ko naman, tanggap ko naman yung mga salitang ibabato sa akin ni Valerie kapag nalaman nya yung totoo. Pero hindi ko inasahan na ako yung hindi makakatanggap sa mga salitang binato nya sa kin.
“????, ???? ???. ?????? ???? ???. ?????? ?? ?? ??????? ????? ?? ????? ?????? ??? ?????, ???????? ?? ?????. ????????, ?? ?????. ??? ??????, ????? ?? ?? ?? ?????? ?? ???????? ??? ?? ???????? ??????? ?? ??, ?????? ?? ?? ??? ?????? ???, ????? ?? ????? ?????? ????? ?? ???????. ????????? ?? ???? ????? ?? ????? ??. ?? ?????????? ?? ?????. ?????? ?? ???? ??? ????????, ??? ????? ????? ???. ???? ??????? ????? ?? ?????? ??????? ?? ??? ???????”
Deserve ko bang masaktan ng ganito? I mean, masaktan ng sobra? Pwede sana kung sa physical pero emotional, i dont think so. Masakit sa akin ang mga salitang binato ni Valerie. Masakit ang salitang ??? ???.
“?'? ????? ?????? ????? ???????? ???? ????? ????? ?????? ???? ??????? ?, ???? ??????? ???? ????.”
Tuluyan ng lumandas ang mga grupo ng luha ko ng maalala ko ang mga salitang binitawan ni Jericho. Masakit ang salitang ???????.
Gusto kong tanungin si Jericho kung ano ba yung pagkakamaling ginawa ko? Naging mabuting (kabit) gf naman ako sa kanya ah? Lahat ng gusto nya, ginagawa ko. Hindi pa ba yun sapat? O sadyang ginamit lang talaga ako?
Kinuha ko ang unan sa paanan ko at niyakap ito ng napakahigpit. Kung kaya ko lang bang ilabas ang sakit at galit na nararamdaman ko ngayon. At kung nakakausap ko lang siguro to, malamang hindi na ko umiiyak ng ganto. Kasi may napagkwe-kwentuhan na ako ng nararamdaman ko ngayon.
Sa unan ko ibinuhos ang nararamdaman kong sakit ngayon. Pinagsusuntok ko to at saka pinagtatadyakan.
???????? ????...
“Bwiset kang Valerie ka. Walang hiya kang Jericho ka. Magsama kayo mga t*ng *na!”
“ArghhhhhhHHHHHHHHHHH!”
Di ko na mapigilan ang sarili ko sa nararamdaman ko ngayon. Sobrang sakit kasi. Yung sakit na kahit hindi mo naramdaman sa katawan mo, ramdam mo naman sa kaloob looban mo. Pinagbabato ko ang mga gamit na ibinigay sa akin ni Jericho. Daig ko pa ang legal na gf. Wala na kong pake kung may mga memories ito sa aming dalawa ni Jericho. Ang mahalaga mawala sa paningin ko ang mga walang kwentang bagay na to!
Tumutulo pa rin ang mga luha ko ng sunugin ko lahat ng mga ibinigay ni Jericho sa akin. Mga regalo, litrato at mga bagay na nagpapahalaga patungkol sa kanya. Naluluha ko yung ibinato sa nagliliyab na apoy at pinanood na masunog.
“? ???? ??? ??????. ???????, ? ???? ????? ???? ???.”
Salitang nakasulat sa likod ng picture. Isang salitang hindi naman natupad. Nilukot ko yun at itinapon sa basurahan. Pumasok na ko at sinara ang pinto.
______________
•???????'? ???•
“Malamang sa malamang. Umiiyak na yung step ate ako ngayon at nagbabalak ng kitilin ang sarili nyang buhay! Mabuti nga yun ng wala na akong problemahin para maagaw yung bahay na ipinamana sa kanya ni papa. Na kung bakit pa kasi sa step ate ko pang mang aagaw ibinigay yung bahay, na kung bakit hindi nalang sa akin. Pero alam kong hindi na tatagal ang buhay ni step ate at magiging akin na yung bahay.” Natatawang sabi ni Valerie habang hawak hawak ang isang baso na naglalaman ng alak.
Sa totoo lang kasi, nakokonsensya ako sa ginawa ko, namin! Nakokonsensya ako sa mga salitang binitawan ko kay Elaine. Minahal ko naman talaga sya. Siguro nung simula hindi ko talaga sya mahal at planado lang talaga ang lahat pero nang tumagal at marealize kong mahal ko na sya. Naisip kong itigil na yung plano ni Valerie. Pero hindi ko nagawa, dahil alam ni Valerie ang bawat kilos ko.
“Bakit ba gustong gusto mong makuha yung bahay kay Elaine? Pamana ng papa nyo sa kanya yun 'di ba?” tanong ko.
“Well, hindi lang kasi basta bahay yun. Dun tayo titira, sige ahh isipin mo. In the future, bukod sa malaki ang bahay. Magiging worth it ang pagtira natin dahil pwede nating ibenta yun. Kikita pa tayo!” Sagot ni Valerie.
“Bakit hindi nalang yung pinamana sayo ng mama nyo? Dun, ayos lang naman!” Ang sabi ko.
“Ayoko kaya dun. Ang sikip sikip saka ang dumi dumi bukod pa dun ang liit liit ng espasyo ng bahay. Nakiusap na ko kay Ate Elaine na pwede bang magpalit nalang kami ng mana. Ayun ayaw! Kaya napilitan akong gawin ang plano! Dapat talaga matagal ko nang nakuha yung bahay. Dapat matagal nang namatay si step ate. Edi sana, hindi na ko nagkakaganito.” Ang sabi nya.
Nangunot ang noo ko. Dapat matagal ng patay?
“Anong ibig sabihin mong dapat matagal ng patay?” tanong ko.
Umayos sya ng upo at humarap sa akin. Tumikhim muna sya bago nagsalita.
“Nagplano na ko dati pa. Yung tungkol kay Max. Yung ex ni Ate Elaine. Nagkahiwalay sila dahil sa akin. Binayaran ko si Max at inutusang magpakalayo layo at gulatin si ate isang araw na ikakasal na sya. Ayun, sobrang nasaktan si ate Elaine. Hahahaha, expect ko nga magpapakamatay na sya e. Pero hindi sya nagpakamatay. Kung di ginugol ang oras sa pagbabasa at pagsusulat para matakasan ang katotohanan! Kaya ngayon, dumating ka. Ikaw ang instrumento ko para maagaw ko ang bahay sa kanya. Kaya sigurado ako ngayon na sa mga oras na to nag iisip na syang magpatiwakal at wakasan ang buhay nya.” Ang sabi ni Valerie habang pinaglalaruan ang basong hawak nya.
Para akong binuhusan ng napaka lamig na tubig. Yung lamig na mararamdaman mo kapag wala ka ng nararamdamang kahit katiting na init? Napatulala ako sa mga sinabi nya.
Instrumento? Ibig sabihin ba nito, ginamit nya lang ako para mapasa kanya ang bahay na ipinamana kay Elaine?