Luisa
Ibinaba ako ng itim na van sa isang lugar na walang katao tao at tila ba wala ring masasakyan. Bago nila ako binaba, tinanggal nila ang piring ko at ang tali sa likod ko. Nasa akin pa rin naman ang bag ko, wala naman silang kinuha na kahit ano sa akin. Ngunit habang naglalakad ako sa lugar na hindi ko alam saan ako pupunta, umiiyak ako habang sinasariwa muli ang mga nalaman ko.
“Ang ganda ng palabas diba?” Sabi ni Alex habang pinapanood ko sa monitor ng laptop niya ang kuha sa cctv na nasa isang kwarto. Naka upo ang nanay, tatay at mga kapatid ko sa isang upuan. Lahat sila ay nakapiring ang mga mata at naka tali ang mga kamay. Umiiyak kong binalingan si Alex.
“Anong kailangan mo sa akin Alex?” Baling ko dito habang patuloy lang ang pagiyak.
“Simple lang” tumayo ito saka lumapit sa akin.
“Gamitin mo lang ang ganda mo para makakuha ng impormasyon sa operasyong gagawin ng manliligaw mong si Dexter” nagtataka ko itong binalingan.
“Ano ang kinalaman dito ni Dexter?” Tanong ko dito. Agad nitong kinuha ang buhok ko saka sinabinutan, inilapit din nito ang mukha sa akin saka nagsalita.
“Bobo ka ba? Hindi mo alam kung ano yang lalaking kinababaliwan mo?” Sabi nito na tila ba gigil na gigil.
“Wala akong alam sa sinasabi mo” sagot ko dito. Padaskol nitong binitiwan ang buhok ko at bumalik sa kanyang upuan. Muli itong naupo.
“Si Dexter ay isang miyembro ng organisasyon na kasapi ng FBI” sabi nito. Tinignan ko lang ito na may halong pagtataka.
“Siya lang naman ang isa sa pilit na tumutugis sa grupo namin” patuloy nito.
“Kasama nang babaeng matagal ko nang pinagpapantasyahan” tinignan ko ito ng may pagtataka. Napatingin din ito sa akin saka tumawa ng malakas.
“Akala ko ba matalino ka?” Patutsada pa nito sa akin. Nanatili lang akong tahimik.
“Hindi mo alam? Yung best friend mong si Charice, kasama ni Dexter sa organisasyon. Parehas silang agent ng FBI” nagulat ako sa rebelasyong sinabi ni Alex sa akin. Kaya ba sila nagkikita ni Dexter? Kaya ba hindi masabi ni Dexter kung ano ang relasyon nila ni Charice ay dahil ayaw nilang may makaalam ng uri ng trabaho nila.
“Charice” bulong ko.
“Oh diba, wala kang alam. Ako pa nagbalita sayo, inutil” bulyaw nitong muli.
“Ano ba ang kailangan mo sa akin?” Muling tanong ko dito.
“Simple lang, una sasabihin mo sa akin ang mga ginagawa ng grupo ni Dexter. Ipapaalam mo sa akin lahat ng operasyon nila lalo tungkol sa grupong Black Spider Gang” mataman ko lang itong pinakikinggan. Tumayo ito saka lumapit sa akin.
“Pangalawa, kailangang mapasakamay ko si Charice. Hindi siya pwedeng mapunta sa iba. Sa akin lang siya, naiintindihan mo ba huh? Sa akin lang si Charice” sigaw nitong muli sa harap ko habang muli nitong hinablot ang buhok ko.
“Hindi ko gagawin yan, patayin mo na lang ako” tumawa ito ng malakas saka bumalik sa kanyang upuan.
“Boys” may niradyo ang isa sa tauhan nito hanggang sa makita ko sa screen ng laptop nito na may mga lalaking nakatutok na baril sa pamilya ko.
“Bago kita patayin, uunahin ko muna sila. Diba mas masaya yun?” Bumunghalit muli ito ng tawa.
“Ang sama mo” ngunit patuloy lang ito sa pagtawa.
“Huwag kang magalala, alam kong inaasahan ka ng pamilya mo. Kaya naman ang gagawin natin, magpapadala ako ng pera sa kanila kabayaran sa serbisyong gagawin mo” patuloy nito.
“Oh diba, hindi ko na sila papatayin, susuntentuhan ko pa. Ang bait ko diba” muli itong ngumisi.
“Hindi ka aalis ng bansa upang magtrabaho sa isang international airlines. Magpapanggap ka lang pero ang totoo nandito ka lang at kukuha ng impormasyon” nagulat ako na pati iyon ay nalaman nito.
“Di ba alam ko, gulat ka noh! Hahahaha matalino kasi ako” pagbibida pa nito sa sarili.
Kahit labag sa loob ko ang gagawin, napilitan akong mapapayag sa kagustuhan ng mga ito para sa pamilya ko.
“Isang pagkakamali mo lang Luisa, mamamatay ang pamilya mo. May mga tauhan akong nakabantay sa kanila bente kwatro oras. Isang tawag ko lang, patay silang lahat” sabi pa nito. Sumenyas ito sa tauhan niya saka ako hinila palabas ng kwarto at ibinalik sa sasakyan.
Patuloy ako sa pagiyak hindi lang dahil sa mga nalaman ko tungkol kay Dexter at Charice, maging ang mga bagay na pinagagawa sa akin ni Alex.
“Dexter” sambit ko sa sarili habang patuloy na umiiyak.
“Charice” sambit ko rin sa pangalan ng kaibigan ko.
“Nay, tay, anong gagawin ko?” Patuloy akong humagulgol sa isiping nasa panganib ang buhay ng pamilya ko ngayon. Nakasasalay sa akin ang mga buhay nito.
Tumunog ang cellphone ko hudyat na may nagpadala ng mensahe. Nang tignan ko ito. Pangalan ni Charice ang rumehistro.
“Friend, punta ka sa bahay bukas. Celebration ng graduation ni Chesca” habang binabasa ko ang mensahe ni Charice, patuloy ako sa pagiyak. Hindi ko kayang traydurin ang kaibigan ko. Hindi ko sila kayang saktan pero paano naman ang pamilya ko? Paano ko sila maliligtas?
Tumunog muli ang cellphone ko, nang makita ko kung sino ito. Si Dexter ang tumatawag. Muling tumulo ang luha ko sa isiping paano ko ito muling haharapin kung ngayon ay iba na ang pakay ko dito? Handa ko ba itong paglaruan matapos nito masabi ang nilalaman ng puso nito? Paano kung malaman niya ang totoo na eto ako ngayon, handang mag traydor laban sa kanya. Alam kong hinding hindi ako nito mapapatawad. Ngunit paano?
Inayos ko ang sarili at pinakalma ang dibdib ko. Sinagot ko ang tawag ni Dexter.
“Where are you?” Bungad na tanong nito sa akin.
“Ahm, nagpapalamig lang” sagot ko dito.
“Nasan ka? Pupuntahan kita” inilayo ko ang cellphone at pilit pinigilan ang luhang muling papalabas na.
“Kailangan kong mapagisa” sagot ko dito.
“Luisa please, I’m so f*****g worried right now. Please tell me where are you” pagmamakaawa ni Dexter sa kabilang linya. Pinilit kong huwag ipahalata na umiiyak ako. Tumingin ako sa paligid, hindi ko rin alam kung nasaan ako. Hindi ko rin alam ang isasagot kay Dexter.
“Luisa” muling sabi nito sa kabilang linya.
"Huwag na, pupuntahan na lang kita. We need to talk” saka ko pinatay ang cellphone. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa may matanaw na mga sasakyan. Inumpisahan kong magtanong tanong hanggang sa magulat ako, nasa pampanga na pala ako.