Chapter 11

1134 Words
Luisa Ilang araw ang nakalipas, walang Dexter ang nagparamdam matapos ang huling punta nito sa condo unit ko. Sinusubukan ko itong tawagan pero nakapatay ang cellphone nito. “Nakakainis na siya ah” sabi ko habang pilit ko pa ring dina dial ang number niya. Sinusubukan ko rin itong itext ngunit wala rin itong reply. Naguumpisa nang bumalot ang galit dito sa puso ko sa ginagawang pangbabalewala ni Dexter sa akin at sa feelings ko. Hanggang isang araw, tumunog ang cellhpone nito. Naka limang tawag ako bago ito sumagot. “Nasan ka?” Sabi ko dito na may halong galit. “Nasa bahay” sagot nito. Pinatay ko ang tawag saka ako agad pumunta sa tinutuluyan nitong unit. Kumatok ako sa pinto hanggang sa pagbuksan ako nito. Dire diretso ako sa loob ng bahay nito saka tumayo habang nakasunod lang ito sa akin. “Ano ba ako Dexter?” Pauna ko dito. Tahimik lang itong nakikinig. “Ano ba ako huh? Sumagot ka. Ano ba ako?” Muling baling ko dito habang naguumpisa nang mamuo ang galit sa dibdib ko. Bahagya na ring tumataas ang boses ko. “Luisa” sa malumanay nitong sagot. “Sumagot ka, ano bako?” Binato ko ang hawak kong bag sa sofa nito. Tinignan niya lang ito. “Isang araw magpapakita ka, na parang ang sweet sweet mo, hahalik ka tapos biglang dedeadmahin mo na lang ako ng walang dahilan?” Tuloy ko. “Tapos kakatok ka sa pinto ng condo ko, hahalikan mo ako tapos sasabihin mo sorry?” Patuloy ko. Ngunit hindi pa rin ito sumasagot. Pinag krus ko ang braso sa dibdib habang naghihintay ng sagot dito. Ngunit matapos ang ilang segundo wala pa rin itong sagot, kinuha ko na ang bag ko saka ako umiling iling at naglakad palabas ng pinto. Pinigilan nito ang kamay ko ngunit pilit kong binawi ito at tinignan siya ng masama. Muli naglakad ako palabas ngunit muli niyang kinuha ang kamay ko and this time, dire diretso niya akong hinalikan sa labi. Inalalayan din niya ang ulo ko upang masigurong hindi ako makakapalag. Binuhos ko ang buong lakas ko upang marahas na itulak ito hanggang sa nakabitiw ito sa akin. “Ano bang gusto mo? Huh? Anong problema mo? Pinaglalaruan mo ba ako?” Sigaw ko dito habang unti unti nang dumadaloy ang luha sa mata ko. “No” tanging sagot nito. “Thẹn what’s this? Ano tong ginagawa mo sakin?” “I like you” sagot nito. Tinignan ko ito saka mapakla itong tinawanan. “You like me?” Sarkastiko kong sagot habang tinuturo ang sarili at marahas na punasan ang luhang dumaloy sa pisngi ko. Naghintay ako ng sagot ngunit hindi ito umimik. “Your kidding me” muli akong lumakad papalabas ngunit nagsalita ito. “Please believe me, i like you. I really really like you” napahinto ako habang hawak ang door knob ng pintuan nito. “From the moment i saw you the time i accidentally bump into you, that moment i know that i like you” Nanatili lang akong nakikinig dito hanggang sa naramdaman ko ang yabag nitong papalapit sa akin. “Until now, i like you, in fact I’m crazy for you” nang matagumpay itong nakalapit sa akin, hinawakan nito ang mga balikat ko saka ako pilit na iniharap sa kanya. “And i think, i know, i feel it, i love you” malamlam ako nitong tinignan hanggang sa naramdaman ko ang mga luhang naguunahang bumagsak sa pisngi ko. “I love you Luisa, the moment i saw you. Pinilit kong labanan kaya nakuntento na lang akong tinatanaw ka sa malayo” patuloy nito. Nagtaka ako sa sinabi nito. “Sinusundan mo ako?” Tanong ko dito na agad namang nitong sinangayunan. Tumango ito. “Kaya ba alam mo kung saan ako nakatira?” Muli itong tumango. Napailing iling ako. “Eh bakit ngayon mo lang sinasabi sakin ito?” Tanong ko muli dito. “For your safety” bumitiw ako sa pagkakahawak nito. Ito na naman siya, binibigyan na naman ako ng palaisipan. “Safety? Bakit?” Sagot ko “I’ll explain to you someday but please believe me, it’s for your own sake” patuloy na paliwanag nito. Tinignan ko lang ito saka hinawakan nitong muli ang mga kamay ko. “I’m sorry for being this to you, hindi mo lang alam kung gaano ako nagtitimpi na makasama ka. Gustong gusto kitang palaging nakikita but i know this is not the right time for that” “Eh kailan ang right time?” Agad kong sagot. Tumahimik ito. Binitiwan ko ang hawak nito sa kamay ko. “Hindi magwo work ang relationship na to kung hindi ka magiging tapat sa akin. I’m sorry” saka ko ito muling tinalikuran. “Luisa” habol nito sa akin. “Luisa please” patuloy akong lumabas ng condo niya at nagdire diretso sa elevator hanggang sa makababa ako ng building. Dire diretso ako hanggang sa makarating sa sakayan. Nang may mapadaang taxi, agad ko itong pinara. Mabuti at walang laman kaya nakasakay agad ako. “Diamond Tower po manong” tumango naman ang driver at nagumpisa na ngang magmaneho. Habang binabagtas namin ang daan patungo sa condo unit na tinutuluyan ko, may bigla na lang itim na van ang humarang sa sinasakyan kong taxi dahilan upang mapahinto ang taxi. May lumabas na mga armadong lalaki at pilit na pinababa ang driver ng taxi. Maya maya lumipat sila sa gawi ko at pilit akong pinapababa. “Sino po kayo?” Takot na takot kong sigaw ngunit nakatutok ang baril nito sa akin. Pinababa ako ng mga ito at pilit na pinasakay sa dala nilang van. Nang matagumpay akong maisakay, agad nila akong piniringan at itinali ang kamay ko sa likuran ko. “Maawa na po kayo sa akin, huwag niyo po akong sasaktan” pilit kong pagmamakaawa habang patuloy ako sa pagiyak. Naririnig ko ang mga lalaki na nagtatawanan. Ang isa ay may kausap sa cellphone nito. “Yes boss, papunta na po kami diyan” sabi ng lalaki. Naramdaman kong huminto ang sinasakyan naming van at pilit nila akong hinila pababa. Hawak hawak ako sa magkabilang braso ng dalawang lalaki habang hinihila nila ako. Narinig kong may sumarang pinto saka tila tumahimik ang kapaligiran. “Tanggalin niyo ang piring” sabi ng taong tila makapangyarihang nagsalita. Agad na may lumapit sa akin at tinanggal ang piring ng mata ko. Medyo malabo pa ang paningin ko kaya sinanay ko pa ang sarili sa paligid hanggang sa matagpuan ko ang lalaking nakaupo ngayon sa kanyang swivel chair. Napasinghap ako ng makilala ko kung sino ang lalaki na ito na ngayon ay malaki ang ngiti sa akin. “Long time no see” sabi ng lalaki sa akin. “Alex?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD