Luisa
Sinagot ko ang halik na pinadama ni Dexter sa akin ngunit siya rin ang naunang nagbawi nito.
“Sorry” sagot nito at natarantang napatalikod.
“Yeah, that’s fine” sagot ko naman. Pumwesto ako sa uupuan saka alerto itong pinaghila ako ng upuan. Inalalayan ako nitong makaupo at saka siya pumwesto sa kanyang upuan.
“Sarap ah” sagot ko nang matikman ang pastang niluto nito.
“Thank you” tipid namang sagot nito.
“Galing mo magluto ah” dagdag puri ko. Ngumiti ito saka kinuha ang wine na nakababad sa yelo. Sinalinan nito ang baso ko. Ininom ko ang wine at talaga namang napakasarap nito. Sinilip ko ang bote ng wine at nakita ko ang pangalan nito.
“La Tâche from Domaine de la Romanée? Ang hirap naman bigkasin” natawa si Dexter saka nito pinunasan ang gilid ng labi kong may naiwan pang butil ng wine. Nagpasalamat ako dito.
“Mabuti naman at nagustuhan mo ang niluto ko” sabi naman nito. Nginitian ko naman ito.
“Siya nga pala, matagal na ba kayo magkakilala ni Charice? Wala kasi itong nababanggit sa akin eh” agaw tanong ko naman dito. Natigilan ito saka sumandal sa kanyang upuan. Bigla ako nagkaroon ng kuryosidad sa ginawa nito.
“Hindi naman. Nagkataon lang na may kailangan akong itanong sa kanya” paliwanag naman nito.
“Ahh, ano naman yun?” Tanong ko. Napansin kong nagiwas ito ng tingin at sumimsim ng wine. Nakita kong mukhang hindi ito kumportableng pagusapan ang namamagitan sa kanila ni Charice kaya pinili ko na lang ding manahimik at hindi na muling ungkatin ang tanong ko. Pero dahil sa hindi rin ako mapakali, may isang bagay akong tinanong for the last time.
“Hindi naman kayo?” Alanganin kong tanong dito. Agad itong napatingin sa akin at napatawa pa.
“No” sagot nito. Tumango naman ako.
“We never did and never was” sagot nitong muli. Tinignan ko ito ng seryoso, sinalubong naman nito ang tingin ko. Tumango akong muli saka nagiwas ng tingin.
“Sige, ahh medyo gabi na rin. Mauna na ko” tumayo ako, sumunod naman ito. Lumakad ako patungo ng sala ngunit pinigilan nito ang kamay ko.
“Luisa” nilingon ko ito saka ako huminto.
“Hindi kami, please believe me. Walang namamagitan sa amin ni Charice” paliwanag nito.
“Ok” saka ko binawi ang kamay nko at nagpatuloy sa paglalakad.
Ngunit nagulat na lang ako ng biglang yumakap ito sa likuran ko. Yakap na mahigpit.
“Dexter” hindi ito sumagot, nagpatuloy lang ito sa pagyakap. Hinayaan ko lang kami sa ganitong posisyon saka nito niluwagan ang pagkakayakap.
“Please, believe me” sabi nito nang humarap ako dito. Nakita ko sa mata nito na tila ba nagmamakaawa kaya naman pinili kona lang na manahimik at intindihin kung anuman ang dahilan nito. Nginitian ko na lang ito.
“I believe you” sagot ko. Kinuha ko ang bag saka naghanda sa pagalis. Ngunit bago ako lumabas ng pinto, muli ko itong binalingan.
“What about the kiss?” Tanong ko dito. Lumakad ito palapit sa akin. Nanatili lang akong nakatitig dito. Hinawakan nito ang kaliwang braso ko pababa ng kamay ko saka nito hinawakan at dinala sa labi nito.
“That kiss, came from here” inilagay nito ang kamay ko sa dibdib niya at mataman akong tinignan. Sinalubong ko naman ang tingin nito ngunit ako na rin ang unang nagbawi ng tingin.
“Let’s go?” Sabi ko. Nabalik din ito sa ulirat saka ako inalalayang makalabas ng condo.
Hinatid ako nito sa condo ngunit hindi na ito pumasok pa sa loob. Bago ako makapasok sa pinto, dinampian ko ito ng isang halik sa pisngi saka nagpaalam.
Nang makaalis ito saka ako napaisip, ano kami ngayon? Ano ang tawag sa ganitong sitwasyon? Hindi naman namin ito napagusapan. Nang buksan ko ang pinto upang tanungin kung ano kami, wala na agad ito. Nakaalis na.
Nagumpisa na akong maglinis at humiga sa kama. Pilit kong ipinikit ang mata ngunit ang diwa ko ay lumilipad patungo kay Dexter. Sa halip na matulog, kinuha ko ang cellphone at minessage ko ito.
“Bahay kana?” Hindi agad ito nagreply ngunit makalipas ang ilang minuto, nakatanggap din ako ng mensahe mula dito.
“Yeah. Tulog kana?” Reply nito.
Hindi ako nakatiis kaya naman tumayo ako ng higaan saka ko ito tinawagan. Agad din naman nitong sinagot.
“Why? Is there something wrong?” Tanong ni Dexter sa kabilang linya.
“Ahm, wala naman. I just want to say sorry lang sa kanina” sagot ko naman dito.
“That’s fine” tipid na sagot nito. Tila ba ayaw nito makipagusap kaya naman minabuti ko nang tapusin ang tawag. Bumalik ako sa pagkakahiga hanggang sa makatulog.
Nagising ako sa tunog ng doorbell sa condo. Tinignan ko ang oras, alas tres pa lang ng madaling araw. Sino naman kaya ang pupunta sa akin ng ganitong oras? Bigla akong kinabahan at hindi agad nakakilos sa aking higaan. Muling tumunog ang doorbell kaya minabuti ko nang silipin ang taong gumagbala sa akin sa oras na ito.
Lumakad ako ng dahan dahan palapit ng pintuan at saka ako sumilip sa peephole. Napaatras ako ng mamukhaan kung sino ang taong kanina pa pinatutunog ang doorbell ko.
“Dexter?” Agad kong binuksan ang pintuan saka tumambad sa akin ang likod nito. Nang mapansin nitong bumukas ang pinto, humarap ito saka ako hinawakan sa magkabila kong pisngi saka inundayan ng isang halik. Napaatras ako papasok sa loob ng condo habang hindi nawawala ang pagkakahalik nito sa labi ko. Narinig kong sumara ang pinto kaya agad akong bumitiw sa pagkakahalik nito.
“Dexter” sabi ko dito. Tumingin ito sa akin saka muling humalik. Habang tumatagal lalong lumalalim ang halik nito na halos hindi ko na mapigilan. Nagsimula ding lumikot ang kamay nito ngunit mas minabuti kong awatin ito bago pa mapunta sa kung saan ang pagiinit na nararamdaman ko.
“Dexter, sandali. Anong nangyayari sayo?” Bigla itong natauhan saka tumayo ng tindig.
“I’m sorry” sagot nito saka tangkang lalabas. Hinabol ko ang kamay nito dahilan upang mapatigil ito.
“Ano yun? Iiwanan mona naman ako ng isang palaisipan?” Sagot ko dito. Tumingin lang ito sa akin.
“I’m sorry” saka ito tuluyang umalis. Tinangka ko pa itong habulin ngunit napaka bilis nitong maglakad. Naiwan lang akong tulala habang may mga tanong na naiwan din sa isip ko.
‘Ano ba talaga ang nararamdaman mo Dexter’