Luisa
Nang makalapag ang eroplano namin sa Manila matapos ang ilang araw na biyahe, agad may sumalubong sa akin pagkahintong pagkahinto ng eroplano mula sa runway ng airline. Dalawang lalaki na nakabihis body guard. Inabot ng isang lalaki ang cellphone nito, alinlangan pa akong kuhanin ito ngunit nang magsalita ang lalaki. Napilitan na rin ako itong kunin.
“Si Boss Dexter po ang nasa kabilang linya mam” sagot ng lalaki ng iabot sa akin ang cellphone. Nginitian ko naman ito at saka inabot ang cellphone. "Salamat" sabi ko
“How’s your flight?” Tanong agad ni Dexter habang nasa kabilang linya.
“Kakalapag lang namin. Bakit naman nagpautos kapa ng bodyguard mo para lang makausap ako sa cellphone. Mamaya naman ay nasa condo na ako” alanganin pa akong napatingin sa mga kasama ko na ngayon ay natatawa tawa din dahil alam nila ang estado ng relasyon namin ni Dexter. Bakit nga ba hindi, ilan sila sa kasabwat nito noong mga panahong nagtatago ito at sumasama sa flight ko.
“I know, pero nandyan sila para sunduin ka” sagot nito.
“Huh?” Gulat namang tanong ko dito.
“Tara na po mam?” Baling naman ng kausap kong tauhan ni Dexter.
“Sige na, i miss you. See you soon” saka nito pinatay ang tawag. Ang weird talaga ng lalaking iyon. Mawawala tapos ay bigla na lang susulpot. Tumingin ako sa mga kasama ko dahil mukhang hindi ako makakatapos sa trabaho.
“Sige na, kami na bahala dito. Mukhang miss na miss kana ni Sir Dexter” napangisi ang mga ito na tila ba nagbibiro. Napatawa na rin ako saka binalingan ang tauhan ni Dexter.
“Tara na po?” Tumango ang mga ito saka ako sumunod.
“Sandali lang po yung mga gamit ko” awat ko dito.
“May isang tao na po ang bahala sa mga gamit niyo mam. Ihahatid na lang po namin sa inyo” hindi na ako nakakibo at tuluyang sumunod na lang dito.
Nagulat ako ng sa condo ko patuloy ang binabagtas naming daan. Pagdating ko sa loob, nakita ko si Dexter na nakahiga sa sofa ko at may benda ang kaliwang braso nito. Agad akong humangos papalapit dito.
“Anong nangyari sayo?” Alala kong sabi dito. Eto pala ang dahilan kung bakit nagmamadali itong makarating ako.
“Natamaan ako sa huling engkwentro” pilit itong tumatayo. Inawat ko ang pagtayo nito saka ako biglang nakunsensya, kasalanan ko bakit ito natamaan. ‘Hayop ka talaga Alex’ piping bulong ko sa isip ko.
“Huwag ka nang magalala, nandito ka na, ok na ko” ngumiti ito saka ako hinawakan sa ulo at naglapat ng isang halik sa labi. Pinilit ko itong mahiga upang makapagpahinga pa ito.
“Ilang araw kana nandito sa unit ko?” Tanong ko dito.
“Siguro may apat o limang araw na. Dito ako tumuloy pagkatapos akong magamot ng doctor” napatanga ako dito. Hindi naman ako magtataka, kanila ang condo unit na tinutuluyan ko at may paraan ito upang mabuksan ang unit ko.
“Nanghiram ka ng susi?” Tanong ko pa rin dito.
“Hindi, binuksan ko lang” sagot nito.
“Pano?” Saka ito may inilabas na pin sa bulsa. Napahawak ako sa sentido at napailing iling.
“Pwede ka naman humiram ng susi sa reception bakit pinilit mo pa itong buksan?”
“Tinatamad ako eh” napailing na lang ako sa mga ginagawa nito.
"Sa susunod, bibigay ko na sayo ang spare key nitong unit para hindi ka gumagawa nang kung ano ano sa condo ko. Masisira mo pa ang doorknob, mahal din iyan" pagsisimangot ko dito saka ako tumayo upang dumiretso sa bathroom.
"Eh di papalitan ko. Buong building pa ang ipapalit ko" nangingiti pa ito nang balingan ko. Inirapan ko lang ito at saka nagpatuloy.
Dumiretso ako sa bathroom upang makapaglinis at makapag palit ng damit. Naghanda rin ako ng makakain pang hapunan namin ni Dexter. Nang makaluto, agad ko itong hinanda at tinawag si Dexter. Inaya ko itong kumain.
“May gamot ka bang iniinom?” Tanong ko dito habang nasa lamesa kami.
“Nandito kana, hindi ko na kailangan ng gamot” nangingiti pa nitong baling sa akin. Napailing lang ako dito.
“Tumigil ka nga diyan, ikaw na nga ang nasaktan parang wala lang sa iyo” sagot ko naman dito. Hinawakan nito ang kamay ko saka inilapat sa kanyang labi.
“Sanay nako dito hon. Huwag kana mag worry” hinawakan pa nito ang pisngi ko na agad rin niyang binitiwan. Habang nakamasid ako sa kanya, namamayani pa rin ang pagsisisi sa loob ko, kung hindi sana may nareport ako kina Alex hindi sana siya masasaktan ng ganito. Hindi ko pinahalata ang saloobin ko at nagpatuloy sa pagkain.
Nang makatapos kaming kumain, nag presinta ako upang linisin ang kanyang sugat. Hinayaan naman niya akong gawin iyon. Habang nililinis ko ang kanyang sugat, bumabalong sa akin ang takot sa susunod na gagawin ni Alex. Nagawa niyang saktan si Dexter, susunod ano na ang kahihinatnan nitong palabas na to? Sa susunod may Dexter pa ba akong madadatnan? Oh di naman, may pamilya pa ba akong madadatnan? At sa pinakamalalang sitwasyon, ako ba, madadatnan pa nilang buhay? Hanggang kailan ba ito? Kailan ba ito matatapos?
Nahiga kaming dalawa ni Dexter, inilapit kong pilit ang sarili ko sa kanya. Niyakap ko siya ng mahigpit, at siya din sa akin. Sana ay nararamdaman niya ang ibig sabihin ng yakap kong ito. Nagsisisi ako sa nagawa at sa mga magagawa ko pa. Sana ay maramdaman niyang hindi ito ang gusto kong gawin, ang pag taksilan siya. Nagigipit lang ako sa sitwasyon at napipilitan dahil buhay ng pamilya ko ang nakasalalay. Sana maramdaman niya sa pamamagitan ng mga yakap ko kung gaano ko siya kamahal.
“Miss na miss naman ako ng honey ko” baling nito sa akin na ang isang kamay ay nakayakap din sa akin.
“Sa susunod, magiingat ka please” tanging nasagot ko.
“Yes mam” sagot naman nito.
“Kung mag resign kana lang kaya? May kumpanya ka naman. Hinihintay lang ng Daddy mo na pamunuan mo ang kumpanya niyo. Hindi mo kailangan malagay sa peligro” suhestiyon ko dito.
“Darating din ang araw, magreretiro din ako. Hindi pa nga lang ito ang tamang araw Luisa. May kailangan pa akong misyon na matapos” tumingin ito ng makahulugan sa akin, gayundin ako. Tila ba parang may ibig sabihin ang mga salita nito at nararamdaman ko base sa uri ng mata nito ngunit sinawalang bahala ko na lang ang nakita ko. Hinalikan ako nito sa noo kaya napapikit ako. Tila ba ninanamnam ko ang halik nito. Muli itong yumakap sa akin at saka ko isinandig ang ulo ko sa dibdib nito hanggang sa makatulog.