Luisa
Ilang araw matapos sabihin ni Dexter kung ano ang tunay na trabaho nito maging ni Charice, nagpaalam ito na may susunod silang misyon ni Charice. Bumalik ang dating gawain ng grupo, ang mangalap ng malalaswang video ng mga babae at ibenta sa mga parokyanong banyaga, katulad ng gawain na kamuntikan na akong maging biktima.
Nanatili lang ako sa aking condo at naghahanda na rin sa aking pagbabalik sa trabaho, nang tumawag si Alex ng cellphone ko.
“Ano na? Mukhang nageenjoy kana ah. Nakakalimot ka yata” sagot ni Alex sa kabilang linya.
“Papunta sila sa Bar. Yun lang ang nakuha kong impormasyon” agad kong sagot.
“Yan, ganyan nga. Hindi yung kailangan papaalalahan kapa” saka nito pinatay ang tawag.
Napaupo ako sa may dining table at tila ba nakahinga ng maluwag. Ang hirap ng ganitong sitwasyon. Umpisa na ito ng isang magulong buhay ko.
Lumabas ako ng condo at kumuha ng taxi papunta sa airport. Ibabaling ko muna sa trabaho ang problema ko kay Alex. Maganda na rin ito kahit sandali ay makakalimutan ko ang gusto nitong mangyaring pagtataksil ko kay Dexter.
*****************************************************
Dexter
“I think they are cooking something” pahayag ko nang makausap ko si Big Boss. Kinausap ko itong magisa nang isang araw matapos na may makita akong miyembro ng Black Spider Gang sa condo unit na tinutuluyan ni Luisa.
Agad ko ring inalerto ang mga tauhan ko. Pinabantayan ko siya at sinigurong walang makakalapit na tauhan ng Gang sa babaeng mahal ko. Maging sa cctv camera ay may tao akong inilagay upang mabantayan ito.
“Maaari ang sinabi mo, pero kailangan nating magpakasiguro” sagot ni Big Boss.
“Nasisiguro ko Big Boss, may pakay sila kay Luisa. Hindi ko alam kung paano pero sa palagay ko may kinalaman din ito sa mga tauhang nakita ko na umaaligid sa bahay ni Luisa at maging sa pamilihan kung saan nagtitinda ang Nanay niya” muling pahayag ko.
“Ano ang pinaplano mo?” Tanong nito.
“Plano kong magpanggap na walang nalalaman. Magbibigay ako ng impormasyon kay Luisa sa aktibidad ng grupo. Kapag hindi lumabas ang Head ng grupo, paniguradong may kinalaman din si Luisa dito” sagot ni Big Boss.
“Delikado yang naiisip mo, maaaring malagay sa kapahamakan ang ibang miyembro ng samahan” tumahimik ako dahil alam kong totoo ang sinasabi ni Big Boss ngunit kailangan kong malaman kung ano ang pakay ni Luisa sa akin at sa grupo. Bakit siya minamatyagan at binabantayan ang pamilya niya.
“Masyadong delikado ang gagawin mo at hindi niyo kakayanin ni Charice ito” muling banggit ni Big Boss hanggang sa may pumasok na tao sa opisina.
“Agent Panther, meet Agent Eagle. Siya ang makakatulong mo para sa pinaplano mong panghuhuli sa grupo” kinamayan ko ito saka ako nagpakilala “Dexter” sabi ko. Bahagya itong ngumiti saka nagpakilala “Roldan” tumango kami sa isa't isa at naghiwalay ang mga kamay.
“Galing sa ibang grupo si Agent Eagle ngunit nagpahayag ito ng pagtulong na masagupa ang grupong Black Spider kaya naman inilagay ko siya sayo” tinignan ko si Roldan saka tumango. Ganun din ito.
“Kayo na ang bahalang magusap” lumabas kami ng opisina saka kami nagusap ni Roldan.
“Salamat pare sa pagtulong” sabi ko dito.
“Wala yun pre, gusto ko ang ginagawa ko” ngumiti naman ito. Sinama ko siya sa isang kwarto upang makapagusap kami ng pribado dito rin sa loob ng opisina. Inilabas ko ang mga nakuha kong impormasyon at litrato ni Luisa.
“Kaya pala” napatango tango pa si Roldan. Tinignan ko naman ito.
“Maganda ang girlfriend mo kaya pala ganun na lang din kung protektahan mo” ngunit hindi ko naman naramdaman sa salita niya ang nangaasar, mas nangibabaw yung tono na may kasamang determinasyong mailigtas din si Luisa sa kamay ng kalaban.
“This is the first time that i love someone. Ayokong mapahamak siya dahil lang sa akin” sagot ko dito.
“Siya nga pala, may isa pa tayong kasama. Si Agent Phoenix” saka ko inilapit dito ang picture ni Charice. Tinignan niya ito saka bahagyang napangiti.
“Kaibigan siya ni Luisa” dagdag impormasyon ko kay Roldan. Napa “Ohh” ito saka muling tumango tango. Napansin kong iba na ang tingin nito sa litrato ni Charice kaya agad ko itong inunahan.
“Taken na yan” agad din nitong binitiwan ang littato saka pinagsalikop ang kamay sa braso at tumalikod. Bahagya naman akong natawa sa ginawa nito.
“Sa susunod na misyon natin, hahayaan kong malaman ito ni Luisa. Kapag wala ang mukha ni Alex, yun na ang hudyat” tingin kong seryoso dito, gayundin naman siya.
“Sa ngayon, napapalibutan si Luisa ng mga tauhan ni Alex. May mga tao sa bahay nila at sa pwesto nila sa palengke”
“Kung napapalibutan si Luisa ng mga tauhan ni Alex, hindi kaya sapilitan ang pinagagawa nito kay Luisa? At ang mga taong nakapaligid ay pananakot naman sa kanya?” Napatango ako tanda ng pag sangayon kay Roldan.
“Ayun ang kailangan kong malaman, bakit? Anong dahilan” saka kami matamang nagisip.
Isang araw matapos naming dumalo sa selebrasyon ng graduation ng kapatid ni Charice, bumulong ito sa akin na nagtatanong si Luisa tungkol sa ugnayan namin. Sinadya kong maglagay ng baril sa katawan ko upang mapaisip ito. Nang makabalik kami sa condo, nakita niya ang baril na nakasabit sa binti ko ngunit hindi na ito muli pang nagtanong. Matapos ang aming pagniniig, nagpanggap akong natutulog hanggang maramdaman kong tumayo ito. Sinundan ko ng tingin kung saan ito pupunta at hindi nga ako nagkamali, tinignan nito ang loob ng bag ko. Sinadya kong wallet lang ang ilagay dito upang wala na siyang ibang makita pang gamit sa loob. Nang mapansin kong nakuha na niya ang wallet saka ako dahan dahang tumayo at lumakad palapit sa kanya.
“Undercover Agent” pinagtapat ko ang tunay kong trabaho maging ni Charice upang masimulan ang aking plano. Ngunit hindi ko nakitaan ng pagkabigla sa rekasyon ni Luisa, tila ba alam na niya ang lihim ko at ang kailangan na lang niya ay kumpirmasyon.
Makalipas ang ilang araw, pinaalam ko ang nakatakda naming operasyon ni Charice, ang mahuli ang grupo ng gang sa isang bar sa kamaynilaan na nagdo droga sa mga kababaihan at muling pagsamantalahan at ibenta ang malalaswang mga video ng mga ito sa banyaga. Sa araw ng operasyon, nakatakda ding bumalik si Luisa sa trabaho.
Matapos ang operasyon, wala si Alex sa mga nahuling miyembro ng grupo. Nagkatinginan kami ni Roldan, nagusap ang mga mata. Napatango tango ito tanda na sumasangayon sa plano ko. Tama nga ang hinala namin, si Luisa ang nagsabi sa grupo ng Black Spider Gang kaya wala kami nahuling leader ng grupo. Ngunit sa di inaasahang pagkakataon, nabaril ako sa balikat dahilan upang maglagi ako sa kampo upang magpagamot.
“Yari ka sa girlfriend mo niyan” biro ni Roldan. Tinignan ko lang ito.