Chapter 17

1038 Words
Luisa Natapos ang selebrasyon ng garduation ni Franchesca, nagkaroon ng pagkakataong makapag usap kami ng mga kaibigan kong si Charice at Angelo. Nagkaroon din ng pagkakataong masolo ko si Charice, sinubukan kong paaminin ito sa tunay nitong trabaho ngunit hindi ito umamin. “Di ba close kayo ni Dexter?” Bungad ko dito. “Hmm, hindi naman ganun ka close, bakit?” Tanong naman nito. “Ahm wala naman, parang may iba kasi sa kanya eh. Alam mo yun. Parang may tinatago siya sa akin” hinintay ko ang magiging reaksyon nito ngunit blanko lang. “May alam kaba?” Ngunit tila ito nagtaka pa. Siguro ay kung wala akong nalalaman tungkol sa kanilang dalawa, masasabi kong totoo ang sinasabi nito ngunit iba ang nababasa ko sa mga mata nito. “Huh? Wala. Wala naman siyang ibang nababanggit” sagot nito. “Alam mo ba kung ano ang trabaho niya?” Muling tanong ko dito. “Huh? Ahm wala akong idea friend. Hindi naman kami ganun ka close ni Dexter. Tsaka bakit mo naman natanong? Hindi ba niya nababanggit sayo?” Balik tanong nito sa akin. Tila hasa na rin ito sa mga ganung eksena. Kaya na rin nitong magsinungaling na hindi mo nahahalata. Samantalang dati lahat ay sinasabi nito sa akin. “Wala naman. Alam mo ba na pamilya niya ang may-ari ng airlines na pinagta trabahuhan ko ngayon?” Muling kwento ko dito. Sa pagkakataong ito, ramdam ko at kita ko ang gulat sa mukha niya. Tila hindi niya rin alam ang tungkol dito. “What?? How? Mayari pala siya ng kumpanya, bakit prang ang dami niyang time? Diba dapat busy siya?” Sagot nito na tila ba may parteng nakatunog ako. Hindi alam ni Charice na owner ng isang multi million company si Dexter kaya madami itong time sa mga misyon nila. “Ipinakilala niya kasi ako sa Daddy niya kaya nalaman ko recently lang” tumango tango naman ito. Maya maya naman lumapit na sa amin si Dexter. “Let’s go?” Aya nito. Tumango ako saka tumayo. Nagpaalam ako kay Charice, Franchesca at sa mga magulang nito. Dumiretso kami sa condo na tinutuluyan ko. Habang nasa daan, tahimik akong nagiisip ng pwede kong panimulang gawin upang may makalap na impormasyon tungkol kay Dexter at sa uri ng trabaho nito. Upang may maireport na rin ako kay Alex. Pagkapasok ng condo, agad kong hinalikan si Dexter. Halik na tila ba sabik na sabik. Halik na hindi naman nito pinigilan. Sinagot din nito ang mga halik ko. Sinigurado kong magiging mapangahas ang mga halik ko. Pilit ko ring hinubad ang damit nitong pang itaas at nagpatuloy sa halik nang makitang wala dito ang hinahanap ko. Ginawa ko ring malikot ang kamay ko at tila naman hindi nakakahalata si Dexter kaya pinagpatuloy ko lang ang ginagawa. Hanggang sa mapadako ako sa may bandang binti nito. Dito may nakapa akong matigas na bagay ngunit hindi ako nagpahalata. Tuloy tuloy lang ang pag romansa ko dito hanggang sa makarating kami sa kwarto. Itinulak ko ito sa kama saka ko ito hinarangang makatayo gamit ang mga binti ko. Ipinwesto ko ang magkabilang binti ko sa mga gilid niya. Nangaakit ko itong tinignan habang hinahaplos ang dibdib nito saka ko hinubad sa harap nito ang pang itaas kong damit. Tinuloy kong haplusin ang dibdib nito hanggang sa makarating ako sa kanyang bewang, pababa hanggang sa kanyang kahabaan. Tinuloy himas ko ang kahabaan nito hanggang sa mapaungol ito sa sarap. Sinubukan kong hubarin ang suot nitong pantalon hanggang sa tumambad sa akin ang baril na nakasukbit sa kanyang leg holter. Tinignan ko ito at saka ko siya tinignan. Agad itong tumayo at kinuha ang kanyang baril saka itinabi sa drawer. “Bakit ka may baril?” Tanong ko dito. “For protection lang hon” bumalik ito sa akin saka ako nito hinalikan ngunit umiwas ako sa mga halik nito saka ko siya tinignan ng masama. “Hindi ako naniniwalang para sa proteksyon lang yan” sagot ko dito. “Bakit ka may baril” matigas na tanong ko dito. “Dahil sa trabaho” muling sagot nito. Tinignan ko ito at nagaabang ng susunod nitong isasagot. “Sa uri ng negosyo, madami ang nagnanais na mawala ako upang bumagsak ang aming kumpanya” hindi ako kumbensido sa sagot niya kaya naman nanatili lang akong nakatingin dito. “Bakit hindi ka mag body guard?” muling tanong ko. Tumingin lang ito saka ngumiti. “Hindi ko na kailangan niyan” sagot nito. Sinawalang bahala ko ang sinabi nito at tinuloy kung ano man ang naumpisahan namin. Muli ko itong hinalikan hanggang sa ang halik ay lumalim ng lumalim hanggang mauwi sa isang pagniniig. Nakatulog si Dexter matapos ang aming mainit na pagniniig kaya naman dahan dahan akong bumangon at nagsuot ng aking damit pantulog. Pagkatapos ay kinuha ko ang bag nito ng dahan dahan. Pasilip silip pa ako dito baka ito ay magising. Hinalukay ko ang laman ng bag nito, meron ditong nakalagay na posas at wallet. Binuksan ko ang wallet nito saka tumambad sa akin ang ID nito na naglalaman ng kanyang personal na impormasyon. “Agent Panther” bulong ko. Binasa ko ang nakita kong ID at hindi lang pala ito basta ID, tila isa itong lisensya at nagsasaad kung saang organisasyon ito kasapi. “Undercover Agent” naihagis ko ang hawak kong wallet dahil sa pagkagulat nang biglang may magsalita mula sa likod ko. Pagkalingon ko, si Dexter pala ito na ngayon ay suot na ang kanyang boxer short. Tinignan ko lang ito habang pinupulot nito ang wallet niyang naibato ko sa di kalayuan. Kinuha niya ito maging ang bag niyang hawak hawak ko sa ngayon. “Isa akong undercover agent, nagtatrabaho ako sa isang pribadong organisasyon na kinasasakupan ng FBI” inalalayan ako nitong makaupo hanggang sa makarating kami sa kama. “Iyon ang trabaho ko” saka ito tumingin sa akin ng malalim. “At si Charice?” Tanong ko “Partner ko” sagot nito. Napahawak ako sa dibdib ng makompirma ko ang tunay na ginagawa nito. Bukod sa isa ito sa namamahala ng kanilang kumpanya, isa rin ito sa inaasahan ng lipunan na susugpo sa masasamang grupo katulad na lang ng grupo ni Alex.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD