Chapter 16

1086 Words
Luisa Sumapit ang araw ng pagtatapos ni Franchesca sa kolehiyo. Nagkaroon ng kaunting kasiyahan sa bahay nila Charice. Dinaanan ako ni Dexter sa bahay, hindi nga ako nagkamali. Alam niya nga ang lugar namin. Sabay kaming pumunta sa bahay nila Charice nang malamang nakarating na sila sa bahay. Ngunit bago kami umalis, nadatnan ni Dexter si Tatay kaya agad ko naman itong ipinakilala. Maging sa mga kapatid ko ay pinakilala ko rin ito. Kuntodo pa nga ang asar ni Leonard kaya katakot takot na batok ang inabot sa akin. “Kuya, sure ka ba gusto mo ate ko? Baka gusto mo pang umatras, may chance kapa” sabi ni Leonard kay Dexter na agad naman ikinatawa ng lahat. “Kaya nga gusto ko ang ate mo eh, siya lang may kayang magpatiklop sa akin” sagot naman ni Dexter na agad ikinapula ng pisngi ko. Tinignan ako ni Leonard na tila ba hindi pa makapaniwala kaya agad ko itong dinilaan pangaasar rito. “Mabuti naman at napasyal ka dito, iho” sabi naman ng tatay kay Dexter. Nagkaroon sila ng pagkakataong makapagusap ngunit sandali lang ay kinailangan nang umalis ng tatay dahil kailangan na nitong mamasada. Hinatid namin ni Dexter si tatay hanggang sa nakaparadang jeep na iba byahe nito. Ngunit habang naglalakad kami, may biglang sinabi si Dexter dito na ikinagulat ko rin. “Tay, gusto niyo po ba huminto sa pamamasada at maging personal driver na lang po sa kumpanya? Hindi ko po hahayaang mabigatan kayo sa trabaho” alok na trabaho ni Dexter kay tatay. “Naku iho, ito na ang nakalakihan kong trabaho. Dito na rin ako tatanda. Salamat sa alok mo ah” sagot naman ni tatay dito. Tumango lang si Dexter saka muling binalingan ni tatay. “Magiingat kayo kung san man kayo mapapalagi. Kaawaan kayo ng Diyos” saka ito tuluyang sumakay ng jeep. Bumalik kami ni Dexter sa bahay ngunit bigla akong napahinto ng nahagip ng mata ko ang tauhan ni Alex na nakamatyag. “Bakit?” Tanong ni Dexter. “Ahh, wala naman. Parang nahilo lang ako bigla” sagot ko naman dito. “Huh, wait ah bubuhatin na kita” akma na ako nitong bubuhatin ngunit pinigilan ko lang ito. “Hindi na, ok lang ako. Nabigla lang siguro” sagot ko “Are you sure?” “Yeah, don’t worry” saka ko ikinawit ang kamay sa braso ni Dexter at nagpatuloy kami sa loob. Dinaanan din namin si Nanay sa palengke upang ipakilala si Dexter dito at talaga namang tila nagugustuhan nila ito. “Naku, eh ka gwapo naman nire anak. Nagayuma mo ba ito?” Birong sabi ni nanay matapos ko maipakilala si Dexter. “Nay” nahihiya kong banggit habang si Dexter ay natatawa tawa. “Naku, helmetan mo yan Luisa baka matauhan bigla yan” biro naman ni Aling Zeny, mayari ng katabi naming pwesto. Naiiling ko na lang na inaya si Dexter saka kami umalis sa lugar. Nagpalinga linga din ako siniguro kung may nakasunod bang tauhan ni Alex awa ng Diyos wala naman nakasunod. “I love your family” sabi ni Dexter habang nasa sasakyan kami. Hinawakan din nito ang kaliwang kamay ko at ipinadapo sa kanyang labi. “Yeah, me too. Mahal na mahal ko sila” saka ako biglang napatingin sa bintana. “Handa kong gawin lahat para sa kanila” patuloy ko habang namumuo ang luha dito sa mata ko. “Handa kong isakripisyo lahat huwag lang silang mapahamak” lihim kong pinunasan ang luhang namuo sa mata ko saka ako humarap kay Dexter. ‘Handa akong isakripisyo miski ikaw’ bulong ko sa sarili ngunit parang tinatarak ng itak ang dibdib ko ng isipin iyon. Alam kong hindi ko kaya pero bahala na. Kayang totohanin ni Alex ang banta niya. Nakarating kami sa bahay nila Charice ngunit iba ang pinukol na tingin sa akin ni Charice habang papasok kami sa kanilang bahay. Naiwan sila ni Dexter sa labas at ako naman ay dumiretso na sa loob ng bahay. “Angelo” hiyaw na bati ko sa isa naming kaibigan ni Charice, si Angelo na ngayon ay Angela na. Noong una akala namin ay lalaki ito noong nasa 1st year college kami. Crush ko pa nga ito noon hanggang sa nagtapat siya sa aming bakla siya. Siya ang 1st heartbreak ko. Natatandaan ko pa nga na palagi ko siyang dinadalan ng biskwit noon. Inaabot ko sa kanya bago magumpisa ang klase. Tahimik lang naman siya noon ngunit ayaw niyang tanggapin ang binibigay ko. Palagi ko pa siyang nilalapitan ngunit lumalayo naman ito. Madalas pa ako mainis kay Charice noon dahil sila ang palaging magkasama yun pala alam na ni Charice na lalaki din ang gusto niya at hindi kami talo. Umabot pa ng kalahati ng school year bago nila sabihin sa akin. Hanggang sa mag drop nga ito sa school at sinuong ang gusto niyang course, ang maging fashion designer kaya lumipat ito from BS Tourism, pinursige nito ang kursong Arts and Design. Mula noon bihira na namin itong makita kaya naman tuwang tuwa ako ng makita ito ngayon. Patakbo ko itong nilapitan saka agad na niyakap. Ang dating crush ko na ang gwapo gwapo, matangkad at may maninipis na labi ngayon ay mas babae pa sa akin. “Hmmmm” niyakap ko ito ng mahigpit. Gumanti rin naman ito ng yakap sa akin. “Kamusta kana bakla ka” bati kong muli dito. “Well, maganda pa rin, ikaw? And correction please, its Angel not Angelo ok?” Sagot naman nito. Natatawa ko itong tinignan saka ako unti unting natahimik at dahan dahan humiwalay sa pagkakayakap dito. Umupo ako sa katabing silya nito saka ito sinagot. “Eto, Cabin Crew na sa domestic flight” saka biglang pumasok si Charice at Dexter. Napatingin si Angelo dito. “Oh hello my future” tumayo ito at sasalubungin si Dexter. Agad akong tumayo at kinuha ang braso niya saka mabilis na inunahan siyang makalapit kay Dexter. Nang matagumpay akong mapalapit, hinawakan ko si Dexter sa braso saka binalingan si Angelo. “Excuse me” pinagsalikop ko ang kamay namin ni Dexter at saka iniangat at pinakita kay Angelo. Winagayway ko pa ito. Natawa si Charice sa ginawa ko gayundin si Dexter. Agad namang sumimangot si Angelo. “Hmmp, eh di kayo na” sabay irap nito at muling naupo. “Lahat naman future mo bakla. Si Chester din sabi mo future mo siya” natatawang baling naman ni Charice dito. Lahat kami ay nagtawanan at muling nagkakwentuhan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD