Chapter 15

1063 Words
Luisa Makalipas ang ilang araw, bigla na lang hindi ko muling makausap si Dexter. Hindi ko rin ito matawagan. Wala din ito sa condo unit niya. Ano na naman kaya ang ginagawa nito at bigla na lang nawawala. Nang tumunog ang cellphone ko, dali dali ko itong kinuha sa pagaakalang si Dexter ito ngunit nadismaya lang ako ng hindi pala siya ang tumatawag. Nagtaka din ako kung sino ang caller dahil walang pangalang naka rehistro kaya naman sinagot ko ang tawag. “Who’s this?” Sagot ko “Wala kang kwenta, hindi mo sinusunod ang usapan natin. Eh kung patayin ko na pamilya mo?” Sagot nang nasa kabilang linya. “Sinusubukan ko pang makuha ang loob niya, hindi ganun kadali yun” sagot ko dito. “Pwes bilisan mo, napurnada ang operasyon namin dahil dyan sa syota at kaibigan mo” natahimik ako at napaisip, kaya siguro hindi ko makausap ai Dexter ay dahil nasa misyon ito at si Charice. “Bibigyan kita ng daawang linggo, kapag wala ka pang nakuhang impormasyon, bangkay mo nang mauuwian ang pamilya mo” sagot nito sa kabilang linya hanggang sa mamatay ang cellphone. “Hayop ka Alex” bulong ko sa sarili. Nagpalakad lakad ako sa loob ng silid, nagiisip kung paano ba mapapaamin si Dexter na isa itong undercover agent. Lalo sa uri ng trabaho niya, mahirap din nitong ipagkatiwalang sabihin ang bawat operasyong gagawin nila ni Charice. Masyadong confidential at delikado. “Paano ba ang gagawin ko?” Napaupo ako sa kama na halos gusto ko nang umiyak sa hirap ng sitwasyon ko. Naninimbang ako sa nararamdaman ko kay Dexter at sa buhay ng pamilya ko. Paano ko ba ito malalampasan? Nagdesisyon akong umuwi sa bahay namin sa Bulacan upang makamusta na rin ang pamilya ko. Maglalagi muna ako dito ng ilang araw bago bumalik sa trabaho. Tanghali na ng makarating ako ng Bulacan. Una kong pinuntahan ang pwesto sa palengke ng nanay ko. Nagulat pa ito sa pagdating ko. “Oh, hindi ka naman nagpasabing uuwi ka anak” bati nito sa akin. “Mano po nay” inabot nito ang kamay saka ako nag mano. “Kamusta po kayo?” Tanong ko dito habang tinitimbang ang pinamili ng babaeng customer nito. “Maayos naman kami anak, salamat pala sa pinadala mong pang gastos ah, naibili ko ng gamit sa eskwela ang kapatid mo” nagtaka ako nang may mabanggit itong pera. Wala naman akong pinapadala dito. “Ah, mabuti po at natanggap niyo ang padala ko nay” sagot ko dito. Hindi ko pinahalata ang pagtataka ko. “Oo nak, may nagdala sa bahay. Dalawang lalaki. Pinadala mo nga raw. Nung una natakot pa ang kapatid mong si Leonard dahil mukha daw mga goons pero nang pinakita ang sobreng naglalaman ng pangalan mo, kinuha ni Leonard. Alam mo naman yung kapatid mong yun” Lalo akong binalot ng takot sa pagkakataong ito dahil sigurado akong grupo ni Alex ang mga lalaking lumapit sa kapatid ko. Ngunit ang pinagtataka ko, hindi nababanggit nila nanay ang nangyari sa kanila na nakita ko sa isang camera footage na pinakita ni Alex. “May sinabi po ba sila nay nang iabot ang pera?” Tanong ko kay nanay. “Wala naman daw sabi ni Leonard. Pinabibigay mo nga daw dahil abala ka sa trabaho ngayon” sagot ni nanay. Medyo nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Matapos ang kaunting paguusap namin ni Nanay, nagdesisyon akong umuwi na sa bahay upang makapagpahinga at makausap din ang kapatid kong si Leonard. Nang malapit na ako sa aming lugar, napansin kong may isang lalaki ang nakatanaw sa bahay namin. Nakaitim na sando ito at napansin kong may tattoo ito ng spider sa gilid na braso. 's**t, nandito sila’ usal ko sa sarili. Lalo akong nabalutan ng pagaalala ng makitang nakamatyag lang ang grupo ni Alex sa pamilya ko. Bumaba ako ng sinasakyang tricycle at hindi pinansin ang lalaking nakita ko. Pumasok ako sa loob ng bahay na para bang normal lang. Nadatnan ko ang kapatid kong si Leonard habang nanonood ng tv. Siya lang ang naiwan sa bahay. Nang mapansin ako nito, agad akong binati nito. “Oh ate, uuwi ka pala. Akala ko sa susunod na buwan pa” nagtataka ko naman itong tinignan. “Bakit?” Sabi ko dito. “Di ba sabi mo? Next month kapa kamo uuwi. Pinasabi mo dun sa pinagdalhan mo ng pera?” Sabi nito. Nagpanggap akong naalala ang sinabi upang hindi makahalata ang kapatid ko na wala rin akong ideya sa sinasabi niya. “Ah oo, ano kasi, ahh, pinag bakasyon muna kami. Kaya umuwi din muna ako” sagot kona lang dito. Tumango naman ito at mukhang hindi nakahalata. Saka ako nagpaalam na papasok sa aking kwarto. Nang makapasok sa kwarto, agad kong kinuha ang cellphone at tinawagan ang numero ni Alex. Sumagot din naman ito agad. Me: “Alex, ano yang ginagawa mo? Bakit ka nagpadala ng pera dito sa bahay?” Tanong ko dito. Alex: “Ayaw mo ba nun? Hindi mo na kailangan magtrabaho” sagot naman nito sa kabilang linya. Napailing lang ako saka agad pinatay ang telepono ko. Nang makapagbihis ako, bigla muling tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko muna kung sino ang tumatawag, nakita kong si Dexter ito. Dexter: “Nasan ka hon? Wala ka sa unit mo” sabi nito na tila pinuntahan ako sa condo unit ko. Me: “Nandito ako sa Bulacan” gusto ko sana mainis dahil sa hindi nito pagsasabi kung nasaan siya ngunit mas pinili kong manahimik na lang muna. Kailangan ko makaisip ng paraan paano ko ito mapapaamin. Dexter: “Ganun ba? Kailan ang balik mo dito?” Tanong nito. Me: “Diba sabi ko sayo may celebration kina Charice para sa graduation ni Chesca. Pupunta tayo, ikaw nasan kaba?” Tanong ko dito Dexter: “Oo nga pala, sorry i almost forgot. Medyo busy lang sa trabaho hon. Puro business meetings” dahilan nito. Me: “Sige, sunod kana lang dito kung pwede ka. Hindi ko na sasabihin ang lugar mukha namang alam mo na to eh” baling kong muli dito. Natawa ito sa kabilang linya saka ko pinatay ang cellphone. Kung ano man ang kahihinatnan ng palabas ko na ito, tiyak kong parehas kaming masasaktan. Sana mapatawad niya ako sa araw na dumating na malaman nilang ako ang magta traydor sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD