Luisa
Gabi na nang magising kami ni Dexter, kung hindi pa may nag doorbell sa unit nito hindi pa kami magigising. Hindi kasi natapos sa isang beses ang aming pagniniig, nasundan pa ito hanggang sa maging tatlo? Apat? Hindi ko na matandaan.
Bumangon ito upang tignan kung sino ang tao. Sinundan ko naman ito hanggang sa pintuan ng kwarto.
“Sir, pinapatawag po kayo ng inyong Ama” sabi ng kausap nitong lalaki.
“Sige Hector, salamat” sinarado nito ang pinto saka nito tinignan ang cellphone.
“Ano yun?” Tanong ko dito.
“Si Daddy, pinapatawag ako. May mga miscalls pala siya, hindi ko na nakita” sabi nito.
“Ah, sige na pumunta kana. Uuwi na rin ako” sagot ko naman dito.
“No, hon. Your coming with me. Ipapakilala rin kita kay Daddy” bigla akong nabalutan ng kaba sa sinabi nito. Tila hindi pa ako handa sa ganitong eksena.
“Huh, ah eh di ako prepared” isang simpleng casual dress lang ang suot ko at isang flat sandals na sa tingin ko ay hindi presentable lalo sa ganitong pagkakataon.
“Kahit ano pa ang itsura mo, ikaw lang ang pinaka maganda sa paningin ko” lumapit itong muli saka muling humalik. Hanggang sa halik nito ay tila lumalalim na naman. Inawat ko ito dahilan upang magkatawanan kami nito.
“Ok fine, sasama na ako” nagsimula kaming maghanda, sabay kaming naligo ngunit pilit ang awat ko ditong mahaluan ng kung ano ang paliligo na to. Hanggang ang dapat na 30mins na pagligo ay nauwi sa sobra sa isang oras dahil sa paghaharutan namin sa loob ng bathroom.
Masaya kaming lumabas ng kwarto at dumiretso ng parking lot. Nang papaalis na ang sasakyan namin, tila ba may nahagip ang mata ko na lalaking nakatayo at naka sumbrelo. Nagtatago ito sa pagitan ng mga sasakyan. Isang beses itong tumingin sa akin saka umalis. Agad akong binalutan ng kaba ngunit pilit ko itong iwinaksi.
Narating namin ang opisina ng kanyang ama. Isa ata ito sa may pinakamataas at pinakamagandang building sa nasasakupan nito. Pagkapasok namin sa loob, hawak hawak ni Dexter ang kamay ko. Sa likod ng reception, nakita ko ang logo na GGC agad bumati ang mga tauhan kay Dexter at maging sa akin. Tumingin ito sa akin saka ko ito nagtatakang tinignan. Ngumiti lang ito. Kada masasalubong naming empleyado, panay ang bati dito ngunit dire diretso lamang ito.
Bago kami pumasok sa isang kwarto, hinila ko ang kamay nitong nakahawak sa akin dahilan upang mapatigil ito.
“What?” Takang tanong nito.
“Ano yun?” Tanong ko naman dito.
“You’ll see” saka kami pumasok sa loob. Naabutan namin ang isang matandang lalaki na nakaupo sa kanyang swivel chair. Napatingin ito sa akin saka ako napasinghap. Natigil ako sa paglalakad.
“Dad” bati ni Dexter dito.
“Son, what a lovely surprise” saka ako nito tinignan na bahagyang ngumiti habang ako hindi ko alam kung paano ito babatiin.
“Dad, i want you to meet Luisa, my girlfriend. Luisa this is my Dad, Don Roderick Guerrero” napatango ako saka ako sumagot.. “I know”
‘Dexter is the son of Don Roderick Guerrero, the owner of Manila Airlines. Ang kumpanyang pinagtatrabahuhan ko ngayon, ngunit paano? Ang alam ko Campo ang apelido ni Dexter at hindi Guerrero’ tulala akong nakatingin lang dito.
“Siya ba yung babaeng nabanggit ng isa sa piloto nating binabantayan mo iho kaya sumasama ka sa flight nila at wala ka sa kumpanya?” Natatawa nitong pahayag. Bigla akong napatingin kay Dexter na agad naman nitong ikinayuko na tila ba nahihiya pa.
“Dad” tumawa ng malakas ang kanyang ama.
“By the way, i called you to inform you that tomorrow morning I will be leaving for the Business Trip I’ve told you” simula nito.
Itinuro nito ang mga dokumentong nasa lamesa saka ito nagbilin sa mga dokumentong maiiwan.
“Sana binigay mona lang sa secretary ko Dad” sagot naman ni Dexter sa kanyang ama.
“Ofcourse not. Ofcourse i want to see you too. Matagal tagal ako dun” nakakatuwa na kahit na malaki na ang anak nito ay nagagawa pa rin nitong maglambing kay Dexter. Nakikita ko rin kung gaano galangin ni Dexter ang kanyang ama.
Hinayaan ko lang silang makapagusap hanggang sa mag-aya nang umalis si Dexter.
“Sa office lang kami Dad” paalam nito sa ama.
“Sige po sir, nice to meet you po” nahihiyang sabi ko naman dito. Ngumiti naman ito saka kami tuluyang lumabas. Dumiretso kami sa opisina ni Dexter saka nito pinakilala sa akin ang sekretaryang si Monica. May ilang bilin din dito si Dexter bago kami umalis.
“I don’t want distractions Monica, understood?” Bilin nito.
“Yes sir” sagot naman ng kanyang sekretarya.
Nang tuluyang makapasok kami sa loob ng kanyang opisina. Saka ko ito hinarap.
“Ang dami mong secret. Sino kaba talaga?” Sabi ko dito.
“Eto hon, eto na ako. Kung ano yung nakita mo, ayun ako” sagot naman nito. ‘Hindi pa ikaw yan Dexter. Hindi pa’ sabi ko naman sa isip ko.
“Ano yung sinabi ng Daddy mo na sinusundan mo ako?” Takang tanong kong muli dito.
“Isang beses lang yun”
“Kailan mo pa ako sinusundan?” Tanong ko ngunit hindi ito sumagot. Saka ako nagisip ng malalim at napahawak sa bibig ko
“Ikaw ba ang dahilan kaya ako nakapasok sa airlines niyo?” Tumingin lang ito ngunit hindi sumagot. Sabi nga, silence means yes. Napahawak ako sa dibdib ko. Bakit ngayon ko pa ito nalaman kung kailang mayroon lamang akong pakay dito.
“You deserve it hon, naipasa mo nga lahat di ba?” Napailing ako dito saka napaupo.
“Your kidding me Dexter” lumapit ito saka agad na tumabi sa akin.
“Sorry na please” tinignan ko lang ito habang pilit itong yumayakap sa gilid ko. Napapailing ko lang itong binalingan.
“Graduation ni Chesca sa isang linggo, pupunta tayo” utos ko dito. Tumayo ito sa harap ko saka tumindig
“Yes mam” na tila ba ito sundalo.