Luisa Ilang araw ang nakalipas. Nakalapag ang eroplano namin sa London Airlines. Nagkayayaan din kaming mamasyal ng mga kasama kong Flight Attendant din. Namili sila ng mga signature bags samantalang ako ay nakuntento na lang na nanonood sa kanila at nagwi window shopping. Nanghihinayang ako sa halaga ng bags na binibili nila, halos presyo na ng dalawang beses na tuition fee ng kapatid ko. “Sige na Luisa, magbi birthday ka naman na diba” sabi sa akin ni Rina nang makita nitong tinitignan ko ang isang hand bag. “Ayoko nga, sayang. Titingin na lang ako ng pwede kong ipang pasalubong sa pamilya ko kesa bumili niyan” sagot ko dito “Kuripot mo talaga. You deserve it girl, your working too hard you know” sagot naman ni Rachel. “Here, bagay sayo ito” nagulat kaming tatlo sa nagsalita, nang

