Luisa Nakarating kami ni Dexter sa airport kasama ang pamilya ko. Nagkaroon pa ng kaunting iyakan dahil ilang buwan din akong mawawala. Ang tatay naman ay nagpaalala na magiingat at nagbilin na palaging magdadasal. Ang nanay ay hindi rin mapigilan ang pagluha, luha ng kasiyahan dahil sa wakas daw ay natupad ko ang matagal ko nang pangarap. Nang mabaling naman ako kay Dexter, nakatingin lang ito sa amin at nagmamasid. Nilapitan ko ito. “Mabilis lang to” sabi ko dito. “I know. Pupuntahan kita dun. Malapit lang naman ang singapore” tumango ako at niyakap ito. Gumanti rin ito ng yakap sa akin. Pinursige kong makapasok sa isang airline sa Singapore una dahil naitala itong World’s Best Airline at isa pa visa free ang Singapore kaya anytime kapag ako ay nakaipon, madadala ko ang pamilya ko di

