Luisa
Nang makarating kami sa labas ng gate, agad itong lumabas ng sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto. Tinulungan din ako nitong matanggal ang seatbelt at saka ako nito inalalayang makababa.
Dahil na rin sa sobrang taas ng pababa ng kanyang sasakyang pickup, bahagya akong na out balance at napayakap sa dibdib nito. Naramdaman ko ang katawan nitong matipuno kaya naman hindi ako agad nakahupa. Tila ba parang gusto kong magtagal sa pagkakasandig sa dibdib nito hanggang magsalita ito.
“Ok ka lang?” Nagulat ako at nabalik sa aking diwa nang magsalita ito. Agad akong umayos ng tayo saka nagiwas ng tingin dahil paniguradong pulang pula ang pisngi ko sa mga oras na ito dahil sa pagkapahiya. Nagsimula na ako lumakad palayo saka nagpaalam.
“Salamat sa paghatid, sige ingat ka” sabi ko dito nang makarating na ako ng gate.
“Sige” agad din itong kumilos at saka binuksan ang pintuan ng driver seat. Nang maisara nito ang pinto, nagumpisa na rin akong pumasok ng gate ngunit nagulat ako ng tawagin ako nito.
“Luisa” tawag nito sa akin habang nakasakay pa rin sa kanyang sasakyan at ibinaba lang niya ang bintana sa gawi niya.
“Bakit?” Tanong ko dito.
“Next time, don’t wear that skirt again” natulala ako sa sinabi nito saka nagpaalam. Sinundan ko lang ng tingin ang papaalis nitong sasakyan at saka napaisip.
“Ano daw?” Takang tanong ko sa sinabi nito. Napailing na lang ako at sinarado ang gate. Pumasok ako sa loob ng bahay at nadatnan kong gising pa ang dalawang kapatid ko na ngayon ay nanonood ng tv. Umakyat na rin ako sa taas upang makapag linis at makatulog na rin. May pasok pa sa school bukas ng umaga.
Kinabukasan, sinalubong ako ni Crisel. Nakibalita sa nangyaring laro sa basketball kagabi.
“Ayun, nanalo naman yung team ng boyfriend ni Stephanie” sagot ko
“Ah, mabuti naman kung ganun” sagot nito.
“Bakit pala hindi ka sumama?” Tanong ko dito.
“Ayokong umalis, natatakot kasi ako eh”
“Bakit naman? Saan ka natatakot?” Tanong ko dito.
“Hindi mo ba nabalitaan? May nag suicide na naman na estudyante. Pero ang sabi sakin ni tatay mukhang hindi lang yun basta suicide eh. Parang may foul play daw kaya hindi rin nila ako pinapayagang lumabas” pagbabalita nito. Nagulat ako sa sinabi nito. Oo nga at nadadalas ang balitang may mga estudyanteng nagsu suicide pero hindi ko akalain na posible palang may foul play sa mga nangyayari.
“Paano naman nasabi ng tatay mo na may foul play?” Tanong ko dito.
“Lahat kasi ng nag suicide, mga nanggaling din sa party o sa kung saan eh” patuloy naman nito. Napaisip ako pero hindi ko na lang pinagtuunan ng pansin. Sa huling alis ko naman wala naman kakaibang nangyari bagkus parang naging pabor pa nga sa akin dahil nakasama ko si Dexter kahit sandali.
Nakapasok kami sa loob ng classroom nang makita ko si Charice na kasunuran ko lang din halos pumasok na tila diko napansin. Tinabihan ako nito saka ko ibinalita ang nalaman ko kay Crisel.
"Friend, narinig mo ba ang balita? May nagpakamatay na naman na taga BS Administration?" bungad ko dito.
"Oo nga, narinig ko nga eh. Parang kailan lang may nabalitaan din tayong nagpakamatay diba mula sa ibang course" sagot naman nito sa akin.
"Oo nga eh. Ano kaya ang nangyayari sa kanila bakit sila nagsu suicide"
"Parang hindi na usual yung halos sunod sunod may nagpapakamatay. May malalim itong dahilan sa tingin ko" patuloy nito.
"hmm mahirap na rin yan mangielam friend. Kung ano man ang rason nila tiyak kong napaka bigat nito" umayos ako ng upo nang saktong dumating ang professor naming si Prof Isagani.
Nang matapos ang klase, naghanda na rin kami ni Charice sa paguwi. Nang papalabas na kami ay nasalubong namin ang grupo nila Maribel.
"Hi Luisa, Hi Charice. Iinvite sana namin kayo, may gaganaping party sa bahay ng boyfriend ko. Halos lahat ng taga tourism ay naimbitahan ko na. Kayo na lang ang hindi pa" bungad nito sa amin.
"Huh eh sa akin ok lang naman, hindi ko alam kay Charice" tinuro ko si Charice dahil ang totoo sa akin ay ayos lang naman. Nabalitaan ko na rin kasi ang party na ito, nasabi na rin ni Stephanie ito sa akin nung isang araw.
"Huh bakit ako? Eh kung gusto mo eh ikaw na lang, tiyak hindi ako papayagan ng nanay at tatay" sagot naman ni Charice.
Ang lahat ay natahimik at naghihintay ng sagot mula kay Charice.
"Ahhh sige na, sandali lang to. Kahit umuwi kayo agad after 1hour or 2hours. Sige na please..." pamimilit ni Maribel.
"Kailan ba yan?" Tanong naman ni Charice.
"This coming friday na" tinignan ko si Charice at naghihintay ako ng sagot nito habang nakangiti nang biglang sumagot ito ng pag sangayon na halos ikatalon ng puso ko. Napatalon pa si Maribel sa tuwa at nagbigay ng mga detalye kung saang lugar gaganapin ang party saka ito nagpaalam.
"Asahan ko kayo ah" habang papaalis si Maribel, binalingan naman ako ni Charice.
"Ano ba ang naisip mo at bigla mo na lang gustong sumama huh?" tanong nito sa akin.
"Andun kasi si Dexter eh" sagot ko naman na para bang bulateng binudburan ng asin at nagkakandirit sa tuwa.
"Oh, ano naman? At sino naman si Dexter?" takang tanong nito sa akin.
"Crush ko" saka ako nagtititili.
"Dyusko friend ang sakit sa tenga. At kailan kapa nagka crush ng hindi mo sinasabi sa akin huh?" Bigla ako nito kinurot sa tagiliran.
"Aray naman. Si Dexter ay Criminology student. Nakita ko lang siya nung minsan napasyal ako sa building nila para puntahan ang kuya kong si Felix" patuloy ko.
"Oh tapos?"
"Tapos nakita ko sya, nagti training sila. Nakita ko syang pawisan besh, ang sherep besh tapos hinubad niya pa ang tshirt niya ahhh lumaglag besh ito oh" tinuro ko ang pangibabang kasuotan na tila ba kinikilig kilig pa ako.
Sinabunutan ako nito nang bahagya sa ulo.
"Aray ko naman. Eto napaka mo, kaya ka walang manliligaw eh. Man hater ka ba?" Hampas ko pa sa braso nito.
"Man hater? Hindi ah. Wala lang talaga ako magustuhan" saka ito naglakad at iniwan ako. Hinabol ko ito at nang maabutan, saka ko ito bahagyang binatukan. Hindi naman ito nagalit bagkus napatawa pa ito ng malakas.
Sa huli, nagtawanan na lang kami sa kalokohan naming dalawa.