Dexter
Nagmamadali ako papasok sa campus na pinapasukan ko ngayon upang magpanggap na estudyante sa isang eskwelahang tinatarget ng grupong Black Spider Gang. Isa itong notorius group na masyadong mailap sa kamay ng batas at matagal ko na ring tinutugis. May tatlong taon na akong undercover agent. Nang matapos ko ang kursong Political Science, sinubukan kong kumuha ng civil service exam at nagapply bilang isang undercover agent nang magbukas ang organisasyong kasapi ng FBI. Maswerteng nakapasa sa mga trainings at exam kahit pa nga malaki ang tutol ng aking ama na si Don Roderick Guerrero. Ayaw nito ang larangang pinasok ko, ang gusto nito ay magsimula na akong magtraining upang maging CEO ng kumpanya. Ngunit upang pumayag ito sa ginagawa ko, pumayag akong magtrabaho sa kumpanya habang nagtatrabaho bilang undercover agent. Nagagampanan ko naman parehas ang trabaho kaya wala namang angal ang ama ko.
Ilang buwan pa lang ako dito sa eskwelahan at alam ng school administrator ang pakay ko dito kaya pumayag itong pumasok ako bilang estudyante bilang parte ng pagiging undercover agent ko. Lumalala na ang kaso ng suicide sa campus at may nakukuha na rin silang balita na hindi lang basta suicide ang kaso nito, kung hindi patayan. Kaya naman upang masalba rin ang reputasyon ng eskwelahan, nakipagtulungan sila sa aming organisasyon upang masagupa ang grupong nasa likod ng krimen.
Ngunit sa pagmamadali ko, hindi ko napansin ang isang taong nasa daraanan ko dahil sa pagbubutones ko ng polo. Nabangga ko ito at tumapon ang kinakain nitong hotdog sandwhich. Galit na galit itong nagsasalita dahil sa pagkatapon ng hotdog. Nag offer din akong palitan ito ngunit ayaw niya hanggang sa mapatingin ito sa gawi ko. Nagulat na lang ako ng bigla itong matigilan. Nung una ay nagtaka ako nang matigilan ito. Wala akong ideya kung bakit pero nagkaroon ako ng pagkakataong mapagmasdan ito, maganda siya. Mahahaba ang pilik mata. Ang mata niya ay may pagka kulay brown din at ang buhok ay mamula mula sa sinag nang araw. Napatingin ako sa labi nitong maninipis na ngayon ay may ketchup sa gilid. Nang dilaan nito ang ketchup na nasa gilid ng kanyang labi, tila ba may parang bumara sa lalamunan ko at hirap akong huminga. Naramdaman ko ring tila sumikip ang pantalon ko nang bigla akong mabalik sa ulirat ng magsalita ito.
“Hindi na ako gutom” sagot nito sa alok kong palitan ang kanyang sandwhich hotdog. Gusto ko pa sana ito makausap ngunit kailangan ko nang makaalis dahil may taong naghihintay sa akin sa loob. Nagpaalam ako dito ngunit sa huli nagsisi ako nang hindi ko man lang nakuha kahit pangalan nito.
Tinungo ko ang opisina ng school administrator na si Mr Val. May impormasyon daw itong nakalap kaya agad ko itong pinuntahan.
“Sir” tumayo ito agad nang makapasok ako. Agad akong umupo sa tabi nito.
“May magaganap daw na party sa darating na biyernes na pinangungunahan muli ng grupo nila Alex Navarro. At ang sabi ng nakausap ng inutusan naming estudyante, tila target nila ang estudyante mula sa BS Tourism na ang pangalan ay Charice Fernandez” simula nito.
Iniabot nito sa akin ang picture nung Charice Fernandez. Kinuha ko ito at itinabi sa bag ko.
“Sige sir, ako na po ang bahala. Salamat sa impormasyon” tumango ito saka ako lumabas ng opisina. Dumiretso ako sa room saka ako sinalubong ni Louie.
“Pre, sama ka sa party ni Alex, nagaaya sa friday daw” bungad nito. Mukhang marami ang inalok ng mga ito upang hindi makahalata sa gagawin nila.
“Sige sama ako” sagot ko naman dito.
“Nga pala, may laro kami ng basketball mamaya, sama ka?” Tanong nito. Inisip ko kung may gagawin ba ako mamaya, may kailangan lang ako tapusin sa opisina at saka napaisip na mabuti ring sumama ako sa kanila upang hindi nila mahalata ang totoong katayuan ko.
“Sige, walang problema. Sabihin mo lang saang lugar, susunod na lang ako” sagot ko dito. Tumango naman ito ng saktong dumating ang prof namin sa unang subject.
“We have our weekly exercise today boys, see you in the quadrangle” lumabas ang professor namin at nagkanya kanya kami ng punta sa locker room upang makapag palit ng damit.
Nagsimula ang exercise na tila ba balewala lang sa akin dahil minor lang ito kung iisipin sa mga trainings na ginagawa namin habang ang mga kasama kong estudyante ay hirap na hirap sa pag push up. Nang sumigaw ang aming Prof nang break, naguunahang magsipuntahan ang mga estudyante sa gilid. Nauna naman si Louie saka ako sumunod.
“Dex, tubig” alok ni Louie na kasama na ang girlfriend nito at ilang kababaihan. Kinuha ko ang bote mg mineral saka ininuman. Natigil lang ako nang may marinig akong suminghap sa gilid ko. Pagtingin ko, siya yung babaeng hindi ko sinasadyang mabunggo kanina.
“May problema ba miss?” Tanong ko dito, siya naman ay tinuro ang tubig na iniinom ko. May sinabi ito ngunit hindi ko narinig kaya lumapit pa ako dito. Nagkaroon ako ng pagkakataong maamoy ito kaya sinadya ko pang ilapit ang mukha dito upang mas mapalapit pa dito. ‘s**t’ sabi ng isip ko.
“What?” Pagpapanggap na tanong ko.
“I said, that’s mine” tinuro nito ang hawak kong tubig
“Ohh..I’m sorry, papalitan ko na lang..Ooppss” nagkunwari akong bigla ko siyang nakilala nang tanggalin nito ang kamay sa binig niya.
“Mukhang madami na akong utang sayo ah” ko
“Huh? Bakit naman?” Tanong naman nito.
“Nalaglag yung kinakain mong hotdog kanina, ngayon naman itong tubig mo halos maubos ko na. Ang dami ko nang utang. Paano ba bumawi miss?” Nang hindi ito magsalita, kinuha ko ang tuwalya saka pinunasan ang pawis sa leeg at sa ulo. Hinubad ko rin ang damit kong basang basa na rin ng pawis upang makapagpalit nang bigla itong magsalita.
“s**t”
“What?” Baling ko dito.
“Ah, eh basa na ako, i mean, yung tshirt mo basa na” sabi naman nito. Napangiti ako ng tila ba para itong natataranta. Napaka cute niyang tignan.
“Ah, ok lang, may pamalit naman ako” iniwan ko ito sandali saka kinuha ang bag. Bumalik ako sa pwesto nito, kailangan kong malaman ang pangalan nito. Kahit pangalan lang, masaya na ako.
“By the way, I’m Dexter” iniabot ko ang kamay dito.
“Luisa” sagot nito. Lihim akong napangiti. ‘What a lovely name’