Chapter 6

1259 Words
Dexter Nagmatyag ako sa building ng BS Tourism upang malaman kung sino dito si Charice Fernandez. Nakita ko ang isang grupo ng mga kababaihan na may nilapitan. Patuloy ko lang ito pinagmasdan. Grupo ito ng mga babaeng kasama ni Alex Navarro. Panigurado ay sinusubukan nilang magaya ng mga babae dito na posibleng mabiktima. Nang biglang tumakbo ang isang babae at may hinahabol. Nakita ko ang isang babaeng kamukha ng nasa hawak kong larawan. Panigurado, ito na yung Charice Fernandez. Nakita ko ring may isang babae na bahagyang nagtatatalon, nang masilip ko sa hawak kong binocular, nakita ko si Luisa. Sinundan ko ng tingin ang mga ito. Nang iwan sila ng babaeng tumakbo, sabay na lumabas sa campus si Luisa at yung Charice. “s**t” usal ko. “Magkaibigan sila” bulong kong muli. Hindi ito maaari. Kung magkaibigan si Charice at Luisa, paniguradong madadamay si Luisa dito. Hindi ito pwede. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa makalabas ang mga ito sa campus. Nang biglang tumunog amg cellphone ko. Message galing kay Louie, nagpapaalala ng basketball game mamaya maging ang oras at lugar kung saan. Naghanda na rin ako sa pagalis. Dadaan pa ako sa opisina. “They are all waiting in the meeting room sir” salubong sa akin ng sekretarya ko. May magaganap na board meeting sa araw na ito. Wala ako ideya kung para saan ito. Si Dad ang nagpatawag ng board meeting na ito. “Oh here he is” bati sakin ni Dad ng makapasok ako sa loob ng meeting room. “What is it Dad?” Napatingin din sa akin ang ilan sa board member. “Well, i have a business trip for next month. I have a meeting with one of the investors who want to invest in our company and also a new company that possible to open” patuloy nito. “At habang wala ako, i want you to take over the company” uumpisahan ko sana ang pag protesta nang biglang tumayo ang Dad ko sana nagpaalam. “I already made my decision and this is final” saka ito umalis. Sumunod na rin ang ilan sa board member ng kumpanya saka ako napasandal sa upuan. Bumalik ako sa opisina saka nagisip. Tinawagan ko ang isa sa pinagkakatiwalaan kong tauhan. “Hector, bantayan mo si Charice Fernandez. Isesend ko sayo ang picture nito at kung saan ito nakatira. Matyagan mo kung may lalapit ba ditong kahina hinala” utos ko dito. Sumagot ito sa kabilang linya saka ko pinadala ang detalye ni Charice Fernandez. Tinapos ko rin ang mga naiwang trabaho sa opisina. May itinatayong bagong condominium di kalayuan sa Parañaque ang kumpanya kaya naman abala ako sa construction nito maging ang pag hire sa mga bagong empleyado ay itinalaga sa akin ni Dad. Ayoko man ngunit wala akong magawa dahil ako lang ang natatanging anak nito. Hindi na sila nagkaroon pa ng pagkakataong magkaanak muli nang magkaroon ng cervical cancer ang Mommy ilang taon matapos ako nitong iluwal na ito ring naging dahilan ng pagkamatay nito. Nang magawa lahat ng dapat gawin sa kumpanya. Dumiretso ako sa condo unit ko upang makapag palit ng damit para sa basketball game namin nila Louie. Kumain muna ako sandali bago umalis ng condo. Dumiretso ako sa parking lot kung saan naka parada ang sasakyan kong Ford Raptor. Tinunton ko ang lugar na binanggit ni Louie sa akin. Nahuli na ako ng ilang minuto sa laro dahil kinailangan ko munang tapusin ang naiwang trabaho. Habang papasok ako, biglang may isang babae ang tumama sa akin. Nagulat ako at agad kong itinaas amg dalawang kamay sa magkabilang gilid nito upang alalayan ngunit napatigil pa ito ng ilang segundo. Nang masigurong maayos naman na ito, saka ko inagaw ang pansin nito. “Ok ka lang?” Nang magangat ito ng tingin, saka ko nakilala kung sino ito. ‘Luisa’ bulong ko sa isip ko. Bakit ba napaka ganda niya kahit sa anong angulo o kahit na sa anong pangyayari. “Hala, na fall ako..sayo. I mean, sayo ba ako tumama?” Napataas ang kilay ko sa sinabi nito ngunit agad ko ring pinagsawalang bahala. Hindi lang ang sinabi nito kundi maging ang presensya nito sa buhay ko. Sa uri ng trabaho ko, kinatatakot ko na baka madamay at mapahamak lang ito. Pinilit kong iwaksi kung anuman ang nabubuong pagkagusto ko dito kaya naman agad ko itong binalingan. Pilit ko itong iiwasan. “No, it’s ok. Sige alis na ako. Ingat ka” saka ko ito iniwan at tumakbo papunta sa team. Ngunit agad ko ring ikinapagsisi nang makita ko ang suot nitong damit. ‘s**t’ gusto ko itong takbuhin, balikan at ihatid pauwi. Napakaiksi ng suot nitong skirt, tumatambad ang makikinis nitong mga legs. Ngunit pilit kong iwinaksi ang kagustuhan. Desidido na akong gawin ang lahat ng makakaya upang maiwasan ito. Ngunit habang naglalaro, narinig kong sumigaw ito ng “Go Dexter” hindi ko napigilan ang sariling lingunin ito at para bang nagkusa pa ang mga mata ko nang kindatan ito. ‘s**t,ano ginagawa mo’ saway ko sa sarili. Natapos ang laro, lumapit sa akin si Luisa at inalok ako ng tubig. Agad ko itong tinanggihan at sinabing may dala akong tubig kahit na ba ang totoo ay wala naman talaga akong dala. Nakita kong nalungkot ang mukha nito ngunit pilit kong nilabanan ang sarili na lapitan ito at amuin. Hindi ko gustong makita itong malungkot ngunit para na rin sa kaligtasan nito, gagawin ko. Nagaya si coach sa bahay nila para sa munting salu salo nang manalo ang team sa laro ngunit umayaw na ako. Kailangan ko ring makapag pahinga at makapag handa sa susunod na misyon. Nagsipag labasan na ang mga manonood maging ang team ko ay nagsialisan na rin kaya naghanda na rin ako sa pagalis. Habang nagda drive, nakita ko si Luisa na magisang naglalakad sa kalsada na ganyan ang suot, naka skirt na maiksi. Pilit kong nilalabanan ang sarili na huwag itong hintuan ngunit nakita ko na lang ang sariling inaaya itong sumabay. “Ahh hindi na, ok lang ako. Malapit naman na ko sa sakayan. Thanks” tinignan ko ito ngunit mukhang mas lamang ang inis nito sa ginawa ko sa kanya kanina. Pinaandar ko ang sasakyan saka ipinarada sa gilid ng kalsada saka ko ito nilapitan. “Tara na, gabi na oh. Mamaya kung mapaano kapa, tignan mo yang suot mo napakaiksi pa. Halika na, ihahatid na kita” nang magawi sa bandang legs nito, napamura ako ng pabulong dahil sa inis sa suot nito. “Hindi na, maglalakad na lang ako” tinignan ko lang ito na nagpatuloy sa paglalakad. Sinundan ko itong muli. “Kung ayaw mong sumabay, sasabayan na lang kita ng lakad hanggang makarating ka sa inyo” sagot ko dito habang sinasabayan itong lumakad. Nang mapadako kami sa sasakyan, pumasok ako sa loob at pinatay ang makina. Sinarado ko ito saka inilock. Nakita kong iniwan ako ni Luisa kaya nagmamadali akong hinabol ito. “Hoy, seryoso kaba?” Gulat na sabi nito sa akin. “Nakapatay na sasakyan, ni lock ko lang din. Tara?” Aya ko naman dito. Huminto ito kaya naman napahinto rin ako sa paglalakad. “Hala seryoso nga siya” tumingin ito sa akin. “Ok fine” saka ito lumakad pabalik ng sasakyan ko. Hinabol ko ito at inunahan upang mabuksan ko ang passenger seat door. Inalalayan ko ito sa pagupo at ikinabit ang seatbelt. Dali dali rin akong pumunta sa driver seat. “Ready?” Baling ko dito. “Ok” sabi naman nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD