Chapter 7

1120 Words
Luisa Dumating ang araw ng biyernes. Party ng boyfriend ni Maribel. Pumunta kami ni Charice na parehong walang karanasan sa mga ganitong kasiyahan. Sinalubong kami ni Maribel at pinakilala rin nito ang boyfriend niyang si Alex. Ngunit tila iba ang tingin nito kay Charice. Tila ba parang nagugustuhan nito ang kaibigan ko. Maya maya pa natanaw ko na dumating si Dexter. Nagpaalam ako kay Charice na pupuntahan ito. Nilapitan ko si Dexter upang makapagpasalamat sa paghatid nito sa akin pagkatapos ng laro ng basketball. “Dexter” tawag ko dito. Agad naman itong lumingon. “Magisa ka lang?” Tanong ko. “Nope, nandyan sila Louie” sagot naman nito. Tumango ako. “Salamat pala ulit sa paghatid ah” bungad ko dito. Tumingin lang ito saka ngumiti. “That’s fine” Sagot nito na tila ba walang emosyon. Nagpaalam ako dito ngunit bigla na lang itong humabol. “Luisa” tawag nito sa akin. Nilingon ko ito. “Sino kasama mo?” Tanong nito muli. “Ah, yung best friend ko. Si Charice” lumapit ito sa akin na tila ba parang nagkaroon ito ng interes sa kasama ko. “Saan kayo nakaupo?” Tanong muli nito. “Doon” saka ko tinuro ang lugar namin ni Charice na ngayon ay kasama na si Alex. “Babalik kana ba sa upuan? Tara, ihahatid na kita” aya nito. Nagtataka ko itong nilingon ngunit sa huli tumango na lang ako. Nang marating namin ang kinapupwestuhan, pinakilala ko si Dexter kay Charice. Tumayo naman si Alex at nagpakilala rin kay Dexter. Maya maya pa ay inaya ni Alex si Dexter na ikuha kami ng juice. Binigyan ako ni Charice ng makahulugang tingin ngunit nauna ko itong tanungin patungkol kay Alex. Maya maya pa lumapit si Maribel at kinausap si Charice. Naiwan akong magisa sa table. Hanggang sa dumating si Alex dala dala ang juice na ikinuha nito. “Thank you. Si Dexter?” Tanong ko dito. “May pinuntahan eh” sagot nito saka tumayo sa gilid ko. Ininom ko ang juice na dala ni Alex ngunit matapos ang ilang minuto, nakaramdam ako ng pagkahilo. Tinignan ko si Alex na para bang humihingi ng tulong ngunit bigla na lang nandilim ang paningin ko. Naramdaman kong may bumuhat sa akin hanggang sa wala na akong maalala. Nagising akong nasa isang maganda at malambot na kama. Pinilit kong imulat ang aking mga mata hanggang tumambad sa akin ang ganda ng kwarto. Munti ko itong napagmasdan at sinisigurado ko na hindi ito ang kwarto ko. Sobrang minimalist ang disenyo at tila ba pang lalaki ang pintura sa kulay nitong pinaghalong gray at black. Nang bigla akong magtaka kung bakit ako nandito, pumasok si Dexter at si Charice sa kwarto. Pinaliwanag nila sa akin kung bakit kami ngayon nandito sa tinutuluyan ni Dexter. "Ahh, bakit wala akong maalala?" Humawak ako sa noo ko na tila sumakit ng bahagya habang pilit inaalala ang nangyari. "Ano ang huli mong naaalala?" tanong ni Dexter. Binalingan ko ito at tila nagulat pa ako sa nakita kong reaksyon sa mata nito. ‘Nagaalala ba siya?’ Tanong sa isip ko. "Wala, nakaupo lang sa lamesa at iniinom ang juice na dinala niyo ni Alex hanggang sa iniwan ako ni Charice magisa. Nakaramdam ako ng antok at iyun pag gising ko nandito na ako" pagsasakwento ko habang hindi natitinag ang tingin sa akin ni Dexter gayundin si Charice. "Ano ba ang nangyari?" tanong kong muli. "May isang oras ka nang nawawala kaya hinanap kita kay Dexter. Hinanap ka namin si Dexter at natagpuan ka namin sa isang kwarto na kung saan may nakatutok na camera sayo" napasinghap ako at napahawak sa bibig ko. "Bakit ako nasa kwarto at bakit may camera?" "Upang pagsamantalahan habang naka record ang video" sagot ni Dexter na bakas sa mukha nito ang galit. Natahimik kami nang biglang magsalita si Dexter. "Halika na at iuuwi ko na kayo, baka nagaalala na ang mga magulang niyo" Kumilos ako patayo saka naman agad akong inalalayan ni Dexter. Hawak nito ang isang kamay ko at ang isang kamay naman nito nakahawak sa bewang ko. Gusto ko sanang damhin ang uri ng pagkakalapit ng mga katawan namin ngayon pero mas nananaig ang hilo at sakit ng ulo ko. Nang biglang bumulong ito sa akin. “Kaya mo naba? Pwede ka naman mag stay muna” tanong nito. “Gabi na rin, baka magalala si Nanay sa akin” tumango naman ito saka kami nagtuloy maglakad. Nang tila ba hindi ko kayang makalakad, pakiramdam ko ay umiikot ang paligid ko, binuhat ako ni Dexter na para bang bagong kasal. Napakapit ako sa leeg nito saka ko ito tinignan. Tumingin din ito sa akin na tila ba kinakabisado ang mukha ko. Tumingin ito sa mga mata ko at sa ibang bahagi ng mukha ko hanggang sa labi ko. Napalunok ako ng magawi ang tingin nito sa labi ko. Nang biglang tumunog ang elevator, hudyat na kailangan na naming sumakay. Kumilos si Dexter at agad kaming pumasok kasunod si Charice. Iniupo ako nito sa passenger seat, nilagyan ng seatbelt ngunit bago ito pumunta ng driver seat, nagulat pa ako ng hawakan nito ang isang pisngi ko. Agad akong napapikit sa pagkakahawak nito. Napadilat na lang ako ng tanggalin na nito ang kamay sa pisngi ko at pumunta sa driver seat. Agad din nitong pinaandar ang sasakyan. Nakarating kami sa bahay at agad din ako nitong inalalayan. “Dahan dahan” sabi nito. Hawak nitong muli ang kamay ko at ang bewang. Hinawakan ko rin ang isang kamay nito at dahan dahang lumakad hanggang sa makarating sa gate ng bahay. “Ipapasok na kita sa loob” sabi nito. “Hindi na, kaya ko na” sagot ko naman. “Hindi mo pa kaya, ipapasok na kita sa loob” pagpupumilit nito. “Huwag na, gabi na. Baka kung ano isipin nila nanay. Ihahatid mo pa si Charice” sagot ko naman. Tumingin ito sa akin na tila ba tinitimbang ang sinabi ko. Ngumiti lang ako saka ko ito sinagot. “Salamat sa pagaalala” tumango naman ito saka umalis. Tinanaw ko pa ito hanggang makapasok sa sasakyan ngunit bago ito sumakay, lumingon pa itong muli. Nginitian ko itong muli saka tumango. Tumango rin ito at tuluyang sumakay sa sasakyan. Pumasok ako sa loob ng bahay at dumiretso patungo sa kwarto. Nadatnan ko rin sila nanay na nanonood pa sa sala. Binati ako ng mga ito. “Kamusta ang lakad anak?” Tanong ni nanay. “Ok lang po nay, masaya po” ngumiti ako saka tuluyan nang umakyat sa kwarto. Hindi ko alam kung anong emosyon ba dapat ang mararamdaman ko sa ngayon pero ang alam ko lang, mas lamang ang saya kesa sa takot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD