Chapter 8

1035 Words
Luisa Matapos ang insidente, hindi ko na muling nakita pa si Dexter. Hindi pa ako nagkaroon ng pagkakataong makapagpasalamat dito at makabawi man lang sa pagliligtas nito sa akin. Sumapit din ang araw ng graduation namin ni Charice at nagtuloy tuloy ako sa pag aapply upang maging isang Cabin Crew sa Manila Airline. Dumaan sa ilang trainings hanggang sa maging ganap na Cabin Crew para sa local flight. Si Charice ay hindi ko na alam kung ano ang pinagkakaabalahan. Matapos ang graduation, ni hindi ko na ito nakakausap at nakikita. Masyadong mailap ang kaibigan kong iyon at ni wala man lang social media. Wala na akong update sa matalik kong kaibigan at si Dexter? Nasan na kaya siya? Ni hindi ko man lang nakuha ang apelyido niya para ma search ko man lang sa social media o kahit cellphone number man lang. Natatandaan ko pa rin ang condo na tinutuluyan nito ngunit nahihiya naman akong puntahan ito. Baka mamaya may girlfriend o di kya ay asawa na kasama ito sa bahay kaya mabuti pang umasa na lang sa pagkakataong magkikita kami isang araw. Ngayon ay nakabakasyon ako sa trabaho. Inasikaso ko ang paglipat sa condo unit na kinuha ko malapit sa airport upang hindi ako nahihirapang lumuwas palagi ng Bulacan. Pumayag naman sila nanay kaya hindi naman ako nahirapan. Inuumpisahan ko na rin kasi ang pagaapply ng international airlines kaya mas napapadalas ako dito sa Manila. Kailangan ko rin siguro maranasan ang pagiging independent kung sakali man na matutuloy ako sa international airlines. Nang makatapos sa paglilipat, kaunting gamit lang naman ang dala ko kaya hindi naman ako nahirapan. Sinubukan kong tawagan si Charice kung pwede kaming magkita. Mabuti naman at sinagot nito ang tawag ko. Nagkita kami sa isang restaurant saka nagumpisang kumain. Habang masaya kaming nagku kwentuhan, may biglang tumawag kay Charice na tila ba kilala ko ang boses. Nang lingunin namin ang tumawag, nakita ko si Dexter na papalapit. Bigla akong nagtaka, nagkakasama ba sila ni Charice? “Dexter” bati ni Charice dito na halatang alanganin ang pagtingin nito sa akin. "Sakto ang dating mo, remember Luisa?" Sabi ni Charice. "Yeah, how are you?" baling naman nito sa akin saka nakipag kamay. "Yeah, Im good. By the way, hindi pa pala ako nakakapagpasalamat sayo. Salamat sa pagligtas mo pala sa akin nung gabing iyon. Naikwento sa akin ni Charice ang nangyari. Thank you" tumayo ako saka ko niyakap si Dexter. Hindi ko rin alam bakit ko iyon ginawa pero nang makita ko siya, tila ba may sinasabi ang puso ko. Sinasabing namimiss niya ito. "Yeah sure, no problem" sabi nito ng bitiwan ko ito. "Charice, can i have a minute?" Baling nito kay Charice. Pinagmasdan ko lang sila hanggang sa makalayo. Pagbalik, si Charice na lang ang nakabalik at wala na si Dexter. “Nasan si Dexter?” Tanong ko dito. “Ah, umalis na eh. Nagmamadali” sagot nito. “May something ba sa inyo ni Dexter, Charice?” Tanong ko dito habang binibigyan ito ng makahulugang tingin. Umiling ito saka nagumpisang magpaalam. “Kung wala talagang namamagitan sa inyo ni Dexter, pwede ko bang mahingi ang number niya?” Muling sabi ko kay Charice bago ito tuluyang magpaalam. “Yeah..sure” alam kong alanganin itong sagot niya ngunit sa huli ay binigay din niya ang number ni Dexter. Tuluyang umalis si Charice at ako naman ay bumalik na rin sa condo para makapag pahinga. Nang sumapit ang gabi, tinitignan ko sa cellphone ko ang numerong ibinigay ni Charice sa akin. Sinubukan ko itong i message ng ‘HI’ ngunit hindi ito mag reply. “Number ba talaga ni Dexter ito Charice?” Bulong ko sa sarili. Naghintay pa rin ako ngunit wala pa ring reply. Hanggang sa hindi na ako mapakali at sinubukan ko itong tawagan. Sa unang ring, hindi nito sinagot ang tawag. Sinubukan ko ulit ito tawagan, nang sumagot ito. Wala akong nasabi. Pinatay ko bigla ang tawag sa pagkataranta. Ngunit nagulat ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Sinagot ko ito ngunit wala ulit salitang lumabas sa bibig ko. “I will trace who you are” sagot nito sa kabilang linya. ‘Hala, galit na ata siya’ kaya agad akong nagsalita. “Hi” tanging nasabi ko. “Sino to?” Sagot nitong muli na medyo galit pa rin ang tono. “It’s me, Luisa” sabi ko dito. Tumahimik lang ito kaya nagalangan akong magsalita ulit. “Ahm, sorry sa istorbo, sige, bye” nang papatayin ko na ang cellphone bigla ulit itong nagsalita. “Wait” sagot nito sa kabilang linya. Tinapat kong muli ang cellphone sa tainga ko. “Can i see you?” Sabi nito. Nawala na ang galit na tono nito at tila napalitan ng isang malumanay na boses. Halos maubusan ako ng hininga sa pagpipigil sa tiling gusto kumawala sa bibig ko. Pinagpag ko pa sa hangin ang isang kamay saka nagtatatalon sa tuwa. “Luisa, are you still there?” Sabi nito sa kabilang linya. “Ahh, yeah yeah, im sorry. May ipis kasi bigla” pagsisinungaling ko naman. “Hmm” maiksing sagot nito “Ahh, eh, kailan ba?” Tanong ko dito. “Are you free tonight?” Tanong muli nito. “Tonight? As in ngayon na?” Hindi ako makapaniwalang tanong dito. “Yeah, tonight” sabi nito. “Ahh, yeah sure. Saan tayo magkikita?” “Sunduin na lang kita” sabi muli nito. “Ah sige, dito ako sa Diamond Tower nakatira” “I know” “Alam mo?” Takang tanong ko naman dito. Paano niya naman nalaman? “Charice told me” 'Charice?' Bigla akong napaisip, hindi ko pa naman nababanggit ito kay Charice ah. Paanong si Charice ang nagsabi dito? “Pick you up at 8pm” sa halip na magisip. Sinawalang bahala ko na lang ang pagtataka at saka inenjoy ang isiping magkikita kaming muli ni Dexter matapos ang ilang buwang hindi namin pagkikita. “Yeah,sure 8pm. See you” sabi ko dito. “Yeah, see you” sagot naman nito. ‘Kung sakaling wala ka pang girlfriend o pamilya, sisiguraduhin kong ngayong gabi, liligawan mo ako Dexter’ determinado kong sabi bago magbihis at muling magtatalon sa kilig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD