Incoming call..
Dexter: “Yes Dad?”
Roderick: “Son, kailan mo ba ako papalitan sa kumpanya? I need you here son”
Dexter: “Dad, please. Napagusapan na natin to diba?”
Roderick: “Yes i know but whom do i trust too to take over our company? Ikaw lang ang nagiisang tagapagmana ko”
Dexter: “Ginagawa ko pa rin naman ang trabaho ko Dad kahit na patuloy ako sa napili kong propesyon ah”
Roderick: “But son, iba yung fulltime ka sa kumpanya”
Natahimik ako habang nagsasalita si Daddy sa kabilang linya.
Roderick: “Son, please. Gusto ko na ring magpahinga, mula nang mamatay ang Mommy mo ni hindi kana naglalagi dito. Palagi kana nasa misyon mo” muling bigkas nito. Naalala ko bigla si Mommy, labag sa loob nito ang pinasok kong trabaho ngunit dahil sa dito ako masaya, napilitan itong suportahan ako. Nagisip ako ng malalim saka ko ito muling sinagot.
Dexter: “Soon Dad, soon” sumagot itong muli saka ko pinatay ang tawag.
‘Anytime soon Dad, i need to make sure first the safety of Luisa’ saka ko tinago ang cellphone sa bulsa at nagumpisang maglakad patungo ng parking lot.
Sumakay ako sa aking pick up car at tinunton ang lugar patungo sa aming kampo. Muling tumunog ang cellphone ko, tawag ng isang taong kanina ko pa hinihintay.
“I’m on my way” pinatay ko ang tawag saka iniliko ang sasakyan patungo sa lugar na binanggit ng kausap ko.
Nakarating ako sa lugar kung saan kami magtatagpo ng tauhan ko upang matyagan ang isang pamilya. Sinalubong ako nito.
“Sir, nandun po sila” sabi nito. Sinundan ko ito at saka kami nagtago sa isang lugar.
“May tatlong lalaki ang nakapalgid sa lugar sir. At may isang grupo ang nakasunod sa kanya palagi” paguulat nito. Tumango tango ako habang tinuturo nito ang mga pwesto ng mga taong hinahanap ko. Positibo, isa nga sila sa miyembro ng grupong matagal na naming tinutugis.
“Sige, huwag kang aalis. Bantayan mo lang at kapag may ginawang hindi maganda, alam mo na ang gagawin” utos ko sa aking tauhan.
“Yes sir” umalis ako sa lugar na pinagkitaan namin at agad akong bumalik sa sasakyan upang makabalik sa kampo.
Dumiretso agad ako sa loob ng opisina at agad kinausap si Big Boss.
“Sir, positive. May mga nagmamatyag sa lugar” pagbabalita ko dito.
“Bago ka gumawa ng anumang hakbang, siguraduhin mo munang tama ang hinala mo” sagot naman nito sa akin.
“Alam mong hindi pwede ang gagawin mo lalo at personal ang pakay mo, labag iyan sa kautusan” dagdag pa nito.
“Kukunin ko po ang responsibilidad sa anumang mangyayari sa ginagawa kong pagsisiyasat” sagot ko naman dito. Hindi ito muling sumagot kaya naman nagpaalam na ako.
Dumiretso ako sa kumpanya upang tapusin ang naiwan kong trabaho. Diretso ako sa opisina at agad sumalubong ang sekretarya ko.
“Sir, you have a meeting with Mr Alex Navarro. He want to invest in the company” napatingin ako dito hanggang sa iniabot nito ang mga dokumento na kailangan kong pirmahan.
“What time is it?” Tanong ko
“Lunch time sir, 12:00pm at Lé Bar. I already book the reservation sir” dagdag pa nito. Tinanguan ko lang ito at iniabot ang mga papeles na pinirmahan ko saka ako tuluyang pumasok sa opisina.
Naupo ako sa aking swivel chair at humarap sa labas na tanaw ang buong siyudad. Tumayo ako saka ipinamulsa ang aking dalawang kamay.
“Alex..” bulong ko sa sarili.
“Ano ang hinahanda mong plano sa ngayon” dagdag ko pa saka ko kinuha ang cellphone at may tinawagan.
“Pre, Alex want to invest in our company” pagbabalita ko kay Roldan. Alam ni Roldan ang mga pinaplano ko tungkol sa grupong Black Spider Gang. Isa si Roldan sa kasama ko sa grupo. Tatlo kaming tumutugis sa grupo ng Black Spider Gang kasama si Charice na nakilala ko lang noon nang malaman kong isa siya sa target ng grupo noong college ito. Hanggang sa naging kasapi na rin siya ng organisasyon at kaibigan din nito si Luisa. Si Roldan naman ay sa ibang grupo nagmula ngunit mas lamang ang pagnanasa nitong masawata ang grupo ng Black Spider Gang kaya naman nakiusap ito sa nakatataas ng organisasyon na sumama sa grupo namin ni Charice.
Ngunit sa pagkakataong ito, si Roldan lang ang nakakaalam ng mga pinaplano ko. Hindi ko masabi kay Charice ang kaugnayan ng grupong Black Spider Gang at ni Luisa dahil kaibigan niya ito. At alam ko sa sarili ko na laban ko ito. Kailangan kong protektahan ang taong minamahal ko. Dahil sa akin kaya siya nandito sa sitwasyong ito. Alam ko na kapag nalaman ni Charice ay magagalit ito at sigurado din akong tutulong ito ngunit mas pinili kong sarilinin na lamang ang laban upang maprotektahan ko rin ang mga tao sa buhay ni Charice at ni Luisa. Kailangan ko ring magpanggap na wala akong alam upang makakalap ng impormasyon.
“Akala niya naman tuso na siya sa ginagawa niya” sagot ni Roldan.
“Yeah, and we will have a meeting. Can you come with me?” Tanong ko naman dito. Sumangayon naman ito saka namin tinapos ang usapan.
Sumapit ang alas onse ng umaga, kumatok si Roldan sa opisina at pumasok. Dito naghanda na rin kami ng gamit kung sakali mang may mangyaring hindi inaasahan. Sinigurado naming puno ng bala ang mga baril at naka protective gear din saka kami lumabas ng opisina.
Pumwesto sa malayo si Roldan habang ako naghihintay na makarating si Alex sa lugar na pinagusapan.
“They’re here” radyo sa akin ni Roldan gamit ang earpiece. Tumango lang ako.
Pumasok si Alex sa loob ng restaurant habang ang dalawang bodyguard na kasunod niya ay pumwesto naman sa di kalayuan. Nakatayo lang ang mga ito.
“Dexter, pare, long time no see” bungad na bati ni Alex. Inabot din nito ang kamay ko. Tumayo naman ako upang salubungin ang pagbati nito.
“Alex” ngumiti ako saka ito kinamayan.